SERA POV
“Bakit magkasama ang babaeng yan at si Lucien sa pagpasok?” bulungan ng mga babae pagka-baba ko ng kotse ni Lucien.
Napayuko naman ako sa hiya, kasi totoo naman sino nga ba ako? Isa lang naman ako mahirap na kumakapit sa pagiging scholar sa paaralang ito.
Bigla naman akong nanliliit sa sarili ko.
“Don’t mind them.” Lucien said and hinawakan ang kamay ko.
Hinila na ako ni Lucien para mag lakad sa hallway, nagpatianod nalang ako kasi baka bigla nalang akong maiyak.
Ang sama kasi ng tingin ng ibang mga babae.
Hinatid niya naman ako sa room ko, Business Ad din kasi itong si Lucian graduating students din.
“Thank you.” sabi ko na lang pagka hatid niya sakin.
“You’re always welcome my Wifey, I'll fetch you for lunch.” ngumiti naman ito at naglakad na paalis.
WAHHHHH bakit ba biglang naging gwapo sa paningin ko si Lucien, e dati naman ay wala akong pakialam dito.
“I smell something fishy.” Scar said pagpasok ko sa room.
“Huh.”
“Hmmm, wag kanang mag pa inosente Sera, anong namamagitan sa inyo ni Lucien. Sina sagot mo na ba siya?” tila nasa hot seat naman ako dahil sa dalawang ito.
“Ano ba hindi no, tsaka wala naman akong feelings sa kanya.”
“Weh? Talaga ba Sera?” tanong naman ni Stella.
“Ay naku wala ng talaga promise.”
“Tsaka saan ka pumunta kagabi di ka man lang nagpaalam samin na umalis ka.”
Nagkwento na ako sa kanila about sa nangyari kagabi, kase alam kung di ako titigilan ng dalawang ito.
LUNCH TIME
Tulad nga ng sinabi ni Lucien kanina, susunduin niya ako para mag lunch.
Nagbubulungan na naman mga kaklase ko. Ano pa nga ba? Dahil lang naman kay Lucien naka tayo kasi ito malapit sa pinto, naka pasok pa ang kamay nito sa loob ng pants pocket niya.
Jusko bakit ba parang model ito sa magazine.
“Parang hindi lang smell fishy, kundi may namamagitan talaga sa inyong dalawa.” pangingilatis ni Scar.
“Wala nga.” tanggi ko naman.
“Bakit nandito yan?”
“Sabi niya kasi susunduin niya ako for lunch.”
“So mag dadate kayo, oh my god I’m so happy for you beshy. Hindi ka na magiging birhen pagka graduate.” Stella
“Hoy baliw, bunganga mo kung ano-ano ang lumalabas.” saway ko dito.
Hindi naman ako madaling ma offend kasi, green minded kasi yang mga kaibigan ko. But I don’t feel offended naman. Nasanay nadin kase talaga ako sa dalawang yan sa limang taon ba naming magkakaibigang tatlo.
“Totoo naman ah, tsaka girl NBSB ka nalang ba forever, baka naman may balak ka kahit boyfriend lang ano. Mag love life ka naman. Di mo talaga matitikman ang heaven bahala ka.” mahabang paliwanag ni Stella.
“Bunganga niyo talaga, oo na ito na nga diba makipag date na.” pagsuko ka sa kanila.
Nag thumbs up naman silang dalawa at tinulak pa ako palabas ng pinto.
“Hi.” sabi ko kay Lucien.
Napayoko naman ako, nahihiya kasi ako and you know it’s my first time. Hindi naman sa walang nanliligaw sakin, meron naman pero automatic busted talaga ako.
Focus kasi talaga ako sa studies balak ko kasi talagang never muna mag boyfriend hanggat hindi ako nakapagtapos ng college.
Ayaw kung masayang ang pinaghirapan ng mga magulang ko. Pero siguro wala namang masama kung susubukan, and Lucien is a good guy. From the start na nanligaw ito sa akin never itong naging mapilit.
Even hindi ako pumayag na manligaw siya, he still respect my decision yun nga lang may pagka possessive ito. Bigla bigla nalang kasi itong sumusulpot tuwing may lalaking may nag tatangkang manligaw saakin.
But hindi naman ako nagrereklamo, honestly okay nga lang sa akin. Kase walang mang didistorbo sa pag aaral ko.
“Hello, let’s go. Saan mo gustong kumain?” tanong niya saakin.
“Ikaw ba anong gusto mong kainin, basta wag lang sa mga mamahalin okay. Wala pa akong budget ngayon.” nahihiya kung sabi.
“It’s my treat, anything you want Sera I buy it for you.”
“Sige, ikaw may sabi huh. Hindi ka naman ata mapili sa pagkain diba?” tanong ko sa kanya para sure.
“Nope, I’m okay with everything.”
“Okay, ituturo ko nalang yung daan kung saan tayo kakain.” nakangiti kung sabi.
Naisip kung sa karinderya na lang kami kakain, malapit lang naman dito sa school. Isang sakay lang naman.
Nag-lakad na kami papuntang parking lot.
Pagkarating namin ay sumakay agad kami sa kotse niya. Pinag buksan niya naman ako ng pinto tsaka siya pumasok sa driver seat.
Habang nagmamaneho siya, tinuturo ko naman kung saan kami dadaan. Hindi kasi searchable sa google map ang paborito kung karinderya.
“Kaliwa…. Then stop ka diyan sa may tricycle banda.” he followed my instruction naman.
Nag park lang siya ng maayos sa parking lot, and then bumaba na kami. Maraming tao ang kuma-kain dito kasi naman talagang masarap ang mga putahe nila.
Nasa Aling Bebang Karinderya kami, nadala ko nadin dito sila Scar at Scarlett. And talagang nasarapan sila dito, actually suki pa nga kami ni Aling Bebang dito e.
“Ako ng bahala na mag order, hanap ka nalang ng available na table.” utos ko kay Lucien.
“Are you sure? Samahan na kita.”
“No, ako na baka maunahan tayo at wala pa tayong ma-upuan goww.” sabi ko sa kanya.
Naglakad naman siya ako naman ay namili na ng uulamin namin. Adobong baboy, tortang talong, dinuguan at bola-bola tsaka lumpia ang inorder ko. Tsaka apat na kanin, ang kinaganda pa dito kina Aling Bebang ay bukod sa sulit ang mura pa.
Ako nadin ang nag bayad, pagka-bigay nang orders ko hinanap ng mata ko kung saan umupo si Lucien at naglakad na papunta sa kanya.
“That’s a lot.”
“Inorder ko talaga ang best seller nila dito and of course ang paborito ko.” nakangiti kung sabi.
Tinulungan niya naman akong ilapag ang mga pagkain.
“Let’s eat.”
Nag-umpisa naman kaming kumain, sinandukan ko naman siya ng ulam.
“Wait, what is that black thing? Is it safe?” napangiwi niya pang tanong.
“Oo naman paborito ko kaya yan, dinuguan ang tawag diyan. Try mo.” sinubo ko naman sa kanya ang kutsarang may dinuguan para matikman niya naman.
“Hmmm, masarap nga.” nakangiting sabi nito.
Pinag-patuloy na namin ang pagkain. Hanggang sa maubos ito, pagkatapos ay bumalik na kami sa school.
“I told you it’s my treat right? Pero dahil ikaw ang nag bayad ngayon babawi ako sayo bukas let’s have another DATE, and it's really my treat.” sabi niya sa akin.
Tinanggal niya naman ang seatbelt, kasi nahihirapan akong tanggalin ito. Then I was shocked by dahil 0_0………
He kissed me on the cheek….