Hinatid nga pala ako kagabi ni Lucien, pagkatapos ng pag amin ng feelings niya sakin. Actually hindi naman yun ang first time na sinabihan niya ako that he likes me. Pero kahapon ko lang kasi naramdaman ang ma flattered.
Honestly kinikilig talaga ako, kahit NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ako may alam naman ako sa mga pag-ibig na yan no.
Tsaka every time sawi ang mga kaibigan ko, sakin naman lumalapit ang mga yun, syempre ako as a good listener marami din akong natutunan sa kanila.
Ginawa ko na agad ang daily routine ko kasi 9am dapat nasa school na ako.
Paglabas ko ng boarding house ay naglalakad na ako papuntang kanto, para maka para ng jeep.
Bigla nalang may huminto na kotse sa harap ko.
“Sakay na.”
“Lucien.” sambit ko.
“The only one.”
“Wag na mag jejeep nalang ako.” pag tatanggi ko dito.
Baka kung ano ang isipin ng mga estudyante sa school, pag nakita akong sumakay sa kotse ni Alexander Lucien Kingsley, baka mas lalo akong ma-bubully neto.
“Sasakay ka or bubuhatin kita?” sabi nito.
Napaka paladesisyon ng isang to, di porket niligtas niya ako kahapon ay pumayag na akong ligawan niya.
“The time is running Sera, it’s 8:45.”
Ano! Tiningnan ko naman agad ang relo ko and his right, malapit ng mag 9am. Wala na akong choice kundi ang sumakay nalang sa kotse nito.
Kahit naman kase tumanggi ako, baka bigla nalang akong buhatin nito at isakay sa loob ng kotse. Kapag sinabi pa naman neto, ginagawa niya agad.
Habang nasa byahe kami ay talagang naiilang ako, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
“Let’s have dinner later.”
“Huh?”
“Bingi mo naman, I said let’s have dinner.”
“Aba’t tarantado to ahh. Narinig ko I mean bat mo ako inaaya mag dinner aber?”
Minsan nakakabwisit din ang pagiging prangka neto.
“Beacause I am courting you.”
“May trabaho ako mamaya.”
“Then I’ll wait.”
“Bahala ka nga, kahit naman umaayaw ako ikaw pa rin naman ang masusunod.” pagsuko ko sa kanya.
Ewan ko ba sa sarili ko at hindi man lang ako nagrereklamo. I think gusto ko din ang ginagawa niya.
DO I HAVE FEELING FOR HIM NA BA?____
FLASHBACK
Nasa school auditorium lahat ng mga estudyante ngayon, para sa gaganaping orientation where they can learn about university rules, departments, clubs, facilities,professors, and campus life.
Sobrang dami ng mga estudyante dito sa Crownridge University. Halos lahat ng mga Elites, anak ng mga businessmans, governor, artista even anak ng presidente dito nag-aaral.
Kaya sobrang swerte ko na nakapasok ako dito as scholar, bukod sa libre na lahat. Wala na akong masyadong isipin na bayarin. Habang nagsasalita sa harapan ang University President.
Nag-uusap naman kami nina Scar at Stella, alam naman namin lahat ng mga dapat naming malaman dito sa school dahil nasa 4th year na kami and ilang kembot nalang. Graduate na kami.
“Ano ang balak mo Sera, after Graduation gusto mo bang sa company na lang namin mag trabaho?” tanong sa akin ni Scar.
May business kasi ang family nila Scar they owned Aurelia Interiors. Kaya pareho din kami ng course na kinuha.
Samantalang ang isa naming kaibigan na si Stella ay business ad naman ang kinuha.
“Hi.”
Agad kung inangat ang aking ulo at tiningnan ang lalaking nakatayo sa harapan ko. His tall. Broad shoulders. He wore a black button-down with the sleeves folded neatly to his forearms.
“Ahmm, hello bakit?” our eyes met.
Para akong nahi hipnotismo dito.
“I’m Alexander Lucien Kingsley, your suitor.” tipid na sagot nito.
Then umalis na siya he left me speechless.
“Ackkkkkk, loka ka girl.” ipit na sigaw ni Stella.
“Kilala mo ba kung sino yun girl?” tanong ni Scar saakin.
“Hindi nga e.”
“G-a-g-a ka talaga saang lupalop ka ba sa mundong ito at hindi mo kilala si Alexander.” Stella
“Eh sa hindi ko naman talaga siya kilala .”
“Alexander Lucien Kingsley, the young billionaire owner of Kingsley Ventures. Siya lang din naman ang nag iisang anak ng may ari ng paaralan nato. And lumapit siya para lang sabihin na manliligaw mo siya.” namamanghang sabi ni Scar.
Ngayon ko lang din napantantong, pinag titinginan nga pala kami ng ibang estudyante.
May iba pang nagbubulungan.
“Naku hayaan mo yang mga yan inggit lang yan sila, jusko sa haba ba naman ng buhok ng beshy namin.”
LUCIEN POV
We are walking para pumunta sa assigned seat namin, the orientation had started. And nakahinto ako sa paglalakad, I was watching at the girl sitting malapit sa assigned seat namin.
She’s so gorgeous, I don't believe in love at first sight. But I think I am right now.
Her curly long dark brown hair is waving, her green eyes really captivated me.
“Bro, mukhang na love at first sight ka ata jan.” natatawang saad ni Damon.
“Shut up.” I only said.
Well I won’t deny it, cause it’s f*****g obvious.
“She’s Seraphina Sinclair from the BAID department. Pagkakaalam ko andaming nanliligaw diyan pero lagi namang busted. Isa na doon si Adrian sa department natin.” dagdag ni Damon.
“And she’s freakin’ gorgeous right____”
I didn't let him finish talking. Naglakad na ako papunta kung saan nakaupo si Sera, habang palapit ako ng palakit biglang bumibilis ang t***k ng puso ko.
Nababakla na ba ako, this is not me. Nararamdaman ko ding she has a resemblance to someone I know.
Nang nasa harapan na ako neto, tinitigan ko naman siya ng mabuti.
“Hi.” tipid kung sabi.
Tangina bat ba ako kinakabahan. Nakakabakla ata ako.
“Ahmm, hello bakit?” nagtagpo naman ang paningin namin.
Fuck! She’s really is stunning lalo na sa malapitan.
“I’m Alexander Lucien Kinsley, your suitor .” tipid kung sabi.
At naglakad na paalis, the f**k what I am thinking. Pumunta na ako sa assigned seat ko.
“Really Lucien HAHAHAHA.” natatawa na sabi ni Damon.
“SHUT UP!”
“Hindi ko alam na may tinatago ka palang kulo sa loob Bro HAHAHA. That was epic.”
Totoo naman ang sinasabi neto, but hindi ko din alam bat lumabas bigla yun sa bibig.
I was just thinking na ayaw kung maunahan ng iba.
KAYA FROM NOW ON I’M HIS POSSESSIVE SUITOR__
Subukan lang talaga ng ibang lalaki na agawan ako at makikita nila kung sino ang kinakalaban nila.
END OF FLASHBACK