CHAPTER TWO - JEALOUS

1132 Words
Nandito kami ngayon sa Forbidden, this is an exclusive bar sa Manila. Mostly mga nandito ay mga galing sa mga mayaman na pamilya. Kung hindi ko nga lang kaibigan sina Scar & Stella siguro hindi ako makakapunta sa mga ganitong lugar. Di pa rin makalimutan ang nangyari kanina sa hallway, syempre iniwan ba naman akong speechless ni Lucien. Ewan ko ba at di man lang ako pumapalag sa mga sinasabi ni Lucien, parang na hipnotismo ako kapag siya na ang nagsasalita. “C’mon Sera, ayaw mo bang uminom?” tanong sakin ni Stella. “Pass ako diyan beshy, alam mo namang di ako umiinom.” sagot ko habang kumakain ng cake. Kanina pa kasi nag sisimula ang party ni Lukas, marami nading mga pumapasok sa loob. Ang pagkakaalam ko kasi nirent ata ni Lukas ang buong bar for his birthday. “Sige na please, one shot lang.” nagpapacute na sabi ni Stella. “Kaya nga beshy, try mo lang.” singit naman ni Scar. Yung huling nag try akong tumikim ng alak, isang shot palang knockdown na agad ako. Paano ba naman ang hina kasi ng alcohol tolerance ko. Buti nalang talaga nasa boarding house lang kami nun nila Scar. “Bantayan niyo ako huh, alam nyo namang mabilis lang akong malasing.” pagbabanta ko sa kanilang dalawa. “Ay ay captain!” sigaw naman ni Scar. Tiwala naman ako sa mga kaibigan ko, lalo na kay Scar baka kasi ma busy itong si Stella sa boyfriend niya. Dito lang naman kami sa gilid ganito lang naman ang set up namin. Ako - Scar -Stella - Lukas - Kaibigan ni Lukas Kinuha ko naman ang inabot sa akin na alak ng kaibigan ni Lukas. Ininom ko naman agad ito. “Ang panget ng lasa.” Nasusuka kong sabi. “Hahaha.” panay naman tawa ang dalawa kung kaibigan. “Ayoko ko na huh, second and last na yan.” nangingimi kung sabi di pa din kasi mawala sa dila ko ang pait ng alak. “Yeah.. yeah.” Party girl kasi itong mga kaibigan ko samantalang ako isang dakilang bookworm. More on studies talaga ako, ayaw ko kasing masayang ang pinaghirapan ng mga magulang ko. “Sera, dito ka lang okay. Sasayaw lang kami sa dancefloor.” sabi ni Stella. “Sige enjoy guis.” “Sama ka nalang kaya, baka kung paano ka dito. Madami nadin kasing tao.” Nag aalala na sabi ni Scar sakin. “Don’t worry Scar, kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka ayaw ko sa dancefloor baka bigla nalang akong mag passed out.” “Sige na nga, sumigaw ka kaagad incase something happened okay!” Stella. “Yeah, hindi natin kilala mga nandito, so please dito ka lang and if ever naiihi ka dun lang sa gilid ang bathroom.” Scar. “Ano ba guis ginawa nyo naman akong bata HAHAHA.” “Don’t worry Scar and Stella, nandito naman si Richard para samahan siya.” singit naman ni Lukas. “Siguraduhin mo lang Richard na wala kang gagawin sa kaibigan namin, dahil siguraduhin kung di ka na nasisinagan ng araw kinabukasan.” pag babanta ni Scar. Napaka amazona talaga ng babae nato, but I’m so thankful na may kaibigan ako na katulad nila. Hindi naman sa Kj ako, alam ko kase sa sarili ko na hindi ko kaya at nararamdaman ko na din na nalalasing na ako. Bigla kasing uminit ang katawan ko, naiinitan ako. Umalis na sila Scar para pumunta sa dancefloor, kami nalang ang naiwan ni Richard dito sa table. Ito na nga ba ang sinasabi ko e, isang shot pa lang malalasing na agad ako. “Ahmm Hi, hindi ako nakapag pakilala sayo by the way I’m Richard Collins.” nakangiti nitong sabi. “Sera, Seraphina Sinclair.” pagpapakilala ko. Nanonood lang ako sa mga sumasayaw, hindi naman na pwedeng uminom pa ako. Baka kasi anong mangyari, tipsy ako pero kaya ko pa naman e handle ang sarili ko. “May tanong ako Sera?” “Huh, ano yun?” “Wala naman, pero may boyfriend ka na ba?” “Wala.” tipid kung sagot. Pero bakit feeling ko hindi dapat ganyan ang isasagot ko. Tsaka bakit ko ba iniisip si Lucien. “Teka, bathroom lang ako pasabi nalang kina Scar baka bigla silang bumalik.” Tumayo na ako at hindi na siya inantay pang sumagot, nag lakad na ako papuntang bathroom. Ng biglang __ “Miss, lasing ka na ata?” sabi nitong lalaki na humawak sa braso ko. “Sino ka ba? Bitawan mo nga ako.” naiinis kung sabi kasi bigla bigla nalang itong nanghihila. “Future boyfriend mo.” sabi nito at akmang hahalikan pa ako. Booogshhhhhhh…….. “Who gives you the right to touch my wife!” Lucien. Bumulagta naman sa sahig ang lalaki sa lakas ng suntok ni Lucien. “Are you okay Wifey?” nag-aalala na tanong niya sakin. Tumango nalang ako dito. Binuhat naman ako bigla ni Lucien yung pang bridal style, palabas ng bar papuntang parking lot. Pagkarating namin sa parking lot ay pinasok niya ako sa loob ng kotse niya at kinabit ang seatbelt, pagkatapos ay pumasok na siya sa drivers seat. “Why are you here?” Dapat ko bang e explain sa kanya? Hindi ko naman siya boyfriend or ano, siya lang naman nag iisip na boyfriend ko na siya. Sera niligtas ka niya jusko kahit magpasalamat ka man lang. Nagtatalo pa ang mga brain cells ko sa isasagot ko sa kanya. “Im with my friends.” sagot ko nalang. “I know, I mean bat ka sumama? You don’t know how dangerous ang lugar nato sayo Sera.” “Eh bat ikaw nandito ka din naman ahh, tsaka birthday ng boyfriend ng kaibigan ko. Bawal na ba akong makisama?” “Look, I’m just worried. Ayaw kung mapahamak ka.” he cupped my face. Ngayon ko lang napansin sobrang gwapo pala ni Lucien sa malapitan, mapungay ang kanyang deep hazel eyes, napaka tangos ng ilong, his jawline napaka masculine. His kissable lips napaka pink, daig pa ang babae. His thick eyebrows and his messy dark brown hair literally suits him a lot. “Sorry and thank you sa pagligtas sa akin.” tanging sabi ko na lang at binawi ang mukha ko sa pagkakahawak niya. “You’re always welcome my Wifey.” “Pwede ba tigilan mo na ang kakatawag sakin ng Wifey, hindi naman kita asawa.” “Hindi pa sa ngayon but soon.” “Soon mo mukha mo, hindi nga ako pumayag na manligaw ka.” “I don’t need your approval, SeraIf I like you, I will pursue you. Ayokong may lumalapit sayo or humahawak sayo. You are only mine, Sera. You wouldn’t want to see how jealous I am.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD