Khian Allen POV: Subrang saya ng naramdaman ko ng makita ko sa ultrasound ang dalawang buhay na nasa sinapupunan ng asawa ko gagawin ko ang lahat para ma bigay ko sa kanila ang magandang buhay. Kahit na ako ang nag lilihi para sa kanila ay okay lang sa akin mas mabuti narin para hindi masyadong mahirapan ang asawa ko alam kong hindi madali ang magdadalang tao. Panay halik ko sa aking asawa habang naka higa ito subrang saya ko talaga.. "Honey salamat ha!" binigyan mo ako ng anak hindi mo ako binigo. tumulo ang luha nito kaya niyakap ko siya. "Bakit ka umiiyak?" "Hindi kaba masaya na may anak na tayo?" seryosong tanong ko sa kanya. Masaya ako hon' subrang saya ko akala ko hindi ka matutuwa kapag nalaman mong buntis ako. Lumuluhang na wika nito. Hinaplos ko ang kanyang buhok.

