❣︎ URSULA/2030 ❣︎ Palakas nang palakas ang kabog ng aking dibdib. Na dahilan kung bakit kanina pa nakakuyom ang aking mga kamao. Nakaupo ako sa upuan ng pandalawahang lamesa. Nasa aking harapan si Zeb, nakatayo at nasa tabi niya naman si Flint na may hawak na gitara. Manghaharana ba siya? Ganito pala ang pakiramdam. Kahit wala naman ako sa loob ng bahay at nakatunghay sa kaniya sa labas ng aking durungawan, alam kong ganito rin ang aking mararamdaman. Pagkarating namin dito sa isang napakagandang hardin, inalayan niya ako ng pinagsamang sari-saring bulaklak at kulay asul ang lahat ng iyon. Nasa gitna kami ng isang bilog na gazebo. Sa mga poste nito ay may mga halamang bulaklak na nakapalibot. Ang atip nito ay may apat na kurtinang pahaba na pinagdugtong-dugtong ang dulo na naghugis