bc

URSULA (Mahal Kita, Taong 2030) unang serye

book_age16+
2.0K
FOLLOW
12.9K
READ
adventure
time-travel
goodgirl
drama
twisted
bxg
female lead
multiverse
another world
like
intro-logo
Blurb

(Under revision)

Nanggaling sa lumang panahon, mamumuhay sa makabagong henerasyon.

Ang simula ko ay kaniyang hinaharap. Ang kasalukuyan ko ay kaniyang nakaraan.

Pagtatagpuin sa hindi inaasahang pagkakataon. Tadhana namin ay maiipit dahil sa sitwasyon.

Pagmamahalan ba namin ay sapat na? Panahon ba ay hindi magiging mitsa?

Anong aming gagawin kung nakaraa'y malaking dagok ang dulot sa amin?

chap-preview
Free preview
PAUNANG SALITA
Isang payapang dapit-hapon ang pinagsasaluhan ng dalawang taong hindi yata ramdam ang maaliwalas na panahon. Dahil kapwa galit sa isa't isa at walang pakialam sa sariwang hangin na nakagagaan sa pakiramdam. Nagngangalit na mga tingin ang ipinupukol sa isa't isa. Si Amadeo ay habol ang hininga at halatang pinipigilan ang umuusbong na galit. Si Amanda nama'y hilam na sa luha at kasing kulay na ng dugo ang buong mukha, mahihinuha mong gusto niyang sugurin ang kaharap at saktan ito. "Tama na, Amanda!" Isang sigaw ang pinakawalan ni Amadeo. Hindi rin nagpatalo si Amanda at gumanti rin ng sigaw. "You don't know how it hurts!" sabi ni Amanda sa wikang kaniyang kinalakihan. Bagama't hindi parehas ang kanilang panahong ginagalawan, naintindihan iyon ni Amadeo dahil ilang beses na rin siyang nakapunta sa panahon ni Amanda, sa makabagong panahon. Isa pa'y tinuruan din siya ni Amanda ng wikang Ingles. "Bakit hindi mo na lang tanggapin, Amanda?" tanong ni Amadeo na kanina'y nagpipigil ng galit ngunit ngayon ay mahinahon na at tila nahihirapan sa sitwasyong kinasasangkutan. Hindi man kapani-paniwala, ngunit ang lugar na kanilang kinatatayuan ay may lihim na lagusan. Lagusang papunta sa makabagong mundo. Isang araw ay may napadpad na babaeng iba ang kasuotan at pananalita sa lupaing sakop ng kanilang hacienda. Nagkataong namamasyal noon si Amadeo sa dulong bahagi ng kanilang lupain. Magmula noo'y lagi ng nagkikita ang dalawa. Walang ibang nakakaalam kundi silang dalawa lamang. Ngunit lingid sa kaalaman ni Amadeo, iniibig na pala siya ni Amanda. Ikinalungkot niya iyon dahil kapatid lamang ang turing niya kay Amanda sapagkat may iba na siyang iniibig. "Tanggap ko na, Diyo! Pero ang sakit!" sigaw ni Amanda habang umaatras patungo sa lagusan. "Pakiusap, Amanda," sambit ni Amadeo na hindi pa rin maawat ang pag-agos ng kaniyang mga luha. "How I wish na sana hindi na lang ako napadpad dito! At sana hindi na lang kita nakilala!" sigaw ni Amanda na may diin sa bawat salitang kaniyang binitawan. "Kasalanan ko ba, Amanda, kung hindi ikaw ang nilalaman ng aking puso?" tanong ni Amadeo at napaluhod na sa lupang kinatatayuan. "Oo! Kung sana sinabi mong si Amalia ang mahal mo! Hindi sana ako umasa! I thought you like me!" sigaw ulit ni Amanda at napahagulhol. "Hindi ko alam na ganoon pala ang dating niyon saiyo, Amanda! Para sa akin, isang kapatid na pagtrato lamang ang mga pinapakita ko sa iyo," pagpapaliwanag ni Amadeo na maririnig ang paghihirap sa mga tinog nito. "I don't care!" galit na wika ni Amanda. "Ayokong umabot tayo sa ganito, Amanda," sabi ni Amadeo na nagsusumamo. "Sana sinabi mo na lang noong una pa, Diyo! You gave me false hope!" Hindi pa rin maawat ang mga luha ni Amanda na nagpapaligsahan sa pag-agos. Kapwang hilam sa mga luha ang kanilang mukha. Ang kaninang tahimik na kapaligiran, ngayo'y mga paghikbi nila ang umaalingawngaw. Ang kulay kahel na kalangitan ay unti-unti ng sinasakop ng kadiliman, tila nakikisabay sa mga puso nilang nahihirapan. Ang hangin na nagbibigay ng nakakagaan na sensasyon, ngayon ay lamig ang hatid sa kanila. "Patawarin mo ako, Amanda. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi ko alam ang iyong nararamdaman." Tila isang nauupos na kandila ang tinig ni Amadeo. "Sinadya mo man o hindi, masasaktan pa rin ako! Tatlong taon tayong laging magkasama, Diyo! I am the first to know you better! Ako ang laging nasa tabi mo!" panunumbat ni Amanda sa nakaluhod pa ring si Amadeo. Walang sagot galing kay Amadeo kaya nagpatuloy si Amanda sa kaniyang litanya. "Ako ang laging nandyan, sa t'wing pinapagalitan ka ng ama mo, sa t'wing nalulungkot ka! Ipinasyal pa kita sa panahon namin! Tinuruan kung paano mamuhay sa mundo namin! Ako lang ang laging nasa tabi mo!" Walang ibang maririnig kundi ang mga bigat ng kanilang paghinga, mga pusong kay saklap ng dinanas. "How I wish that I didn't discover this useless portal!" Nagpapadyak na si Amanda sa labis na pagkamuhi. Tumayo si Amadeo at agad siya nitong niyakap. "Tama na, Amanda. Hindi ko nais na makita kang nagkakaganito." malungkot na sambit ni Amadeo. "So, tell me you love me," mahinang sambit ni Amanda ngunit sapat na iyon upang matigil si Amadeo sa pagtangis. Inilayo ni Amanda ang sarili sa mga yakap ni Amadeo at hinarap ito na puno ng pagmamakaawa sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang mga kamay ni Amadeo at nakiusap. "Sabihin mo, Diyo. Sabihin mong mahal mo rin ako. Sumama ka sa akin, sa panahon ko. Kalimutan mo na lang ang lahat ng meron ka rito. Please, Diyo." Puno ng pagmamakaawa at pag-asa ang tinig ni Amanda. Tanging isang blangkong tingin lamang ang isinagot ni Amadeo sa pakiusap ni Amanda. "Diyo?" Kapwa napalingon sina Amadeo at Amanda sa nagmamay ari ng tinig na tumawag kay Amadeo. Nanlaki ang kanilang mga mata sapagkat hindi sila makapaniwala kung sino iyon. "Amalia," mahinang sambit ni Amadeo. Samantalang hindi naman mawala ang tingin ni Amanda kay Amalia. Lumapit si Amalia sa kinaroroonan ng dalawa. "Amalia, magpapaliwanag ako," agap na sabi ni Amadeo sa babaeng sinisinta. "Hindi na kailangan, Diyo. Aking narinig ang lahat." Napayuko si Amadeo. Binaling ni Amalia ang tingin kay Amanda. "Ayaw kong maniwala na may lagusan, ngunit narito ka sa aking harapan. Ibang iba sa mga kadalagahan dito sa amin. Ibang iba sa akin. Bumalik ka na lang sa iyong pinanggalingan at hayaan na lang kaming magmahalan ni Diyo," seryosong sambit ni Amalia kay Amanda. Mas lalong nag-alab ang damdamin ni Amanda sa narinig. Akma niyang susugurin sa Amalia, ngunit mabilis na humarang si Amadeo kung kaya't natigil si Amanda sa paghakbang. "Magsisisi ka, Diyo! I'll make sure you'll suffer like hell! Hindi man sa inyo mangyayari, sisiguraduhin kong isa sa mga anak ninyo ang tatanggap sa lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin!" sigaw ni Amanda na puno ng pagdadalamhati. Humakbang na si Amanda papasok sa kweba at lumiwanag ito. Hudyat na nakatawid na ito sa kaniyang panahon. Ang pagitan sa kanilang mga panahon ay isang daan at anim na pu. Iyon ang huling pagkikita nila Amadeo at Amanda. Iyon na nga ba?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
312.8K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
508.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.2K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
336.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook