❣︎ SIMEON/1870 ❣︎ Sa sobrang kuryosidad na bumabalot sa akin, kaagad kong pinuntahan si Ingko. Marahil, siya ay may nalalaman. Nang hindi ko siya matagpuan sa paligid ng hacienda, aking tinungo ang aming tahanan. "Manang Ikang, nasaan si Ingko?" Bago pa man makasagot ang aming mayordoma ay siyang pagpasok naman ni Ingko, "Bakit, Kuya?" Umupo siya sa sala at kaagad ko naman siynang tinabihan. Nagpalinga-linga muna ako at nang makitang walang ibang tao sa paligid, kaagad ko nang kinausap si Ingko, "Sino nagpapasok kay Aya rito?" "Si Felipe, Kuya," kaagad niyang tugon na may blangkong ekspresyon. Sa aming magkakapatid, si Ingko lamang ang hindi ko maunawaan ang ugali minsan. Bukod sa masikreto siyang tao, pabago-bago rin ang kaniyang ugali. Minsan mapagbiro, minsan tahimik at kadalasa