Chapter 3

1364 Words
MALABO ang mga sumunod na pangyayari, tila nagising sa saglit na pagkakaidlip si Khrystelle nang maramdaman niya na tila siya iniuugoy, habang nauulinigan niya ang isang malamyos na tugtugin na nanunuot sa kanyang pandinig. Pilit niyang iminulat ang mga mata. . . Nasa gitna sila ng dance floor, may ilang pares na nagsasayaw sa paligid nila, magkalapat ang mga dibdib, nakayakap ang mga braso niya sa leeg ni Nathaniel, nakahapit naman sa kanyang baywang ang mga braso nito... "W–why are we here?" malamlam ang mga matang tumingala siya rito. "You ask me to dance with you, hindi ba?" "Ha? Talaga? H–hiniling ko iyon?" natatawang wika niya, saka muling sumubsob sa malapad nitong dibdib dahil nahihilo pa rin siya. "Oo naman. Pinagbigyan lang naman kita, ah. Gusto mo bang maupo na tayo?" malambing nitong anas. "N—no — no! Gusto ko pang magsayaw. Hmm. . . it makes me feel good. . . you know? Kahit hilung -hilo ang pakiramdam ko, k–kahit para akong matutumba, nararamdaman kong hindi mo ko bibitawan kahit nabibigatan ka sa akin, am I right?" malambing niyang tanong. "Oo naman. Kaya nga hindi ako uminom nang husto, para maalalayan ka." "T—talaga? Kung ganoon, puwede pa akong uminom pagbalik natin sa mesa?" muli siyang tumingala rito at pilit na iminulat ang mga matang halos nagkakadikit na. "Ha? Kaya mo pa ba?" "K–kaya pa!" napahagikhik siya. "P–pero baka hindi na kaya ng tuhod ko. So, okay lang na maging yaya kita for the whole night?" at muling siyang sumubsob sa dibdib nito. "Yeah, oo naman. It's my pleasure to be your nanny. Pero baka makasama sa health mo ang alak." "No, don't worry, kaya ko pa. Basta behave ka lang, ha? K–kahit anong mangyari, huwag mo akong pagsasamantalahan, ha? Kahit nayayakap mo na ako, kahit nararamdaman mong katawan ko," muli siyang napahagikhik kahit walang dahilan. "Don't worry, gentleman ako." "Yes!" natatawa pa ring muli siyang pumikit, pagkuwa'y hinayaan niyang tangayin ng malamyos na musika sa isang lugar na tila kapanga-pangarap na marating. . . sa langit. . . "S–sana nga, hindi ka kagaya ni Warren na gusto lang akong maisahan agad. Na atat sa katawan ko kaya nang hindi ko mapagbigyan ay nambabae. Sira ulo siya, akala niya hahanulin ko siya? Bahala siya sa buhay niya, at least, hindi ako nagpakatangang bumigay sa mga advances niya. May maipagmamalaki pa ako sa kanya. . ." Napapangiti na lang si Nathaniel habang nauulinigan ang mahinang bulong ng kasayaw. So, that's it! Hindi pala maka-score kaya nambabae. Hah! Ang tanga niya! Ikakasal na sila ay hindi pa magawang maghintay. Kung ako ang boyfriend ng babaeng ito. . . never kong ipipilit ang gusto ko. I can wait for her. I think she's worth waiting for. Saka masuyo pang kumabig sa katawan ng dalaga ang mga bisig ni Nathaniel at nagpatuloy lang sa pagsasayaw. . . "Oh!" pilit na iminumulat ni Khrystelle ang mga mata, pero tila nakapagkit iyon, lalo pa at sumisigid ang kirot sa kanyang sentido at tila binabarena ang kanyang utak. . . Muli siyang pumikit nang mariin. . . God! Ano bang nangyayari? Bakit hindi ko maimulat ang mga mata ko? Bakit ang sakit ng ulo ko? Bakit— Natigilan sa iba't ibang isipin ang dalaga ng may maramdaman siya. . . Hah! May katabi ba ako! May nakayakap ba sa akin! Iyon ang dumating na realisasyon sa windang niyang kamalayan ang ma-realize niya kung ano ang mabigat na nakadagan sa kanya at kung ano ang mainit na iyon na nararamdaman niya. Kaya sinikap niyang makadilat. . . Nathaniel! Kaya nanlaki ang mga mata niya nang matiyak na may katabi nga siya. "How dare you!" iyong bangon niyang iyon sabay sampal sa katabi. "Hey! Khrystelle, ano ba? Bakit ba?" "Anong bakit ba? Anong ginawa mo sa akin, ha? Bakit mo ako pinagsamantalahan?" saka muli sanang mananampal ang palad niya. "Hey, stop it!" buti na lang at naging mabilis na ito para pagilin ang magkabila niyang pulso. "Anong pinagsasabi mo? Wala akong ginawang masama sa iyo! Hindi kita pinagsamantalahan!" "H-ha?" natigilan ang dalaga sa pagwawala. "May nararamdaman ka bang nagalaw sa katawan mo, ha? Saka tingnan mo nga iyang damit mo, hindi ko naman ginalaw, ah!" Natitigilan pa ring sinulyapan niya ang sariling katawan, oo nga, intact pa rin ang kanyang damit, at nakakumot pala siya. At munti mang kirot sa bahaging iyon ng kanyang pagkatao ay wala siyang maramdaman, which is siguradong maramdaman niya kung may nakialam nga sa kanya. . . "O, ano? May pinakialaman ba ako sa iyo?" natatawa at naiiling na lang sa binitiwan na ni Nathaniel ang mga pulso niya at umalis na kama. "K–kung wala kang ginawa sa akin, b–bakit. . . magkatabi tayo? B–bakit nakayakap ka sa akin? S–saka. . .nasaan ba tayo?" nalilito parin at may bahagyang galit ang kanyang himig. "Khrystelle, lasing na lasing ka kagabi kaya dito kita dinala sa tinutuluyan kung hotel pero wala akong balak na pakialaman ka, okay? At kaya ako nakayakap sa iyo ay dahil ayaw mong bumitaw sa akin kagabi nang ilapag kita sa kama. Sabi mo ay huwag kitang iiwan, na yayakapin kita dahil ayaw mong mapag-isa, saka sabi mo ay giniginaw ka. Balak ko mang kumalas sa iyo kapag nakatulog ka na nang mahimbing, hindi ko na nagawa dahil nakatulog na rin ako sa sobrang antok, isa pa ay nakainom din ako. But I'll swear, wala akong ginawang masama sa iyo." "H-ha?" natigilan siya. " T–talaga? g-ginawa ko iyon?" "Wala naman akong dahilan para magsinungaling. Nangako ako sa iyo kagabi bago ko hinayaang maglasing ka nang husto, hindi ba? Na babantayan lang kita at aalagaan. Na hindi kita pagsasamantalahan, hindi ba? And I've told you, hindi ako masamang tao para pagsamantalahan ang isang babaeng. . . nawiwindang na nga dahil sa isang taksil na tanga." Buti na lang at napigil ni Khrystelle ang mapangiti dahil sa itinawag nito kay Warren, sa halip ay bahagya pa siyang napairap dito. "Talaga? Wala kang ginawa sa akin?" saka pahalukipkip na naupo sa gilid ng kama. "Oo naman, maniwala ka. Saka huwag ka nang magalit, wala ka talagang dapat ipag-alala. Makakatingin ka pa rin nang diretso sa mata ng kahit na sinong kakilala mo. Kahit pa sa Warren na iyon." Napabuntong-hininga na lang si Khrystelle. "Sige, maniniwala na ako." Pagkuwa'y tumayo na siya para magtungo sa banyo. "Ah, mag-o-oder na ako ng pagkain natin, ha?" Hindi na siya kumibo at pumasok na lang sa banyo. . . Oo nga, natatandaan ko na yumakap nga ako sa kanya nang ilapag niya ako sa kama.Kasi naman, ang bangu-bango niya, kahit lasing ako ay parang ang sarap samyuin ang kanyang amoy kaya ayokong bumitaw. Hay, dahil sa Warren na iyon, puro kagagahan ang nagawa ko. Anyway, buti na lang at sa isang kagaya niya ang nakilala ko kagabi. Kung nagkataong masamang tao ang nakatagpo ko, ano kaya ang nangyari sa akin? I'm glad it was him. Pero hanggang doon na lang iyon. . .hindi na dapat lumawig pa ang pagkikilalang iyon. Napabuntong-hininga na lang na nag-ayos na ang dalaga at naghilamos, pagkuwa'y lumabas na ng banyo. "O, tapos ka na? Ako naman, then, kain na tayo. Nag-order ako ng breakfast sa ibaba, anytime ay darating na iyon," nakangiting wika ni Nathaniel. "S–sige." Simpleng ngiti lang ang ibinigay niya rito bagama't hindi makatingin sa mga mata ng binata. Pagkatapos maghilamos ni Nathaniel lumabas na siya ng banya. Nagpalinga-linga siya nang maramdaman na tahimik masyado sa loob ng suit niya. "KHRYSTELLE?" Pero walang sumagot sa pagtawag ni Nathaniel. May nag-doorbell, ang bellboy na may dalang pagkain. "Thanks." Matapos bigyan ng tip ay muling lumingap sa kabuuan ng suite ang binata. "Khrystelle, halika na kakain na tayo! Baka lumamig ang pagkain." Nagtungo sa terasang kanugnog ng suite si Nathaniel, pero wala roon ang dalaga. Where is she? Umalis na? There's a sudden pain in his heart, hindi siya naniniwalang nahamig na nito ang sugatang puso, baka kung ano pa ang maisipan nitong gawin. Isa pa, ni hindi pa niya alam kung saan makikitang muli ang dalaga. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD