Chapter 2

1322 Words
"Hi!" wika nito sa kaniya. "Ah, waiter, heto ang bayad niya, saka iyong iba pa niyang maiinom. Bigyan mo rin ako ng scotch." Tatlong libong pisong papel ang iniabot nito sa bartender. "Yes, Sir!" agad naman kinuha ng waiter ang ibinayad nito at tumalikod na para ikuha ng alak ang dalawa. "Teka!" biglang gustong magtaray ni Khrystelle. "May pera naman ako at —“ "But I insist to pay your bill. Anyway, I'm Nathaniel just call me Nathan." sabay lahad ng palad sa kanya. "And you are?" saka sumungaw na ang simpatikong ngiti sa mga labi nito. "Ano? Hey Mister, wala akong panahong—“ "Gusto ko lang makipagkaibigan. Saka. . . Hindi ka nila bibigyan ng alak kung ganiyan ka. Hindi ka pa lasing ay nagwawala ka na. Just relax, okay? Huwag kang mag-alala, mabuti akong tao. Isa pa, bawal dito ang customer na babae na iinom kung walang kasamang lalaki." "Ha?" "I'm Nathaniel, please, tell me your name. And I'll promise to you, kung anuman ang gusto mong lunurin sa alak, makakalimutan mo kung makikipagkaibigan ka sakin." "Ano?" Lalong tumikwas ang kilay ni Khrystelle, hindi pa rin siya solve sa pinagsasabi nito. "Ma'am, Sir, heto na po ang order ninyo." Napatingin si Khrystelle sa bartender na kanina ay ayaw siyang bigyan ng alak dahil raw baka malasing siya. "Thanks," nginitian nito ang waiter at dinampot ang mga baso nila, "Here! And let's have a toast," nakangiti pa rin nitong wika nang iabot sa kaniya ang isang baso. Napatitig si Khrystelle sa iniaabot nitong baso, pagkuwa'y sa guwapo nitong mukha. Looks can be deceiving, naalala niya ang kasabihang iyon, and don't talk to strangers, at kung anu-ano pang babala para sa isang bagong kakilala. . . o nakikipagkilala ang umilaw sa kanyang utak. Pero s**t ang guwapo naman talaga ng lalaking ito para maging masamang tao lang. . .in fact, ano bang panama rito ni Warren kung sa aspetong pisikal. Oo nga at guwapo si Warren, pero mas dinadaan nito sa porma ang lakas ng dating. Pero ang isang ito. . .whoa! He's a real handsome. . . devislishly handsome kahit na walang ka-effort-effort mula rito. Isa pa, ano nga kaya at makipagtoast siya sa lalaking ito. "So, let's have a toast?" untag nito ng hindi parin siya kumikilos para tanggapin ang baso ng alak. "Hmp!" pairap niyang tinanggap ang baso at akmang iinumin ang laman niyon. "Hey, let's have a toast." Muling siyang napalingon dito, napatitig, particular sa mga matang tila may kakaibang kislap, may angking pang-aakit na tila humihigop sa medyo nawiwindang na niyang diwa dahil sa ilang shot na nainom. "Okay –okay!" wika ni Khrystelle. "Let's have a toast!" sabay pingki ng baso sa nakataas nitong baso, saka diretsong ininom ang laman niyon. "Hey, slow down, okay?" natatawang wika nito. "Hindi tubig iyan." Matalim ang tinging ipinukol niya sa pakialamerong lalaki matapos ubusin ang alak, balak sana niyang sikmatin. Pero hindi niya magawa dahil talaga namang nakaka-distract ang matamis na ngiti sa mga labi nito na lalong nagpaguwapo sa anyo nito. "Alam ko. Gusto ko lang. . .m—makalimot agad. . ." saka nagbawi nang tingin at tumingin sa kawalan. "Hmm, talaga? Huhulaan ko, may isang tangang lalaki na nagtaksil sa iyo at ipinagpalit ka sa iba, right?" Muli niya itong tinapunan ng matalim na tingin. "Hey, don't get mad at me, ha? I didn't mean anything, hindi ako nangangantiyaw o natatawa. Pero nagkataon kasing naroon ako kanina sa bar kung saan sinugod mo ang taksil mong fiancee." "Ha?" lalong tila gustong magwala sa galit ang dalaga. "O — o, huwag kang magalit. Hindi ko sinasadyang masaksihan iyon. Nagkataon lang na naroon ako. At nag-alala ako sa iyo kaya kita sinundan." "At bakit mo ginawa iyon?" "Dahil nga nag-aalala ako para sa iyo. You're too upset. Para naman kasing tanga iyong ex-fiancee mo, sa ganda mong iyan, sukat nagawa ka pang pagtaksilan! Hah! That jerk! Bulag ba siya? Hindi ba niya nakikita na walang panama sa iyo ang babaeng kasama niya kahit na saksakan pa iyon ng sexy at modernang manamit na halos nakahubad na?" Gusto parin magalit ni Khrystelle sa pagiging pakialamero nito. Pero hindi naman mukhang nangangantiyaw ang bukas ng mukha nito, in fact, punong-puno ng simpatya para sa kaniya ang kislap ng mga mata nito. "Teka, ano nga iyong sinabi mo? Ex-fiancee?" doon siya nag-concentrate para tuluyang mabuksan ang kumunikasiyon nila. "Yeah, he's your ex-fiancee now, hindi ba? Dahil siguro naman, pagkatapos nang ginawa niyang pag-ignore sa iyo, hindi ka na pakakasal sa kumag na iyon kahit lumakad siya nang paluhod patungo sa iyo habang humihingi ng tawad? Aba, kapag ginawa mo iyon, baka akala niya ay saksakan siya ng guwapo na hahabulin ng isang babaeng napakaganda na kagaya mo. Ikaw rin, lalaki ang ulo niya." "Ganoon?" "Oo, ganoon? Kaya payong-kaibigan lang, ha? Huwag na huwag mo na siyang patatawarin, okay?" "Hmm. . . sige," natatawang wika na niya. "Pero ano nga iyong sabi mo pa? Mula sa bar na iyon ay sinundan mo ako para lang makakasiguro ka na hindi ako mapapahamak?" "Yeah. Nag-aalala kasi ako na baka kung ano ang maisipan mong gawin. Sa dami ng taong manloloko at mapagsamantala ngayon, hindi malayong samantalahin nila ang kalagayan mo ngayon. "Ganoon?" Tumitig siya nang matiim sa mga mata nito. "Ibig mo bang sabihin, hindi ka kabilang sa mga mapagsamantala at manlolokong iyon?" "Oo naman! Mukha ba akong mapagsamantala? O, manloloko?" Lalong napangiti si Khrystelle, kapag ganito naman kaguwapo ang mapagsamantala at manloloko, tiyak na maraming babaeng maloloko. "Actually, hindi ka mukhang manloloko o mapagsamantala. But looks can deceiving, hindi ba?" "Siguro nga, but not me. I'm Nathaniel Fernandez, please, let me know your name para magkaroon tayo ng pagkakataong makilala ang isa't isa. And I'll swear, kapag tinanggap mong pakikipagkaibigan ko, mapapatunayan mo na hindi talaga ako masamang tao," saka muli nitong nilahad ang palad sa kanya. Napatitig si Khrystelle sa nakalahad nitong palad. "Okay," pagkuwa'y tinanggap niya iyon. "I'm Khrystelle." "Khrystelle what?" pero kinubkob na nito ang palad niya marahan pang pinisil. "Khrystelle na lang muna, saka ko na lang sasabihin sa iyo kapag. . .natiyak ko na mabuti ka ngang tao." "Ganoon?" "Yeah." Binawi na ni Khrystelle ang palad dahil bumibilis ang t***k ng kanyang puso sa simpleng pagkadama lang sa init ng palad nito. "Okay, makukuntento na lang muna ako sa ganoon, baka magbago pa ang isip mo at hindi mo na tanggapin ang pakikipagkaibigan ko kapag naging makulit ako. Anyways, thanks." "Thanks saan?" "For giving me a chance na mabantayan ka sa gabing ito habang windang pa ang utak at puso mo." "Ganoon?" "Yeah. So, let's have another toast?" Napatingin si Khrystelle sa baso niyang wala ng laman dahil inubos na niya iyon kanina. "I have no more drinks." Natatawang itinaas niya ang basong wala ng laman. "Oh, siya nga pala! Ah, waiter, pakibigyan nga ulit siya," baling nito sa bartender. "Kayo, ho?" tanong ng bartender. "Meron pa ako, hindi ko pa naubos iyong sa akin." "Ah, okay." "Hmm, madaya ka, ha? Bakit hindi mo inubos ang alak mo kanina pero ang sa akin ay ubos na?" natatawang tanong niya. "Well, simple lang ayoko malasing. Dahil paano naman kita mababantayan kung maglalasing din ako." "Ganoon?" "Yeah." "Hmm, sige na nga." Naiilang na lang na iniiwas niya ang tingin rito. Grabe, ang guwapo talaga niya! Ang bango pa! Hah! Kapag nakita ni Warren ang kasama ko ngayon, tiyak na mai-insecure ang mokong na iyon. Hah! Akala ba niya ay maghahabol ako sa kanya? No way! Tama naman ang sinabi ni Nathan, hindi ko na dapat patawarin ang lalaking iyon kapag nagbalik sa akin. "Ma'am, heto na ho ang order ninyo." "Oh, thank you!" nakangiting dinampot niya ang baso at humarap uli kay Nathaniel. "So, cheer?" "Cheers! Para sa pagiging bago nating magkaibigan!" nakangiti ring ipiningki ni Nathan ang mga baso sa baso niya at sabay dinala sa mga labi ang baso at sumimsim habang magkalapat ang mga mata nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD