Gean's pov HINDI ako makapaniwala sa aking nakikita... Si Xavier kasi ay nasa aking harapan. Pakiramdam ko nga ay nananaginip lamang ako nang makita ko siya na kausap ni Tita Monica. Tinatawag ko kasi si Tita Monica pero hindi ito sumasagot kaya kinabahan ako at sinundan ito sa likod ng bahay. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nasa loob siya ng bahay ni Tita Monica pero isa lang ang sigurado ako---- masaya ako nakausap ko at nakaharap ko siya ngayon. Lahat ng pag-aalala ay nawala at napalitan ang lahat ng saya. Kulang na nga lang ay hindi ko siya pakawalan sa higpit ng aking pagkakayakap. Nakalimutan ko rin na nasa tabi lamang si Tita Monica at nakamasid sa amin ni Xavier. Nararamdaman ko rin ang labis na pangungulila sa akin ng lalaki dahil pinugpog niya ng halik ang aking mukha. Ku

