Gean's pov ANG van ni Ryan ang aming ginamit papuntang San Joaquin. Kasama ko si Richard, Ricky, Omar at Yael. Hindi na namin kailangan pa ng bodyguard dahil alam ko naman na kaya nila akong proteksyonan. Isa pa ayokong may makaalam kung saan kami pupunta lalo na at wala rin naman akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa amin lalo na ang mga tauhan ni papa na madali lang rin naman bayaran ng kabilang partido. Alas otso ng gabi kami umalis ng bahay at wala pang isang oras ay nakarating na kami ng San Joaquin. Alam din naman ni Omar at Yael kung saan nakalagay ang susi ng bahay ni Xavier kung kaya madali lamang kaming nakapasok. "Sigurado ka ba na walang nakakaalam sa bahay na ito kahit si Olive?" tanong pa sa akin ni Ricky pagkababa ng van. "Walang nakakaalam sa lugar na ito maliban sa

