Gean's pov SA ISANG restaurant kami ni Ryan pumunta kung saan ay may dala itong balita. Sinunod ko ang pinag-usapan namin ni Omar at Yael tungkol sa pagproteksyon sa kung anuman ang mayroon si Xavier. Hindi ko lang kasama ngayon si Omar at Yael dahil kailangan pa ng mga ito ng proteksyon kapag lumalabas lalo na at baka balikan ang mga ito ni Pinuno. Gustuhin man ng mga ito na samahan ako ay hindi naman pwede. Isa pa sinundo naman ako ni Ryan sa kanila kaya ligtas din naman ako. "Anong balita? May nalaman ka ba tungkol kay Olive?” tanong ko kay Ryan. Nag-order lamang kami ng pagkain pagkatapos ay nag-usap na. “Sinusundan ko si Olive at si Richard naman at Ricky ay nakamanman kay George at napag-alaman ko na pumupunta si Olive sa Maynila at tumutuloy siya sa bahay ni Xavier doon at kasama

