Gean’s pov HINDI ko mapigilan ang hindi maapektuhan sa mga sinabi ni Olive sa presscon. Lahat ng sinabi nito ay hindi totoo at nasasaktan ako dahil mahal ko si Xavier at hindi ko gusto na mapahamak siya. Kung papipiliin nga lang ako ay pipiliin ko ang manatili na lang sa bundok na yun basta magkasama kami ni Xavier. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Ibalik ko man ang nakaraan ay hindi na maari. Pagkatapos ay kung ano-anong paratang lang ang maririnig ko kay Olive na para bang pinatay ni Papa ang si Xaveir. Inosente si Papa at alam ko yun. Wala siyang kinalaman sa kidnapping na pinagsasabi ng mag-ama. Ang mga ito na yata ang pinakahayop na nakilala ko. “Hindi natin kailangan na magpaapekto dahil alam natin ang totoo,” ani ni Nanay Edna pagkatapos nitong mapanood ang presscon ng mag-

