Gean’s pov NAGING masaya ang dalawang araw na pananatili ng aking mga kapatid sa bundok dahil aminado ako na naging malapit ako sa kanila at maging si Xavier ay naging malapit din sa mga ito. Handa na kaming bumaba ng bundok at makipagsapalaran lalo na at kailangan ng madala si Tatay Juancho sa ospital. Excited na rin ako na makita si Mama at Papa kahit pa naglihim ang mga ito sa akin. Tanggap ko na ng tunay kong pagkatao. Isa pa makakasama ko naman si Nanay Edna at ang aking mga kapatid. Magkakaroon kami ng bagong buhay sa Santa Monica. Babaguhin ko ang naging buhay ni Nanay Edna at ng aking mga kapatid. “Ready?” tanong pa sa akin ni Xavier? Mamayang gabi kasi ay aalis na kami ng kubo. “Oo,” ani ko pa. “Excited na akong maging normal ang mga buhay natin. Ikaw?” tanong ko pa. Bigla ak

