Gean's pov MAGKASAMA kami ni Xavier na naghanap ng signal. Kung saan-saan na kami pumunta para sa signal pero wala talaga. Walang signal ang cellphone na ipinabili ni Xavier. Napapagod na lamang ito sa katataas ng kamay para maghanap ng signal. "Sandali lang at naiihi ako," paalam ko kay Xavier na abala pa rin. "Huwag kang lalayo," sagot pa nito kaya tumango ako para maghanap ng lugar kung saan ako pwede umihi. Nang makahanap ng lugar ay kaagad akong umupo upang umihi. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos kong umihi upang bumalik kung saan ko iniwan ang lalaki. Nagulat pa ako nang biglang may narinig akong nagkasa ng baril. Sandali akong natigilan. Binalot ng takot ang aking puso dahil sa nangyari. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Nangangatog ang aking katawan. “Subukan mong hum

