Gean’s pov “THE patient is taking presccribed cancer treatment medications,” sagot sa akin ni Dr. Wilson kaya natigilan ako. Hindi ako mapalagay na hindi ipakita ang gamot na aking nakuha kay Tita Monica kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit kay Wilson dahil hindi ko naman magawa na lumapit kay Mama sigurado kasi ako na hindi ako titigilan ni Mama hanggat hindi nito malaman kung kanino ang gamot na aking nakuha. Tinitigan ako ng aking kaharap. “I am worried about this medicine; may I ask where you get it?” “Kaya nga ako lumapit sayo dahil ayokong may ibang makaalam tungkol sa gamot na ‘yan at siguro naman may karapatan ang bawat sinuman na itago ang tungkol diyan hindi ba? “You’re my daughter, Gean---of course gusto kong malaman kung kanino ‘yan. I’m worried,” giit pa nito kaya na

