Gean’s pov NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na ungol ni Xavier na sa aking tabi. Napabangon ako upang sipatin siya. Hinanap ko ang cellphone nito pero nan makita ko yun ay lowbat na. Pinatay pa naman namin ang ilaw dahil sayang ang gas. Tumayo ako upang buksan iyon pagkatapos ay sinipat ko Xavier. Inaapoy ito ng lagnat. Ang taas ng trangkaso ng lalaki kaya nabahala na ako lalo na at wala naman kamin gamot. “Xavier,” gising ko sa lalaki. “Inaapoy ka ng lagnat.” “Ohh!” ungol lang ni Xavier sa akin. Inayos niya ang kumot at ibinalot sa lalaki. Inabot kasi ito ng ulan kahapon dahil isinilong pa nito ang mga panggatong na kahoy. Hindi niya mapigilang hindi maawa kay Xavier. Lumabas siya ng silid at kumuha ng tubig. Inilagay niya iyon sa palanggan. Kumuha rin ako ng maliit na damit at iyon

