Calixto’s pov AANHIN niya naman ang pera kung mawawala naman sa kanya ang anak na si Gean. Kahit pa maubos ang inipon niyang pera mabawi lamang ang kanyang anak ay gagawin niya. Maging si Rebecca ay yun din naman ang gusto. Ang mabawi si Gean kahit pa maglabas sila ng fifty million. Malaking pera iyon pero okay lang. Hindi matutumbasan ng pera ang halaga ng kanyang anak. “Nag-aalala lang ako Calixto. Ano ang seguridad na ibabalik nila si Gean pagkatapos mong ibigay ang pera na gusto nila? Ayokong mag-isip ng masama pero ang mga taong yan ay halang ang mga kaluluwa,” sagot sa kanya ni Monica. “Kailangan kong magtiwala Monica. Desperado na kami. Habang tumatagal ay lalo lamang naggiging delikado ang buhay ng aming anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit pa magkano ang hilingin nila a

