Xavier's pov NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makarinig ako ng mga kaluskos. Nasa ilalim lamang ako ng puno natutulog dahil hindi ko na rin naman mababalikan pa ang bahay na dati naming tinutuluyan ni Gean. Hindi naman ako nagsisisi sa aking ginawa dahil kung hindi ko inilihis ang direksyon ng mga kalavan ay baka lahat kami ay namatay. Niligaw ko ang mga kalaban upang ako ang habulin nila at tuluyang makalayo ang aking na kasamahan kaya ngayon ay nandito pa rin ako sa bundok. Nagtatago at nakikipaglaban sa mga tauhan ni Pinuno. a Ang gusto kong mangyari ngayon ay hanapin ang kanilang kuta at harapin si Pinuno. May nabuo na akong plano. Hindi rin lang naman ako makakababa ng bundok ay mabuti ng makipagsapalaran ako. Ang mahalaga ay alam kong ligtas ang babaeng mahal ko. Sanay ako sa gani

