Chapter 2. Meeting a new Friends

1249 Words
Nang makita ko ang room ko ay dali-dali akong pumasok. Bigla naman ako sinita ng Guro. "Excuse me who are you?" tanong nito. "Ako po yung bagong estudyante Ma'am," sagot ko. Tumango lang ito." Take your seat," sabi niya. Narinig ko namang nagbulong bulungan ang aking mga kaklase. Sumigaw ang aming Guro. "What's that noise is all about?!" galit nitong sigaw. Bigla naman silang tumahimik. Pero sa'kin pa rin nakatingin. Biglang nagsalita ulit ang aming Guro. "Lahat ng mga bagong estudyante go to the front and introduce yourself," sabi niya. "Tumayo naman ako at pumunta sa kanilang harapan. May dalawa pang tumayo so ibig sabihin tatlo kaming mga bagong estudyante. Sila ang unang magpakilala at ako ang pang huli. "Ako po ay si-" hindi na natapos ang kanyang sinasabi dahil biglang sumingit si Ma'am. "Just introduce yourself in English," sabi niya. Tumango naman siya. "My name si Fiona Marquez. I live in Butuan City. Im 18 years old," sabi niya. "That's it?" nakataas kilay na tanong guro. "Yes Ma'am" sagot niya. "Take your seat," utos ni Ma'am sakanya. Nakapa strict niyang guro. Kunsabagay ito ang guro na gusto ko. "Next," sabi niya. "My name is Sandra Madera. I live in Siargao Del Sur. Im 19 years old," sabi niya. Nagsenyas si Maam na umupo na siya. Tapos tumingin si Ma'am sa'kin hudyat na ako na ang kasunod. "Hi everyone I'm Phoebe Tan, I live in Quezon City. I'm 19 years old." Sabay ngiti ko sa kanila. Nagsimula na naman silang magbulong bulungan. "We have a meeting in Principal's office, all you need to do is read your books here and be quiet, did you get it?" sabi ni Ma'am Fajardo. "Yes!" sabay sabay naming sagot. Nang makalabas na si Ma’am ay sinimulan ko nang buklatin ang aking aklat. Magkakatabi lamang kami ni Fiona at Sandra kaya hindi namin maiwasang hindi makipag usap sa isa't isa. Nasa pangatlong baitang na kami sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Mass Communication. "Sabay tayong maglunch mamaya," sabi ni Fiona. Tumawa naman si Sandra. Halata talaga sakanya ang kanyang pagiging masayahin. "Oo naman gusto ko yan!" sagot nito. Nagbaling naman siya ng tingin sa'kin. Ikaw Phoebe gusto mo rin bang sumabay sa'min?" tanong ni Fiona sa'kin. Bigla naman akong niyakap ni Sandra. "Sige na sumama kana sa'min please," sabi niya. Natutuwa ako kay Sandra dahil kung umasta ito ay parang bata. Ngumiti ako sa kanila. "Sige sabay tayong kakain mamaya," sagot ko. Ngumiti lang din sila sa'kin. Bumalik na kami sa pagbabasa ng libro. Naramdaman kong may nagbato sa'kin ng papel. Hindi na ako nag usisa kung sino ang gumawa. Pinulot ko ang papel at tiningnan kung ano ang nakasulat. Witch! May naramdaman ulit akong may bumato sa'kin. Hindi lang isa kundi marami. Pinulot ko ito at inisa isang binasa ang laman. Pathetic! Ugly! Mabaho! Poor! At kung ano ano pa ang mga nakasulat. Hindi ko nalang sila pinansin. May tumapik sa aking balikat. Tiningnan ko ito. Isang babaeng makapal ang make up. "Bakit may kailangan ka?" tanong ko. Hinila niya ang aking buhok. Napasunod ang ulo ko sakanya. "Walang hiya ka ano ang ginawa mo kay Haussen? Hindi mo ba alam na first love ko yon?!" sabi nito. Hinayaan kolang siya. Natatakot ako na maabutan kami ng aming Guro at baka ma kick out pa ako. Kalmado lang akong nakaupo sa aking upuan kahit sobrang sakit nang anit ko. May naramdaman ulit akong isang kamay na sinasampal ako. "Ang sakit ng kamay ko kanina ha! Pinahiya mo ako kay Lance," sabi naman ng isang babae. Inangat ko ang aking ulo para makita ko siya. Siya ang isa sa babaeng binali ko ang kamay at sinampal. Todo awat naman si Sandra at Fiona. "Tama na yan, ano ba ang ginagawa niyo kay Phoebe," sabi ni Sandra. "Wag kang mangialam dito kung ayaw mong madamay," saway ng isang babae sakanya. "Please nasasaktan na si Phoebe," sabi naman ni Fiona. Walang tigil pa rin silang humahawak sa buhok ko. "H’wag na ‘wag mo nang uulitin ang p*******t mo kay Haussen!" sabi ng isang babaeng sobrang kapal ng make-up. Sasagot sana ako pero biglang dumating si Ma’am at malakas na sumigaw. "What's happening here? Ano ang ginagawa niyo sa bago niyong classmates?!" galit na sigaw ni Maam Fajardo. "Eh Ma'am siya naman ang nauna ei!” pavictim na sabi ng babaeng makapal ang make-up. "Tumigil ka Monique alam ko kung gaano ka warfreak," sabi ni Ma’am sakanya. So Monique pala ang pangalan niya, ang bansot kasing bansot ng ugali niya. "Pwedi kayong makick out sa ginagawa niyong iyon!" sabi pa ni Ma’am. Hindi lang ako umimik. Titig na titig si Monique sa'kin at sobrang galit na galit ito. Pero wala deadma kolang. Ang dami dami pang sinasabi ni Maam Fajardo. Nakakabingi ang boses niya dahil napatining. Maya-maya tumunog na ang bell . Breaktime na namin. Nagyaya si Fiona at Sandra na pumunta ng cafeteria. Napakaraming estudyante halos walang upuan na natira. May nakita akong bakanteng upuan. "Doon tayo." Hinila ko sila kasi baka maunahan pa kami. Tumayo si Fiona para mag order ng pagkain. Lumpia lang at juice ang akin kasi yun lang ang kaya ng budget ko. Medyo matagal tagal si Fiona dahil napakaraming nakapila. Maya-maya pa halos mabingi ako sa ingay ng mga kababaihan na nagsisigaw at tumitili. Lance I miss you! Haussen pwedi pakiss?! Winter I love you! Kevin napanaginipan kita kagabi! Andrew pakiss! Kanya-kanya silang sigawan. Hindi namin maiwasan ni Sandra na hindi mapatingin. Nakita kong papalapit sila sa'min. Kinikilig si Sandra. "Oh no Phoebe papunta sila rito!” sabi niya. Tumahimik lang ako. Hinawakan ako ni Sandra sa kamay. "Phoebe hindi kaba kinikilig?" sabi nito. "Hindi," matipid kolang na sagot. Nang makalapit na sila sa'min hinawakan ni Haussen sa kwelyo si Sandra. "Alis!" galit na tono nito. Nagulat at parang naiiyak si Sandra. "Ikaw anong hinihintay mo?" tanong niya. "Edi subukan mo," kalmado kong sabi. Ito na naman kami. Pinagtitinginan na naman at pinag-uusapan. Dinuro niya ako sa mukha. "Akala mo nakalimutan ko ang ginawa mo sa'kin kanina?!" sabi nito. Nakaupo lang ako. Kaya kailangan ko tumingala para matingnan siya sa mukha. "Buti naman at hindi mo nakalimutan, subukan mo akong hawakan sobra pa doon ang matitikman mo," paalala ko sakanya. Tumawa ito. "Nakachamba kalang kanina," sabi niya habang idinuduro parin ako. Hinawakan ko ang daliri nito. Binali ko ito. Napangiwi siya sa sakit. Paparating na si Fiona at dala ang inorder namin. Nang malapit na siya sa'kin hinablot ko ito at itinapon sa mukha ni Haussen. "Oh no! Haussen okay kalang?" Tanong ng kasama niya. "Mukha ba akong okay Lance?" sabi niya. Tiningnan ako ni Haussen. "Tandaan mo ito na ang huling pagkakataon na ipapahiya mo ako, gagawin kong impyerno ang buhay mo!" pagbabanta pa niya. Lumakad na palayo si Haussen. Nakatitig lang sa'kin si Lance. "Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat? Maling tao ang binangga mo," sabi nito sabay lakad paalis. Hindi na ako umimik. "Okay kalang?" tanong ni Sandra. Tumango lang ako. "Ano ba kasi nangyari?" tanong naman ni Fiona. "Tara doon na tayo sa garden mag-usap," sabi naman ni Fiona. Dali-dali kaming umalis. Lahat ng mga tao ay nakatingin lang sa amin. Halos hindi makapaniwala. Habang naglalakad ako narinig ko ang sinabi ng isang babae. "Oh no may red card na siya," sabi niya. Umiling iling lang sila. Hinawakan ni Fiona ang aking likuran. May nakuha itong maliit na card. Sobra akong nagtaka. Ano kaya ang ibig sabihin nito? At sino ang naglagay nito sa aking likuran?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD