Halos nanlaki sa gulat ang mga mata ni Mama at Papa nang makita nila ang aking itsura. "Ma, Pa, ayos ba?" tanong ko sa mga ito.
"Hay naku anak ano na naman ba ang pinaggagawa mo sa itsura mo? Para kang baliw sa kalsada," sabi ni Mama.
Napailing na lang din si Papa. "Baka pagtawanan ka roon sa bago mong school anak alam mo naman puros mayayaman ang tao doon," pag-alala nito.
"Wala akong pakialam sa kanila Papa masaya ako sa ginagawa ko," sabi ko.
“Phoebe naman maganda ka sana eh, kaso hindi ka lang nag-aayos,” sabi pa ni Papa.
“Bakit Pa pangit ba ako ngayon sa itsura kong ‘to?” pabiro kong tanong sa kanya.
Hindi na lang siya sumagot.
"Oh siya, ikaw na ang bahala kasi ayaw mo magpasaway sa 'min basta mag-iingat ka roon," bilin naman ni Mama.
"Sige Mama aalis na po ako." Humalik ako sa kanilang pisngi at lumakad palabas nang bahay.
Pagkalabas ko palang ay halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa 'kin.
S’yempre sino ba naman ang hindi? Napakapangit ko kasi. Makapal ang kilay, makapal din ang eyeglasses plus ang kulot pa ng buhok ko.
Basta napakapangit ko. Si Mama at Papa lang ang nagsasabi na maganda ako syempre anak nila ako eh! Ang pinagtataka kolang kahit ganito na ako kapangit ay pinagtitinginan parin ako ng mga tao. Siguro dahil sa itsura kong exotic. Hindi ko na lang sila pinansin. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang sakayan nang jeep.
Excited na akong pumasok sa bago kong paaralan. Napasikat pa naman at kilala sa buong Pilipinas ang unibersidad na ito. Lumakad ako papunta sa sakayan ng jeep. May natanaw akong jeep na paalis na, tumakbo ako para makasakay.
Buti na lang nakaabot pa ako.
Habang nagmuni-muni ako sa loob ng jeep napansin ko ang isang lalaking nakatitig sa legs ko. "Hoy kuya ang m******s mo ha! Ba't ka nakatitig sa legs ko?!" sigaw ko sa kanya.
Tiningnan naman niya ako at parang natatawa pa ito. "Bakit Miss? Alangan naman d’yan ako titingin sa mukha mo e ang pangit mo!" pang-iinusulto pa nito. "Buti nga at maganda pa ang legs mo e, kahit papaano may maganda pa sayo!" dagdag pa niya.
Humalakhak naman sa tawa ang mga pasahero ng jeep. Biglang nag-init ang tenga ko sa sinabi ni Kuya. "Buti nga sa 'kin may legs pa na maganda e, ikaw nga pangit ka na malungkot ka pa!" sigaw ko.
Tumahimik nalang ang lalaki. Akala niya siguro ay hindi ko siya papatulan.
Lahat nang mga pasahero ay biglang tumigil sa kakatawa. Tiningnan ko silang lahat mula ulo hanggang paa.
Yung mga katabi ko ay umusog pa papalayo sa'kin. Buti nga at malapad ang space ko.
Malapit lang ang unibersidad na papasukan ko sa aming bahay kaya makalipas ang ilang minuto ay nakarating nako.
Sa gate palang ako ay sobra na akong napahanga dahil napakalaki nito at sobrang ganda. Napansin kong lumapit ang guwardiya sa'kin. "Miss dito kaba mag-aaral?" nagtatakang tanong nito.
Agad kong tiningnan ang aking uniporme. "Hindi ba halata sa aking suot Sir?" sagot ko sakanya.
Tumawa lang ito. "Pumasok kana at magsisimula na ang inyong klase mag sapit ng alas siyete y medya," sabi niya.
Tumakbo ako papasok ng gate. Napakaraming mga estudyante at lahat iyon ay nakatingin sa'kin.
"My God ang pangit naman niya!" sabi ng isang babae.
Humalakhak naman ang mga kasamahan nito. "Kaya nga e, hindi na nahiya na dito pa yan mag-aaral," sabi naman ng isa.
Gusto ko silang patulan pero mas minabuti kong umiwas nalang. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Narinig kong may sumigaw na lalaki. "May pagtitripan na naman ang mga badboys natin!" sabi niya.
"Yeah, sinabi mo pa!" sagot ng isang babae sabay tawa nila ng napakalakas. "Baka nga hindi yan makakatagal dito sa Max Ford e kawawa naman," sabi pa nila.
Tumakbo nalang ako papalayo sa kanila para hanapin ang room ko. Sa kakatakbo ko may nabangga akong isang lalaki na malapad ang dibdib halatang macho ito dahil napakatigas ng katawan. "Aray!” sigaw ko.
"Oh no!" sabi ng mga tao sa paligid.
"Lagot talaga siya!" sabi naman ng isa.
Bakit ako malalagot? Bakit parang nakakatakot ang lalaking nabangga ko.
Unti-unti kong inangat ang aking ulo para makita ko ang mukha niya. Matangkad siya.
"What the hell!” sabi ng lalaki na nakabangga ko.
"Sorry hindi ko sinasadya," sabi ko sa kanya.
"Do you think i accept sorry?!" galit ang tono nito.
Napansin ko may malagkit na tumapon sa braso ko at amoy kape ito. Nakita ko rin sa damit niya na basang basa sa kape.
"Pa-pasensiya na talaga hindi ko talaga sinasadya." Nauutal kong sabi sabay talikod ko para umalis.
Ngunit hinawakan niya ang kwelyo ng uniporme ko. "At saan ka pupunta?! Bago kita paalisin kailangan mong palitan ang uniform ko!" sigaw nito.
Natakot ako. "A-ano p-pong ibig n-niyong s-sabihin n-na p-palitan ko?" tanong ko habang nauutal parin.
Ngumisi ito. "Kailangan mo akong bilhan ng bagong uniform!" sabi niya pa.
Mas lalo akong natakot dahil wala akong pera. Ang pera ko ay para lamang sa pambili ko ng ulam.
Hindi niya pa rin ako binibitawan. "Wala po kasi akong pera," sabi ko.
"So pati ang kahirapan mo ay ishare mo pa sa'kin? Wala akong paki basta kailangan mong palitan ang uniform ko!" galit niya pa ring sabi. "Or else baka gusto mong magulpi," dagdag pa niya.
"H-hindi naman sa ganon, pwedi naman natin itong pag-usapan diba," magmamakaawa ko.
Tinawanan lang niya ako. Sumenyas siya ng kamay at may limang kababaihan na papalapit sa'kin.
Puros koloreti ang kanilang pagmumukha. Masasabi kong mas makapal pa ang make up nila kaysa sa kilay ko.
"Ano ang aming gagawin Haussen?" sabi ng isang babae sa lalaking nabangga ko.
"Bigyan niyo ng sampung sampal, wala namang mawawala sa pagmumukha niyan kasi ang pangit na," sabi niya sabay tawa.
Akma na sanang sasampal ang isang babae sa'kin na sobrang puti ang mukha dahil sa kapal ng foundation niya pero sinalo ko ito. Nagulat naman ang lahat nang nakakita.
"Wag niyo nang ituloy," sabi ko.
Tumawa lang ang mga ito.
Lumapit pa ang isa at sasampalin rin sana ako pero sinalo ko rin ang kanyang kamay.
Piniga ko ang kanilang mga kamay hanggang sa mamilipit sila sa sakit.
"Outch bitawan mo ako!" sigaw ng isa.
Binitiwan ko siya at sinampal nang napakalakas.
Ganon din ang ginawa ko sa isa.
Napatulala nalang ang tatlo nilang kasamahan.
Pati yung tinawag nilang Haussen ay napanganga nalang din.
Tatalikod na sana ako ngunit may tumulak sa'kin nang napakalakas. Tumalsik ako at natumba.
Tumingin ako sa kanila para malaman kung sino ang gumawa, nakita ko yung Haussen na nakangisi.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Kapal ng mukha mong tirahin ako patalikod ah," sabi ko.
"Bakit papalag ka?!" sabi naman niya.
"Mukha ka ngang mayaman at disinte pero daig mo pa ang tambay sa kalye kung umasta," sabi ko kay Haussen.
"Ah talaga ba? Ang lakas nang loob mong insultuhin ako e ang pangit-pangit mo!" sigaw niya. "Una sa lahat ako si Haussen Smith, pangalawa sikat ako dito sa Max Ford at pangatlo hindi ako nainform na tumatanggap pala ang University na ito ng basura kagaya mo." Sabay duro sa pagmumukha ko.
Halos matunaw ako sa hiya at parang gusto ko ng umiyak pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Hindi ako papayag na iinsultuhin lang niya ako.
Agad kong ikinuyom ang aking mga kamay at sinuntok siya sa mukha, sinundan ko rin ng dalawang sipa sa sikmura niya.
Hindi siya makagalaw sa sakit na kanyang natamo. Natumba siya, pinatungan ko siya at sinakal sa leeg.
"Ito ang isaksak mo sa kukuti mo! Una, wala akong pakialam kung sino kang animal ka, pangalawa wala rin akong pakialam kung gaano ka kasikat dito at kahit maging sikat kaman sa buong mundo, at pangatlo wala kang pakialam kung basura ako kasi mas basura pa ang ugali mo," sabi ko sabay bitaw sakanya.
Halatang nagulat siya sa pangyayari. Pati ang mga estudyante sa paligid namin ay nagchichismisan.
Lumakad ako palayo sa kanila na parang walang nangyari. Agad kong hinanap ang room ko.
Napalaki nang University kaya nahirapan ako sa paghahanap lalo pa't hindi ko kabisado. Nakita ko ang bulletin board.
Tiningnan ko ang aking pangalan doon.
(*Room 13*)
(*Section A*)
Agad akong pumunta sa room ko.
Kahit na marami ang tumatawa sa akin sa tuwing nakikita ang itsura ko ay wala akong paki unless lang kung saktan nila ako.
Kaya ako nag-aral para sa future ko at wala akong paki sa paningin nang iba sa'kin. Masaya ako sa kung ano ang ginagawa ko. I leave to express not to impress.