Habang nakaupo ako sa aking upuan dito sa clasaroom ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyayari noong nakaraang araw. Hindi ko nakita sina Haussen at Lance ngayon kasama ang kanilang mga grupo. Saan kaya sila ngayon? "Miss Tan!" narinig kong sigaw sa akin Miss Fajardo. Kaagad akong tumayo at lumapit sa may blackboard. Kinuha ko ang chalk at hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko. Nagtawanan naman ang aking mga kaklase. Napayuko nalang ako sa sobrang hiya. "Ano ang nangyayari sa iyo Miss Tan? Kanina pa kita yinatawag dahil pangiti ngiti ka habang nakayingin sa akin!" sabi ni Ma'am Fajardo. "Ahmmm... wala po Ma'am, pasensiya na po!" nakayukong sabi ko. "Bumalik kana nga doon sa upuan mo!" sigaw pa rin ni Ma'am Fajardo sa akin. Ang sungit talaga ang babaeng ito akala mo nam

