Hindi pa rin ako maka move on na natito si Lance kahapon sa bahay. Ang dami pa niyang mga naitulong sa akin. kilig to the bone talaga ang lagay ko ngayon. Ang haba naman ng hair ko tapos ang ganda ganda ko talaga. Imagine, isa sa mga varsity player sa school at pinaka pogi ay dumalaw dito sa bahay?
Ang lakas ko talaga kay Lord, ginagawa niya lahat para mapasaya ako. Oh, Lance ko sana ikaw na ang mapaoangasawa ko. Bukod sa mabait na nga, matalino at matulungin pa bunos nalang iyong gwapo para sa akin.
Napaigtad ako sa aking imaginayion ng may narinig akong kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
"Phoebe, tanghali na anak hindi ka pa ba papasok? Baka malate ka sa klase mo!" sigaw ni Papa sa likod ng pintuan ng kwarto ko.
Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga sa higaan ko para buksan ang pintuan.
"Papa, grabi ka naman magkalabog sa pintuan parang may emergency lang e no!" sabi ko naman sa kanya.
"Talagang sobra pa sa emergency, pumasok kana sa school mo. Hay naku na bata ka!" ani nito sa akin.
"Papa, nakalikutan mo ba? Sabado po ngayon at wala po akong pasok," sabi ko naman.
"Hah? Sqbado ba ngayon? Naku, talagang matanda na ako sobrang makakalimutin ko na. Tsk!" sabi naman nito sabay tawa.
Hinawakan ko siya sa braso at hinila papunta sa may kusina. "Pa, sahihin mo nga sa akin. Ano ang sabi ni Kance sa iyo pagkadating niya rito? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may taong pumunta dito na hindi niyo kilala?!" tanong ko kay Papa.
Umupo kami sa harap ng mesa. Mayroon ng kape at pandesal na nakahanda. Maaga pa kasi talaga gumigising si Papa para bumili ng pandesal.
"Syempre, nang makita ko siya nagulat ako. Nagtataka ako na kung bakit ka nagkaroon ng ganoong kaibigan kasi ang pakilala niya sa akin kaibigan mo daw siya. Ang pogi niya anak, siguro crush mo iyon ano," pabirong sabi ni Papa sa akin.
Bigla akong naramdam ng hiya. "Ikaw talaga Pa, hindi ah wala pa sa isip ko iyang mga crush crush na iyan. Focus ako sa pag-aaral." Humigop ako ng kape sa tasa.
"Hmmm... Kung hindi mo siya crush bakit ka namumula?!" tanong ni Papa sa akin.
Tiningnan ko si Papa. "Tigilan mo nga ako Papa, sabi ko nga sa iyo study first ako! Isusumbong kita kay Mama," sabi ko naman sa kanya.
Umiling-iling nalang si Papa sa sinabi. Hindi parin mawala sa paningin ko ang mga ngiti ni Lance sa akin kahapon. Napaka gwapo talaga niya.
"Oh, ano na naman ang iniisip mo? Paniguradong si Lance 'no? Ang lapad ng ngiti ha!" sabi ni Papa sa akin.
Inirapan ko lang si Papa. "Punta na nga lang ako kay Mama sa tindahan para matulungan ko siyang maglako ng mga isada!" sabi ko sabay tayo. Padabog akong lumabas sa bahay. Alam kong sumusunod si Papa sa aking likuran. Bigla siyang umakbay sa akin. "Huwag ka ng magtampo, binibiro lang naman kita!" sabi ni Papa. "Ikaw naman nakasimangot ka kaagad," ani pa nito.
Napatawa nalang ako sa kanya. Nagbantay na kami ng jeep para pumunta sa tindahan kung nasaan si Mama.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami. Nakita ko si Mama na umuupo sa kilid ng mga tinda niyang isda.
"Ma!" tawag ko kaagad sa kanya.
"Oh, mabuti naman at dinalaw niyo ako ditong mag-ama! Akala ko nakalimutan niyo ako na samahan dito tuwing weekend," sabi ni Mama habang nakasimangot.
"Mama naman, pwedi ko bang kalimutan iyon eh bawat weekend ito ang ginagawa ko? Hindi pwedi no!" sabi ko rin.
"Oo nga naman." Linapitan ni Papa si Mama at hinalikan sa pisngi. "Huwag ka ng sumimangot baka walang bumili ng mga paninda natin," sabi naman ni Papa.
Napatawa naman si Mama sa sinabi ni Papa. Ako kinikilig habang nakatingin sa kanila. Soon, magiging ganito din kami ka sweet ni Lance.
Biglang may humintong sasakyan sa harap ng isdaan nina Mama. Mamahaling sasakyan at mahaba kulay itim. Mga mayayaman lang ang makaka afford sa ganitong sasakyan. Sino kaya ito? At bakit dito pa siya huminto sa harap ng isdaan nina Mama? Iyan tuloy hindi na makita ng mga namimili ang pwesto namin.
Bumukas ang pintuan sa driver seat. May bumababang lalaki sa sasakyan. Nagulat at napanganga ako ng makita ko kung si o iyon. Si Haussen, bakit siya nandito?
"Anak, ang yabang naman ng lalaking iyan! Diyan niya pa pjnark ang sasakyan niya sa harap ng tindahan natin!" inis na sabi ni Papa.
"P-pa, ahmmm... kilala...ko po iyan!" nauutal na sabi ko kay Papa.
"Ano?!" sagot lang ni Papa. Nakita kong papalapit si Haussen sa pwesto ko. Parang biglang nag yelo ang aking katawan. Hindi ako makagalaw sa aking tinatayuan, ang mga tao ay nakatingin lang kay Haussen at puno ng pagmamangha ang kanilang mga itsura.
"A-anong ginagawa mo dito?!" tanong ko kay Haussen.
"Hindi ba tindahan 'to? Natural bibili ako kung ano ang mga tinda dito!" suplado nitong sagot sa akin.
Napayuko nalang ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Sa kadami daming dapat kung itanong sa kanya bakit iyon pa ang lumabas sa bibig ko.
"Ikaw? Ajong ginagawa mo dito?!" tanong ni Haussen sa akin.
"Ahmmm... may pwesto kasi sina Mama dito," sabay turo ko sa pwesto namin.
"Oh, nagtitindi pala talaga kayo ng mga isda. Actually, gustong gusto ko mag-ihaw ng isda ngayon." Lumapit siya sa mga isda na binibenta ni Mama at hinawakan ito. "Mukhang fresh pa naman. Magkano ba 'to lahat kung bibilhin ko?" tanong ni Haussen sa akin.
"Talaga hijo? Bibilhin mo 'to lahat?!" gulat na tanong din ni Mama.
"Bakit? Ayaw niyo ba? Sige diyan nalang ako sa iba kung ayaw-"
"Hindi! Gusto namin!" Hinawakan ko ang braso ni Haussen para hindi na siya makaalis. Tiningnan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Kaagad ko naman kinuha iyon. "Sorry!" sabi ko.
"Bibilhin ko na iyan lahat! Sabihin niyo lang sa akin kung magkano!" ani pa ni Haussen.
Dali-daling kinuha ni Mama ang calculator pa malaman niya kung magkano iyon lahat. Nakakatitig lang ako kay Haussen. Hindi sinasadyang nahuli niya akong nakatingin sa kanya. "Bakit? Hindi ka naniniwala na nandito ako ngayon? Kunsabagay, ako nga din hindi rin ako makapaniwala na pinapunta mo si Lance sa bahay niyo!" seryosong sabi nito.
"A-anong pinapunta? Hindi ko siya pinapunta siya ang kusang pumunta. Gets?!" inis ko naman na sabi sa kanya. Akala ko magpapasalamat na ako dahil papakyawin niya lahat ng mga tinda namin iyon pala bubwesitin na naman pala ako.
"Ok fine, siya na ang pumunta. Kaya nga nandito ako ngayon, alam ko kung ano ang ginawa niya para sa iyo. Alam ko na tinulungan ka niya para makatinda kayo ulit dito. Ayaw ko din magpatalo ano," sabi naman nito.
"Anong magpatalo? Ano ang ibig mong sabihin?!" nagtataka kong tanong.
"Hayts, wala na nga lang," ani nito.
"Hijo, 5600 lahat!" nakangiting sabi ni Papa.
Dumukot sa kanyang bulsa si Haussen ng pera. "Oh, ito 10 tbousand. Keep the change po!" nakangiting sabi ni Haussen kina Mama at Papa.
Wow, mabait naman pala siya sa mga matatanda sa akin lang hindi.
"Naku, maraming salamag hijo. Teka, magkakilala ba kayo ng anak ko?!" tanong naman ni Mama.
"Yes, magkakilalang magkakilala kami ni Phoebe. Mabait po iayn sa school tsaka matalino. Congrats, dahil biniyayaan kayo ng ganyang klaseng anak!" sabi pa ni Haussen.
Nagpapalakas ba siya kina Mama at Papa? Kung ano-ano pa ang kanilang pinag-uusapan. Ang ibang kasama ni Mama na mga tindera ay nagchichismisan na.
Hay nakakaloka talaga itong si Haussen, bigla-bigla nalang sumusulpot. Paano niya kaya nalaman ang na dito kami nakatinda? Eh, sa tagal-tagal ko nang narito ngayon ko palang siya nakitang pumunta dito. Baka namiss niya ako? Namiss niya akong pagtripan kaya ganoon.
Pagkatapos niyang bumili ay nagpaalam na siya kina Mama at Papa na umalis tapos kumindat siya sa akin. Nakita iyon ng mga magulang ko kaya tiningnan nila ako na iyon bang nagtatanong. Niligpit na ni Mama ang kanyang mga gamit para umuwi na. "Pahdating sa bahay mag-usap tayo Phoebe, mayroon kang hindi sinasabi sa akin!" pabulong na sabi ni Mama.
Tumingin ako kay Papa para magpakampi kaya hinawakan ako ni Papa sa braso at hinila pasakay ng jeep. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay. Umupo si Mama sa sofa at hindi matanggal tanggal ang kanyang mga tingin sa akin. "Ano iyong nakita ko?!" tanong ni Mama.
"Ang alin po?" pabalik ko namang tanong sa kanya.
Mas natatakot ako kay Mama kumpara kay Papa kapag nagagalit. Si Papa kasi never pa akong pinagalitan eh.
"Ako pa talaga ang tinatanong mo? Bakit may pakindat kindat sa iyo ang tisoy na lalaking iyon?!" galit na tanong ni Mama sa akin.
"Ah, iyon ba!" Tumawa ako para hindi niya mahalata na natatakot ako sa kanya. "Ganyan talaga 'yun siya Ma. Bakit ano bang iniisip mo?" tanong ko naman sa kanya.
"Ang akala ko may something kayo eh. Nag wink pa bago umalis. Kulang nalang halikan ka niya!" sabi pa nito.
"Mama naman, sa tingin mo magkakagusto iyon sa akin? Hello, ang pangit kaya ng anak mo. Ikaw na mismo nagsabi na tisoy siya hindi ba?!" sabi ko naman.
Sasagot pa sana si Mama ng biglang nagsalita si Papa. "Ikaw talaga, huwag mo ng pagalitan ang anak mo. Ayaw mo pa ba non kung sakaling magkakagusto iyon kay Phoebe edi ang pogi ng boyfriend ng anak natin," nakangiting sabi ni Papa.
"Tumigil ka! Ang gusto ko makapagtapos muna siya para maging maayos ang buhay niya balang araw," sabi ni Mama.
"Opo Ma, kalma na po kayo." Tumingin ako kay Papa at sininyasan ko siya na hindi na magsasalita.
Si Mama sobrang protective sa akin eh ang pangit ko naman. Sila na nga lang nagsasabi na maganda ako eh.
Pero okay na rin, kahit papaano may nagagandahan pa sa akin.
Hindi pa nga ako nakamove on sa biglaang pagsulpot ni Lance dito sa bahay tapos si Haussen na naman ang sumulpot sa tindahan? Baka susunod sa cr na silang dalawa susulpot. Sino kaya ang pipiliin ko sa kanila. Charot lang!