Halos mabingi ako sa sigawan ng mga estudyante, mayroong nagchecheer sa kabilang team at syempre mas marami ang sa amin. Ang galing nilanh pareho na maglaro pero walang makakatalo kay Haussen, palaging 3 points palagi at ringless pa. Si Jon, palaging nakangiti sa akin kapag naka shoot. Nakita iyon ni Haussen kaya malakas niyang binangga si Jon, at napabagsak ito sa sahig. Tumigil ang kamilang paglalaro dahil hindi makatayo si Jon, at nakita kong namimilipit ito sa sakin ng kanyang paa.
Agad ko siyang nilapitan. "Jon, okay kalang?" nag-aalala kong tanong.
"Ang sakit!" sigaw niya.
Tiningnan ko si Haussen at masama pa rin ang tingin niya sa akin. Galit na galit siya at hindi ko maintindihan kung bakit. Inalalayan ng kanyang kasamahan na makatayo si Jon at hinatid sa kanyang upuan. Sinundan ko siya ngunit hinila ni Haussen ang aking damit. "Saan ka pupunta? Ito punasan mo ang pawi ko!" Binigay niya sa akin ang towel na kulay puti.
"Sandali lang titingnan ko lang si Jon," sabi ko.
"Bakit ba masyado kang concern sa lalaking iyon, kailangan nga kita eh, punasan mo ang pawin ko! Now!" sigaw niya sa akin.
Namumuro na talaga 'tong si Haussen, palibhasa hindi ko siya pweding malabanan dahil sinasahuran niya ako. Kinuha ko naman ang towel at inilapat sa kanyang mukha.
"Wow, ang swerte naman ng nerd na iyan nahahawakan niya si Haussen!"
"Kaya nga eh parang gusto ko na din maging nerd tuloy!"
"Baka ginayuma niya si Haussen kaya ganyan pwedi siyang makalapit sa kanya, mukha pa namang mangkukulam ang Phoebe na iyan!"
"True, sinabi mo pa!"
Napapikit nalang ako sa mga narinig ko. Kahit saan talaga ang daming mga chismosang Marites.
"Huwag kang mahpaapekto sa sasabihin nila, naiinggit lang ang mga iyan!" mahinang sabi ni Haussen.
"Ikaw naman ang may kasalanan nito kung bakit nila ako pinagchichismisan, gustong gusto mo talaga na may nakakita na sinisilbihan kita!" inis ko naman na sabi sa kanya.
Hinawakan ako ni Haussen sa beywang at inilapit sa kanya ang aking katawan. "A-anong ginagawa mo! Bitawan mo ako ang daming tao nakakahiya!" sabi ko habang pilit siyang tinutulak.
"Pogi ba ako, Phoebe?" tannong niya habang hinihigpitan ang pagkakahawak sa aking beywang.
"Haussen, bitawan mo nga ako!" sabi ko.
"Tinatanong kita sagutin mo muna ang tanong ko pagkatapos bibitawan na kita!" sabi naman niya at ngumisi.
"Bro, huwag naman dito ang daming tao. Baka mapahamak na naman si Phoebe sa mga fans mo!" saway ni Lance sa kanya.
Bigla naman akong binitiwan ni Haussen, thanks to Lance dahil sinurvive niya ako.
"Bro, pwedi ba susunod huwag kang mangialam? I know what i am doing!" inis na sabi ni Haussen kay Lance.
"I know pero iniisip ko-"
"Shut up!" isang malakas na sigaw ang binitiwan ni Haussen. Umalingawngaw ang kanyang boses sa loob ng gym. Natigilan ang mga tao at nakatitig lang sa amin. Hindi na rin sumagot si Lance at umalis nalang para makaiwas kay Haussen. Ako naman padabog na lumabas ng gym. Ayun na nga, hindi na natapos ang kanilang laro at syempre talo sila dahil wala ng players nagsialisan na.
Pumunta ako ngayon sa canteen at lahat ng mga tao doon ay masama ang tingin sa akin.
"Hoy nerd, alam mo ba na dahil sa iyo ay natalo ang school natin? Papansin ka rin ano? Ang kapal ng mukha mong sirain ang game?!" sabi ng babaeng kasing puti ng pader ang kanyang mukha.
"Wala akong ginagawang masama, at bakit ba galit na galit kayo sa akin?!" tanong ko naman.
"Tinatanong mo pa? Syempre masyado kang mabisyosa! Pinaaway mo pa si Haussen at Lance doon sa gym? Ang kapal talaga ng mukha mo. Akala mo ba maganda ka eh mukha ka namang basahan!" sabi nito sa akin.
"Enough!" malakas na sigaw ng isang lalaki sa aking likuran. Alam ko kung sino iyon, si Lance. Bigla namang namutla ang babaeng iyon at nag-uunahan na umalis.
"Thank you Lan-"
Laking gulat ko ng makita ko na hindi pala si Lance ang sumigaw kundi si Haussen. Talagang pinagtanggol niya ako for the first time. Napaka seryoso ng kanyang mukha at parang may gusto itong sabihin sa akin.
"Si Lance na naman? Edi doon kana!" aniya at umalis.
Nanahimik nalang ako at napailing. Ang dami dami niya talagang nalalaman, bakit ba siya nagagalit kapag si Lance ang iniisip o binabanggit ko? Huwag niyang sabihin na nagseselos siya?
Hinampas hampas ko ang aking mukha. "Huwag kang feeling Phoebe, hindi ka type ni Haussen napaka pangit mo!" sabi ko sa aking sarili.
Nang makaalis na si Haussen ay nakita ko ang mga players ng Intergrated University na umiikot sa buong campus. Patakbo akong lumapit kay Jon ng makita ko siya.
"Jon!" tawag ko sa kanya.
Actually hindi lang naman si Jon ang kilala ko sa kanila parang mostly puros kilala ko kasi mga mababait naman at marunong makisama, pero Jon lang talaga ang pinaka close ko sa lahat.
"Phoebe, samahan mo kaming umikot dito. Ang ganda ng school na 'to ano?!" ani ni Jon at ngumiti sa akin.
Sumabay ako sa kanya sa paglalakad.."Hindi lang ganda ang meron ang school na ito napaka lapad pa at higit lahat sobrang malinis," sabi ko naman. "By the way, hindi ba sabi mo ito ang school ma gusto mong pasukan? Bakit nandoon ka pa rin sa Integrated pumapasok? tanong ko.
"Oo nga at balak ko sana ang maglipat din dito ngayon dahil nandito ka!" aniya.
Napatawa naman ako. "Talaga? Sige para may kaibigan din ako dito. Alam mo ba na kahit isa wala akong kaibigan? Tapos first day of school ko binully pa ako dito!" pabulong ko na sabi.
"Hindi naman ako magtataka kung nabully ka dito, alam ko naman na puro mayayaman ang nag-aaral dito tsaka mga spoiled," sabi naman ni Jon.
"Kaya nga eh pero alam mo ba namiss ko ang bonding natin, tsaka sa tingin mo papayag kaya ang parents mo na dito ka mag-aral?" tanong ko naman kay Jon.
"Oo naman, alam mo naman sila palagi lang sila naka suporta sa gusto ko. Kaya nga lang medyo natatakot din ako mag-aral dito dahil alam mo na baka hindi ako makapasok sa team ng mga basketball players dito!" sabi ni Jon at napabuga ng hangin.
"Ikaw pa makakapasok ka niya, ang galing galing mo kaya!" sabi ko.
"Tingnan niyo si Phoebe the nerdy mo may kasama na namam na ibang guy!"
"Ang pangit na nga malandi pa!"
Siguro akala niya talaga kapatol patol siya hindi niya alam nakakadiri ang itsura niya. Ewww, kung ako ang lalaki mas mabuti pang hindi nalang ako mag-asawa kapag ganyan ang itsura!"
Nagtawanan sila, tiningnan lang ako ni Jon na parang naawa siya sa akin.
"Huwag naman kayong ganyan kay Phoebe, kaya mas gusto siya na kasama ng iba dahil mabait siya hindi kagaya niyo na mapanglait!" sabi ni Jon.."Mas maganda ang babae kapag maganda ang ugali, ngayon mukha niyo lang ang maganda sa inyo pero bulok ang ugali niyo! Kung ako? Mas pipiliin ko pa ang magkaroon ng asawa kagaya ni Phoebe na hindi kagandahan pero mabait at matalino kaysa naman sa inyo na walang alam tapos puno pa ng make up!" dagdag pa ni Jon.
May narinig akong pumalakpak sa likuran namin. "Wow, knight and shining armour ni Phoebe! Salamat kasi pinagtanggol mo si Phoebe!" pasigaw na sabi ni Haussen kay Jon.
Ang init ng titigan nila kunting kunti nalang parang magsusuntukan na silang dalawa. Ano na naman ang ginagawa dito ng mokong na ito? Talagang gusto niya na makakuha ng atensyon ng mga tao dito?
"Walang anuman, dati ko pa ito ginagawa na lagi kong pinagtatanggol si Phoebe sa kahit sinuman ang umaway sa kanya. Kaibigan ko kasi siya eh, ikaw? Ano kaba ni Phoebe?" tanong ni Jon kay Haussen.
"Bakit kaba nagtatanong close ba tayo? Pwedi ba obligasyon ko na ipagtanggol si Phoebe, okay?!" sabi naman ni Haussen.
Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito, lahat nalang sa kanya big deal.
"Halika na Phoebe!" Hinawakan niya ako sa kamay at tinangkang hilain pero hinawakan din ako ni Jon.
"Hindi mo siya pag-aari!" sabi ni Jon sa kanya.
"Really?!" Sinuntok niya si Jon kaya bumagsak ito sa sahig.
"Hoy, tama na ano ba! Anong ginawa mo Haussen? Bakit mo sinuntok si Jon?!" sabi ko sa kanya.
Nilapitan ko si Jon para alalayan, dumudugo na ang kanyang bibig dahil sa lakas ng pagkasuntok ni Haussen sa kanya. "Halika na!" sabi ni Haussen at hinila na naman ako.
Ang sakit na ng kamay ko sa kahihila niya simula kanina pa. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya, sobrang naiinis ako kay Haussen. Kawawa naman si Jon ang bait niya pero ito sinuntok lang siya ni Haussen.
Nang makalayo na kami sa kinatoroonan nina Jon ay winaksi ko ang kanyang kamay. "Ano ba ang ginagawa mo Haussen? Nakakainis kana ha! Pati kaibigan ko sinaktan mo!" sigaw ko sa kanya.
"Wala akong pakialam Phoebe. Sumunod ka sa gusto ko, huwag na huwag kang tatawa kapag may kasama kang ibang naintindihan mo?!" sigaw niya sa akin.
"Bakit naman? Ano bang mayroon?" tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko matalino ka, pero damn! Bakit hindi mo ako maintindihan kung bakit ko ito ginagawa?!" Sinuntok niya ang pader.
"Paano ko maintindihan kung wala kang sinasabi, tapos magalit ka diyan. Tumigil ka nga! Nakakahiya ang ginagawa mo Haussen kapag may makakita!" sabi ko sa kanya.
"Okay fine, hindi na kita ipapahiya pero sundin mo ang sinasabi ko na hindi kana sumama sa ibang lalaki. Bakit ba ang hilig hilig mong makisabay kahit kanino, huh?!" sigaw nito sa akin.
Hindi na ako sumagot at napahawak nalang sa ulo ko. Sobrang naiinis ako ngayon sa kanya akala mo kung makaasta parang pagmamay-ari niya ako.
"Dito ka na nga at may pupuntahan ako!" Dali-dali aking umalis at iniwan siya.
Tapos na naman ang klase ko kaya nagdesisyon na akong umuwi sa amin. Mag aalas siyete na rin ng gabi. Pumara ako ng jeep at sumakay na, habang nasa byahi ako may nakasabay ako na isang bata kasama ang kanyang mga magulang. Naalala ko dati si Mama at Papa noong maluwag luwag pa kami, palagi kaming namamasyal pero ngayon sobrang hirap na ng sitwasyon namin. Kung pwedi lang sana madiliin ang oras para makapag tapos na ako ng aking pag-aaral ay ginawa ko na.
Hindi ko namalayan ay nakarating na ako sa bahay. Nagtaka ako na sobrang dilim sa labas palang. Sana kaya nagpunta sina Mama at Papa? Kinakabahan ako kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay. Nang makapasok na ako ay wala akong makita. "Ma? Pa?" tawag ko sa kanila.
Wala manlang sumasagot kaya mas lalo akong kinakabahan. "Mama, nasaan kayo?!" mangiyak ngiyak kong sabi.
Kinapa ako ang switch ng ilaw at ng magsindi ito ay napatulala ako sa aking nakita.
"Suprised!" sigaw ni Papa at Mama sa akin.
Umiyak na nga ako ng tuluyan, may cake sa taas ng mesa at kung anu-ano pang pagkain.
"Ma, Pa tinakot niyo naman ako akala ko ano na ang nangyari sa inyo!" sabi ko.
Lumapit ako sa kanila at niyakap sila. "Salamat po, pero ano po bang meron?!" tanong ko.
"Naku, nakalimutan mo na ba? Birthday mo ngayon," sabi ni Papa.
Ay oo nga pala ngayon ang kaarawan ko. Ngayon ko lang ata hindi naalala paano busy ako sa school.
"Pasensiya kana anak kung ito lang ang nakayanan namin ah, sobrang gipit tayo ngayon eh!" sabi ni Mama sa akin.
"Mama naman, wala naman akong hinihiling na sobra e, tsaka naintindihan ko ang sitwasyon natin kaya sana hindi na kayo nag-abala dito!" sabi ko naman.
"Hindi naman kami ang gumastos niyan eh, tsaka iyong sa tindahan pwedi na tayo makapag tinda doon ulit. Nakabayad na tayo ng upa doon!" masayang balita sa akin ni Mama.
"Talaga Ma? Pero saan kayo kumuha ng pera?!" nagtataka ko naman na tanong.
"Sa kaibigan mo!" sabi naman ni Papa.
"Ano sinong kaibigan?" gulat ko naman na tanong.
"Sa akin Phoebe." Lumitaw sa Lance sa aking likuran. "Happy birthday!" aniya.
"A-anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya.
"Alam ko na birthday mo ngayon kaya lumapit ako sa mga magulang mo, at nabanggit mo rin sa akin noong nakaraan na may financial problem kayo kaya heto tumulong ako!" nakangiting sabi ni Lance.
Napatulala nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na mangyayari ito. Ito na ba ang sign na magkakaroon na ako ng first love?