"Ano ba ang nagyayari sa iyo? Panira ka talaga ng moment no? Alam mong nag eenjoy iyong tao bigla-bigla ka nalamg dumadating!" galit na sabi ko kay Haussen.
"Wow! Nag eenjoy? So are you telling me na nag-eenjoy ka habang nakadagan si Lance sa itaas mo?!" sigaw nito sa akin.
Napaka raming tao kaya nashock sila sa kanilang narinig.
"Grabi ang landi talaga niya!"
"Kaya nga e akala mo naman maganda yuck, nakakadiri kaya ang itsura niya!"
"Palibhasa kasi laking skwater kaya ganyan ang ugali. Eww, wala atang pogi sa lugar nila kaya lahat ng mga pogi dito sa school inaahas niya!"
"True!"
Naghalakhakan sila, gusto ko ng maiyak sa naririnig kong sinasabi ng mga kababaihan sa paligid namin.
"Ano masaya kana dahil pinahiya mo ako?! Kunsabagay, diyan ka naman talaga magaling ang magpahiya ng kapwa mo tao!" sabi ko kay Haussen.
"Umalis kayong lahat dito kung ayaw niyong malintikan sa akin!" sigaw ni Haussen sa kanila. Nakita ko naman na natakot sila kaya nag-uunahan silang umalis. Kami nalanh ni Haussen ang naiwan.
"Hindi ba sinabi ko na sa iyo na bawal ka ng lumapit sa kung sino-sinong lalaki? Bakit ba ang tigas ng ulo mo! May gusto kaba kay Lance?!" tanong pa ni Haussen sa akin.
"Alam mo ikaw ang dumi dumi ng utak mo!" sabi ko.
"Talaga ba? Kung ganoon ano ang ginagawa niyo doon sa music room na kayong dalawa lang at nakalock pa ang pinto? s**t! Nagsex kayo?!" tanong pa nito.
Bigla naman uminit ang tenga ko sa sinabi niya. Sinampal ko siya ng napakalakas. "Ang kapal ng mukha mo, para lang malaman mo hindi ako kaladkaring babae. Hindi ako katulad sa mga babaeng nakasex mo dito!" singhal ko sa kanya.
Hindi na siya nakasagot at napatitig nalang sa akin. Tamang tama at nakita kong papalapit si Andrew at Winter sa amin. "Bro, pinapatawag na tayo ni Coach may laban daw tayo ngayon!" sabi ni Winter.
"Anong school ang makakalaban natin?!" taning nito pero sa akin parin nakatingin.
"Ang sabi Integrated University daw!" sabi naman ni Andrew.
Integrated University? Doon ako nanggaling ah. Tsaka may kaibigan din ako doon na basketbolista, si Jon.
"Andiyan na daw ang mga players ng school na makakalaban natin kaya halika kana, nandoon na rin si Lance!" sabi ni Andrew.
"Sige, susunod ako!" ani ni Haussen. Ang sakit parin ng tingin niya sa akin. Siguro kung kutsilyo lang ang kanyang mga mata baka tadtad na ang aking katawan sa sugat. Umalis na si Andrew at Winter, si Haussen? Ito tulalang tulala sa kagandahan ko.
"Ano pang tinitingin mo? Umalis kana!" taboy ko sa kanya.
"Huwag mo aking galitin Phoebe dahil baka pagsisihan mo!" sabi naman niya sa akin.
"Haussen, wala aking ginagawang masama iwan ko sa iyo kasi ang dumi ng utak mo!" sabi ko naman.
"Samahan mo ako sa locker ko." Hinila niya ang kamay ko kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Pagkapasok palang namin sa locker ng mga lalaki ay sobrang napa wow ako. Puro nakahubad ang mga lalaki doon at naka boxer lang. Nakakalaway talaga dahil sa mga pandesal nilang bumubukol. "Aning tinititigan mo?!" galit na tanong na naman ni Haussen sa akin.
"Wa ah." Umiwas ako ng tingin sa mga lalaking namumukol ang kanilang abs.
"Hubarin mo ang uniform ko!" utos sa akin ni Haussen.
"Ano?! Bakit hindi kaba marunong maghubad?!" sabi ko naman.
"Go!" sigaw niya kaya ang mga kamay ko ay kusnag kumilos. Tinanggal ko ang butonis ng kanyang uniporm at hinubad. Napatulala ako sa nakita ko, tumambad sa aking ang mga pandesal nitong preska pa sa isdang tinitindi namin. Ang sarap hawakan at haplosin. "Bakit ka napatitig? Huwag mong sabihin na naaakit ka sa katawan ko!" nakangising sabi ni Haussen.
"Excuse me lang ha, of course not!" Umiwas na ako ng tingin dahil nakakahiya. Ang init ng mukha ko.
"Bakit ka nagbablush? Hmmm.... parang kinikilig ka ata ah!" aniya.
Nang mahubad na ang kanyang uniform ay itinapon ko ito sa kanyang mukha. "Ikaw na nga maghubad sa sarili mo! Nakakinis ka!" Tinalikuran ko siya pero hinawakan niya ako sa beywang at hinila papalapit sa kanya. Nagkadikit ang aming katawan at napatulala ako. Ang init niya at parang nakuryente ako. s**t!
"B-bitawan mo nga ako!" sabi ko.
"Huwag ka ng magtampo sa sinabi ko, nagbibiro lang naman ako eh," sabi naman nito at ngumiti.
Killer smile yarrrn? Nakakalaglag panty naman itong mga ngiti ni Haussen, iba ang dating.
"Bitawan mo nga ako nakakahiya sa mga nakakakita Haussen!" sabi ko sa kanya.
Bigla niya naman aking binitiwan. Hinubad niya ang kanyang pantalon ay naka boxer nalang siya ng kulay itim na bench. Para siyang model talaga, napalunok ako ng laway ng makita ko ang kanyang ano na namumukol. Tumalikod ako para makaiwas sa may tukso.
"Let's go!" aniya.
Ang bilis namam niyang magbihis wala pang tatlong minuto tapos na kaagad.
Pumunta na kami sa gym. Marami ng tao ang nahihintay sa magsimula ang laro. Iyong ibang mga babae may banner pa at nakasulat ang pangalan ni Haussen, Lance, Winter at Andrew.
"Doon ka umupo sa harap!" sabi sa akin ni Haussen.
Sumunod nalang ako sa gusto niya, napasulyap ako sa mga babaeng nagsisigawan at sobrang init ng mga tingin nila sa akin.
Nakita ko si Lance na nakaupo at napaka seryoso ng kanyang mukha. "Lance, okay kalang?" tanong ko.
Sasagot na sana si Lance pero biglang hinila ni Haussen ang aking buhok. "Umupo kana dito sa tabi ko!" aniya.
Sinundan lang ako ng tingin ni Lance, nakakaawa naman siya at gusto ko siyang kausapin pero may nagbabantay sa mga galaw ko. Nagsimula ng magsalita ang MC at pinapasok na ang mga taga Integrated University. Tama nga ako nakasama si Jon sa kanila. Sa malayo palang ay nagtagpo na ang paningin namin ni Jon. Nag wave ako sa kanya pero tinapik ni Haussen ang aking kamay.
Mamaya kapag tapos na silang maglaro ay gusto ko siyang makausap at mayakap.
"Magbehave ka, ang papangit naman ng mga lalaking iyan eh!" sabi ni Haussen. Inirapan ko nalang siya nakakainis ang hilig talaga niyang mangialam.