(Phoebe's POV)
"Ito na ang assignment mo!" Pabagsak ko itong nilapag sa lamesa na nasa harap ni Haussen.
Kinuha niya ito at tiningnan na akala mo naman may alam. "Sigurado kana ba dito? Pag ito hindi ko na perfect bawas sa sahod mo ha!" aniya.
"Huwag na huwag mong bawasan ang sahod ko dahil kailangan ko ng pera!" sabi ko naman sa kanya.
Napangisi lang ito. "Bakit mo binantaan sina Sandra at Fiona? Alam mo ba na sila nalang ang kaibigan ko tapos pinagbawalan ko pang sumama sa akin?!" pasigaw kong sabi kay Haussen.
"Anong sila lang ang kaibigan mo? Nandito naman ako ah hindi mo sila kailangan!" sabi din niya sa akin.
Inirapan ko siya at tumingin ako kay Lance, nakatitig ito sa akin. Ang gwapo talaga ng baby Lance ko. Ang cute cute niya talaga nakakagigil.
"Bakit ka nakangiti diyan?!" singhal ni Haussen sa akin.
"Anong pakialam mo!" sabi ko naman at umalis na. Pumunta ako sa playground at pabagsak na umupo doon. Gusto ko ng umiyak, wala talaga akong kasama sobrang naiinggit na ako sa mga tao dito dahil marami at nagtutumpukan sila samantalang ako ito alone.
"Bakit ba kasi natatakot si Fiona at Sandra kay Haussen? Ang dami ko pa naman iniisip ngayon tapos gusto ko ng kausap pero sino naman ang kakausapin ko!" sabi ko sa aking sarili.
"Ako, pwedi mo naman akong kausapin ah!" Napalingon ako para malaman kung sino ang nagsalitang iyon. Si Lance, siya pala ang lumapit sa akin.
"Lance, nandiyan ka pala!" sabi ko naman.
"Sinundan talaga kita, psensiya kana sa ginagawa ni Haussen sa iyo ha. Ngayon, inaalila kana naman niya," aniya.
"Kaya lang naman ako nagpaalila dahil kailangan ko ng pera, wala kasi kaming pambayad sa bahay na inuupahan namin," sabi ko naman.
"Kawawa ka naman," sabi lang niya.
"Hindi na rin nagbebenta ng isda ang mga magulang ko dahil pinaalis na sila sa tindahan dahil wala din silang pambayad," sabi ko. Iwan ko nga ba pero ang gaan ng loob ko kay Lance, gusto ko siyang kausap dahil mabait din. Hindi ko namalayan na may tumulong likido sa aking mga mata. Pinunasan ni Lance ang luha ko. "Huwag ka ng umiyak!" Tinanggal niya ang aking salamin pagkatapos ay nakita ko siya na oarang nagulat.
"May problema ba?!" tanong ko naman.
"W-wala!" Ibinalik niya ang aking salamin sa aking mata. "Huwag mo ng tanggalin ang salamin mo ha," sabi nito," sabi pa nito.
"Bakit?" nagtataka ko naman na tanong
"Basta," aniya. "Halika dito punta tayo sa music room!" Hinila niya ako sa aking kamay.
"Ano ang gagawin natin doon?" tanong ko naman habang sumusunod sa kanya.
Hindi na siya sumagot at dumiretso lang sa paglalakad, as usual ang ingay na naman ng mga babae, mga inggitera kasi.
Nang makapasok na kami sa music room ay sinara at nilock niya ang pintuan. "Ayan, wala ng mang-iistorbo sa atin," sabi pa nito.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, ano ang gagawin niya sa akin?
"Lance, kung ano man ang iniisip mo huwag mo ng ituloy virgin pa ako!" Tinakpan ko ang aking katawan gamit ang aking kamay.
Bigla naman itong napatawa. "Ano kaba, ikaw talaga kung anu-ano ang iniisip mo. Kaya ko nilock ang pinto para wala ng makapasok dito dahil kakanta ako," sabi naman niya.
"Kakanta kalang pala akala ko kung ano na. Pero sure? Marunong kang kumanta?" tanong ko naman.
Hindi ko pa kasi siya narinig na kumanta kaya hindi ko alam kung maganda ang boses niya.
"Marunong naman kaunti." Kinuha nito ang gitara at umupo sa may stage. Sinaksak niya ang microphone para gumana.
Sinimulan na niyang kuskusin ang gitara at napaka galing niya. Pinatugtog niya ang kantang "Nothing Gonna Change My Love For You". Napatitig lang talaga ako sa kanya at iniimagine na ako ang kinakantahan niya. Magkasalubong anh tingin namin sobrang ganda talaga ng boses niya. Mas lalo pa akong nahulog ngayon kay Lance. "Maganda ba ang boses ko?" tanong niya.
"Oo sobra, inlove na nga ako sa iyo eh," sabi ko naman.
"A-ano?!" gulat naman nitong sabi.
"Ang ibig kong sabihin inlove na ako sa boses mo. Ang galing talaga sumali ka kaya sa mga singing contest kagaya ng Tawag ng Tanghalan siguradong ikaw talaga ang magiging champion," sabi ko sabay ngiti.
"Hindi naman pang contest itong boses ko. Kumakanta lang talaga ako kapag kaharap ko ang mga taong inspiration ko sa buhay," aniya.
So ibig sabihin pati ako inspirasyon din niya sa buhay niya? Wow, nakakakilig naman.
"Halika ka dito turuan kitang mag gitara," sabi ni Lance.
"Sure ka?" kinikilig ko naman na sabi.
Tumango ako, dahan dahan akong umakyat sa stage kung saan siya naghihintay sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na tila isa akong prinsesa at sinusundo ako ng aking Prinsipe.
Hinawakan ko ang kanyang kamay, tila may kuryenteng gumapang sa aking buong katawan. Ang init ng kanyang palad at ang lambot. Pinilit king ikalma ang aking sarili, ang puso ko ay parang tatalon na palabas dahil sa lakas ng t***k nito. Sana hindi na matapos ang araw na ito, siguro kung may nakakita lang sa amin na mga babae sa labas tiyak na mamamtay talaga sila sa inggit sa akin. Hinawakan ko na ang gitara at niyakap niya ako sa aking likuran. Kailangan iyon para maalalayan niya ako kung paano magpatugtog ng gitara.
Naamoy ko ang mainit at mabango niyang hininga.
Hindi ako makapagfocus dahil ang kanyang katawan ay nakadikit sa katawan ko. Pinapawisan na ako sa sobrang kilig. "Bakit pawis na pawis ka? May aircom naman ah," pabulong na sabi sa akin ni Lance.
"Ahmmm... Hindi kasi ako komportable Lance sa ganito," nahihiya ko rin na sabi sa kanya.
"Why? Wala naman malisya ah, unless lang kung may iniisip ka na naman na hindi maganda," sabi nito at tumawa.
Hindi na ako nakasagot. "Wait, lakasab ko lang ang aircon!" sabi niya. Parang nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya nakayakap sa akin. Inamoy ko ang hininga ko, baka kasi mabaho at maturn off siya sa akin eh.
"Ayan okay na? Nilakasan ko na para hindi ka pawisan!" Kinuha niya ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang aking mga pawis. Pwedi na akong mamatay nito, ang sweet talaga ni Lance sa akin.
"Salamat Lance, pero hindi mo na sana pinunasan ang pawis ko nakakahiya naman!" sabi ko at yumuko.
"Phoebe, walang problema iyon sa akin. Hindi naman ako katulad ni Haussen eh," sabi ko.
Lumapit sa akin si Lance kaya umatras ako. Sa hindi ko inaasahan ay nahulog ako sa stage na tinatayuan namin. Sinalo ako ni Lance at ayun sabay kaming bumagsak sa sahig. Pero hindi iyon ang iniisip ko. Nakadagan siya sa akin. Nagtitigan kaming dalawa na akala mo ay nagsliw motion ang oras. Biglang may malakas sa bumagsak sa may pintuan kaya sabay kaming napatingin. Niluwa nito si Haussen at galit na galit ang kanyang itsura. "Ano ang ginagawa niyo? Nagsesex kayo na mga walang hiya kayo?!" sabi nito.
Dali dali naman umalis si Lance sa taas ko. "Bro, is not what you think. Wala kaming ginagawa ni Phoebe sinalo ko lang siya dahil-"
"Stop explaining!"
"Hindi ba sinabihan na kita na bawal kang sumama sa ibang lalaki. I'm your boss kaya ako lang dapat ang kasama mo!" sigaw nito sa akin.
"Wala naman kaming gina-"
"Shut up!" Sinigawan niya ako. Hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil pinapatigil niya akong magsalita. Kahit anong sabihin namin ni Lance ay hindi siya nakikinig. Talagang galit na galit siya.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo bro?" tanong ni Lance sa kanya. "Don't tell me na-"
"Na ano? Gusto mong makipag kompetensiya sa akin? Fine!" sigaw ni Haussen.
"Wala akong sinasabing ganoon, ang akin lang sana bago ka magkakaganyan makinig ka naman!" singhal ni Lance sa kanya.
Kunting-kunti nalang magrarambolan na sila.
"Ano ba Haussen tumigil ka nga! Nanggugulo ka eh!" sigaw ko rin kay Haussen.
Hindi na siya sumagot at hinila niya ako pabalas ng music room.