chapter 5.

1582 Words
Halos hindi ako nakatulog kagabi sa nakita ko at sa sinabi kahapon ni Haussen sa akin. Napapikit nalang ako ng aking mata, napaka inosente ko pa naman sa ganoong bagay tapos sa hindi inaasahan ay makakita ako ng ganoon? "Phoebe, malalim na naman ang iniisip mo ah, inaway ka naman ba sa school?" tanong sa akin ni Papa. "Huh? Wala po Papa may iniisip lang ako talaga," sabi ko naman sa kanya. "Anong iniisip mo?" usisa pa nito. "Iyong nakita ko kahapon," sagot ko naman. "Huh? Nakita mo? Anong nakita mo anak?!" sunod-sunod na tanong ni Papa na may halong pag-alala. "Ahmmm... Wala po Papa." Pinilit kong ngumiti sa kanya si Mama naman ay tahimik lang sa may upuan niya. Alam kong iniisip niya ang nangyari kahapon dahil pinaalis na siya sa pwesto niya sa tindahan. "Mama, anong iniisip mo? Naku, huwag na kayong mag-alala may trabaho na ako!" sabi ko. "Ano?!" sabay pa talaga silang sumagot. "Opo, may trabaho na ako kaya ako na ang bahala sa allowance ko tsaka sa renta dito sa bahay. Hindi ba 3k lang naman ang bayad dito kada buwan? I will take care of it," masayang sabi ko. "Phoebe, baka kung ano na ang pinaggagawa mo sa school mo ha!" sabi ni Mama. "Ano kaba Mama, wala akong ginagawa na masama. Kaya nga ako naghanap ng trabaho dahil gusto kong makatulong, huwag kayong mag-alala sa akin dahil okay lang ako," sabi ko pa. Hindi na sila sumagot pa at nagtinginan lang. Nagsimula na akong kumain para makapunta na sa may universtiy. As usual, walang pinagbago isda pa rin ang ulam namin. Naglagay ako sa aking baunan ng isang pirasong prito na tilapia para ulamin ko mamayang lunch time. "Sorry talaga Phoebe kasi iyan lang ang ulam mo," sabi ni Mama sa akin. "Ikaw naman Ma, iyong iba nga halos hindi pa nga makakain nito eh, kaya thank you sa food everyday," sabi ko sa kanya at niyakap sila ni Papa. Maya-maya pa nagpaalam na ako sa kanila na umalis. Sumakay ako ng jeep at makalipas ang ilang minuto nasa University na ako. Sumalubong kaagad si Haussen sa akin at nakangiti oa ng malapad. Hindi manlang nakaramdam ng hiya, ang kapal talaga. Ako naman ay parang hindi makatingin sa kanya. Kasama pa niya si Lance, Winter, at Andre. "Hi Phoebe," bati sa akin ni Lance. Pinilit ko naman na ngumiti sa kanya. "Totoo ba na isa ka ng personal na utusan ni Haussen?" sabi ni Lance sa akin. Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. So, talagang pinaalam pa niya sa mga kaibigan niya? Nakakaloka naman. "Hoy, nerd may assignment ako ngayon. Heto oh!" Inabot niya sa akin ang isang module. " Kailangan after lunch maipasa ko na iyan," dagdag pa nito. Hindi na ako sumagot, kinuha ko lang ang kanyang project at umalis na. Nakaawkward kasi talaga ang nakita ko kahapon. Hindi ako makaget over ay sobrang nandidiri ako. Tinapik ni Lance ang balikat ko ngayon kolang napansin na nakasunod pala siya sa likuran ko. "Okay kalang Phoebe? May problema ba?" tanong nito. "O-kay lang ako," nauutal kong sagot. Nahihiya din naman ako na malaman niya ang nakita ko baka sabihin niya na sinusundan ko si Haussen. May biglang umakbay naman sa akin. "Bakit kaba umiiwas sa akin? Akala ko ba friend na tayo? Hindi mo ako pweding iwasan dahil may kontrata ka na sa akin, hindi ba personal nanny na kita?!" sabi naman ni Haussen. Nakakagulat talaga ang lalaking ito, lagi nalang sumusulpot kung saan saan. Kinuha ko ang kanyang kamay kaya napatingin naman ang mga estudyante sa amin. "Huwag ka nga lapit ng lapit sa akin!" sigaw ko sa kanya. "Wow, talagang ang kapal ng mukha niyang sigawan si Haussen!" "Akala mo naman kung makasta maganda, eh ang kapal kapal ng kilay at eyeglasses!" "Nag feeling siya na nga ang nilalapitan ng gwapo siya pa ang maarte!" Iyon na naman ang bulong-bulungan ng mga kababaihan sa paligid, palibhasa naiinggit sila dahil sa akin lumalapit ang mga sikat dito sa University. Akalain mo iyon sa pangit kong 'to nilalapitan ako ng mga gwapo. "Guys, huwag niyo nang ibully pa si Phoebe. Sige ako ang makakalaban niyo alam niyo friend na kasi kamo!" sabi naman ni Haussen. "Oh really Haussen, nakipag kaibigan kayo sa babaeng iyan!" sabi ng babaeng mahaba ang buhok at ubod ng ganda. "Wala naman sigurong masama-" Hindi na natuloy ni Haussen ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita na naman ang babaeng iyon. "Talagang napaka sama dahil may kaibigan kayong ganyan. Ano nalang ang sasabihin ng mga kalaban ng natin na ibang school? Sabihin nila na bumaba na ang standard niyo?!" sabi pa nito. "Mika, huwag naman ganoon. Ang pagkakaibigan ay hindi bumabase sa itsura," sagot naman ni Lance. Ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat, ang pagtitinginan ako ng mga tao. Gusto ko nang umalis kaya dahan dahan akong humakbang. Hinawakan ni Mika ang aking buhok. "Malandi kang pangit ka, talagang aagawin mo pa si Haussen sa akin!" sabi nito. "Ano ba bitawan mo nga ako!" Itinulak ko siya ng malakas, mabuti nalang at sa direksyon siya ni Haussen napunta at nasalo niya ito. Nakita ko namumula na si Mica kaya umalis na ako doon. Kasalanan din naman niya kung bakit napahiya siya akala niya siguro ay hindi ko siya papatulan. Pumasok na ako sa kwarto ko habang bitbit ang assignment ni Haussen. Nakita ko naman sina Fiona at Sandra. "Hoy, kanina pa ba kayo?" tanong ko sa kanila. Hindi nila ako pinapansin. Kinurot ko silang dalawa at napangiwi naman ang mga ito sa sakit. "Bakit hindi niyo ako pinapansin? May problema ba?" tanong ko na naman. "Kasi Phoebe ang sabi sa amin ni Haussen ay huwag na daw kaming sumama sa iyo. Kapag makikita niya daw kami ni Sandra na magkasama tayo malalagot daw kami," malungkot na sabi ni Fiona. "Ano?!" gulat ko naman na sabi. Hindi na siya nakasagot at bumasa nalang siya ng kanyang libro. Si Sandra naman ay walang imik. Tumayo ito ay lumabas ng room kaya sinundan ko siya ng tingin. (SANDRA'S POV) Lumabas ako ng kwarto dahil ayaw kong kausapin si Phoebe, natatakot kasi ako na magalit sa akin ang grupo ni Haussen. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Lance, kasama nito si Winter at Andrew. Napaka pogi talaga ni Winter, napakaamo ng mukha pero napaka sama ng ugali. Kapag nakikita ako nito palagi niya akong pinagtitripan kaya sumandal ako sa pader para makatago sa kanya. Hinintay ko na umalis sila bago lumabas sa aking tinataguan. Nawala na ang kanilang mga boses, pati ang mga kababaihan na nagsisigaw sa sobrang kilig ay nawala na rin, dahan dahan akong sumilip pero laking gulat ko ng mukha ni Winter ang nakita ko. "Bakit ka naman nakatago dito San? Tinataguan mo ako no?!" sabi nito sa akin. Hindi ako sumagot at tinangka ng umalis pero hinarangan niya ako. "Saan ka pupunta? Ito naman napaka KJ kinakausap pa nga kita eh. Huwag ka naman ganyan," sabi pa nito. "Ayaw kitang kausap, at tsaka kung aasarin mo lang ako pwedi ba huwag mo na akong pansinin? Doon ka sa mga girls na patay na patay sa iyo oh," sabi ko naman. Honestly, aaminin ko na kinikilig ako ngayon. Crush ko kasi si Winter unang kita ko palang sa kanya pero napaka chixboy niya. Ilang beses ko na siyang nakikita na may kahalikan na iba't ibang babae. "Hoy! Bakit mo ako tinitigan? Napopogian ka sa akin no?!" pabiro nitong sabi. "Hindi ah, sino ba nagsabi sa iyo na gwapo ka? Sila lang ang nagwagwapohan sa iyo pero ako, NEVER!" sabi ko ay umalis. Hinabol niya ako at hinawakan ang aking kamay. Pababa na kasi ako ng hagdan kaya muntikan na akong mahulog. Mabuti nalang at hinawakan niya ako sa beywang. Napatitig ako sa kanya, parang nasa teleserye kami at nagshoshootinh na dalawa. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla niya akong binitiwan kaya tuluyan akong nahulog sa hagdan pababa sa first floor ng university na ito. Mabuti nalang at hindi gaanong mataas ang hagdan, nasa limang palapag lang. Naoangiwi ako sa sakit ng aking beywang habang siya halos mamatay na sa tawa. "Okay kalang San?" taning pa nito habang hawal hawak ang tiyan niya. Hindi na ako sumagot at pinilit na tumayo. Bigla aking nahilo kaya nawalan ulit ako ng balanse. Isang kamay ang humawak sa akin. "Are you okay Miss?" tanong nito. Napatitig ako sa kanyang mukha. Para siyang anghel sa sobrang pogi at napaka kinis pa ng kanyang balat. "Salamat!" sabi ko at kumalas sa pagkakahawak niya sa aking beywang. "Walang anuman, ako nga pala si Jordan." Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Akma ko itong aabutin ng biglang tinabig ni Winter ang aking kamay. "Excuse me Bro, bago kalang ata dito!" sabi ni Winter sa kanya. "Ah oo, kakatransfer ko lang!" sabi naman ni Jordan. "Ah ganoon ba! Sige na pumasok kana sa kwarto mo!" utos ni Winter sa kanya. Halatang galit ang kanyang boses kaya medyo natakot si Jordan. Dali dali naman itong umalis at iniwan kami. "Bakit mo ginawa iyon?!" tanong ko kay Winter. "Ang alin?" nagmaang maangan na sabi nito. "Sa tingin mo ang alin pa? Sayang ang pogi pa naman sana non, ikaw kasi panira ka! Epal!" sigaw ko pa sa kanya. Hinawakan niya ang aking batok. "Mas pogi ako doon, tingnan mo ako!" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang kanyang hiningi, mabango at mainit ito. Napatitig ako sa kanyang bibig ma tila rosas ang pula
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD