Ganito ba talaga kahirap magdesisyon sa buhay? Ang laki naman ng hinihingi sa akin ng Haussen na iyon, gusto niya akong gumawa ng project niya! Napaka swerte niya naman kung papayag ako, pero kapag hindi naman ako oumayag paano na ang kaligtasan ko? Mainit pa naman ako sa mga mata ng estudyante dito. Siguro ganoon na ako ka hot. Tsk!
Napabuga nalang ako ng hangin..Ang daming estudyante na dapat tripan dito bakit ako pa? Napaka malas ko talaga! Hinampas hampas ko ang aking mukha.
"Hey nerdy, can i know what you're thinking?" yanong ng isang lalaki sa aking likuran.
Mabilog ang kanyang boses at masarap pakinggan sa tenga. Na curious ako kung sino siya kaya lumingon ako sa kanya. Ito 'yung lalaking kasama din ni Haussen ah? Anong ginagawa niya dito?
Hindi ko siya pinansin at napabuntong hininga lang ako.
"Sorry for what Haussen did to you. Ganyan talaga siya ang lakas mangtrip hayaan mo nasasanay ka rin sa ginagawa niya," sabi pa nito sa akin.
Naguguluhan lang ako sa isang 'to bakit niya ako kinakausap? Eh ang pangit pangit ko kaya.
"Bakit mo ba ko kinakausap? Close ba tayo? Tsaka parang ang bait mo kung makapag salita eh sa totoo lang pare-parehas lang naman kayong masasama ang ugali," sabi ko naman.
"Hindi porke't magkaibigan kami ni Haussen eh parehos na kami. Iba-iba ang tao Phoebe," aniya.
"Wow ha! Alam mo na rin pala ang pangalan ko? Ganoon na ba ako kasikat dito sa campus?" natatawang sabi ko.
"Kaya naiinis si Haussen sa'yo kasi loko loko ka rin pala, ahmmm... by the way ako nga pala si Lance." Inilahad niya ang kanyang mga kamay sa akin para mangamusta.
Nagdadalawang isip ako kung hahawak ako sa kanyang kamay baka bigla siyang mandiri sa akin. Tiningnan ko muna ang aking kuko at malinis naman.
"Sure ka bang makipag shake hands ka sa'kin?" tanong ko sa kanya.
"Bakit? May mali ba?" tanong naman nito.
"Wala naman naninibago lang ako kasi bukod kina Fiona at Sandra mayroon pa palang estudyante dito na hindi nandidiri sa akin," sabi ko. "Pero malinis naman ako sa katawan itong itsura ko lang talaga ang ayaw makisama," dagdag ko pa.
Napatawa naman siya sa sinabi ko. Napaka gwapo niya kung tumawa. Pakiramdam ko biglang lumabas ang mga heart sa aking mga mata.
Sobrang gwapo talaga ni Lance, maputi, matangos ang ilong at matangkad. Lahat na ata ng mga gusto ng kababaihan makikita ko na sa kanya. Tsaka ang higit sa lahat napaka bait.
Ito na ba ang sinasabi nila na Love At First Sight? Nang nagumiti si Lance biglang tumibok t***k ang puso ko at parang kinakabahan ako.
Naiimagine ko na ang sarili ko na siya ang aking asawa. Tapos tatlo ang anak namin tapos isa kaming masayang pamilya.
"Alam mo Hon, sa lahat ng lalaking nakita ko ikaw ang pinaka pogi. Taob si Coco Martin at Piolo Pascual sa'yo," sabi ko sa asawa kong si Lance.
"Hon, ikaw din ang ganda mo talaga! Sa lahat ng babaeng nakilala at nakita ko ikaw ang pinaka maganda," bulong na sabi sa akin ni Lance sabay halik sa tenga ko.
Nakikiliti ako sa kanyang ginagawa. Parang may uod sa aking tagiliran na biglang nagsalpukan.
"Ikaw talaga Hon, huwag mo nga akong utuin alam ko naman na pangit ako." Hinampas ko siya sa braso. Iyong hampas ko may halong pagmamahal at kilig syempre. "Oh tingnan mo may mga pimples pa nga ako eh," dagdag ko pa sabay turo sa mga pimples ko.
Hinalikan niya ako sa labi pagkatapos ay tinadtad din niya ng halik ang pisngi kong maraming pimple.
Sobrang mahal talaga ako ng asawa ko. Inlove na inlove talaga siya sa akin.
Napaka sarap niyang humalik kung pwedi ko lang pigilin ang oras ay ginawa ko na. Napapikit ako sa kanyang ginagawa sa akin.
Napaka swerte ko talaga dahil sa daming babae ang humahabol sa kanya ay ako ang pinili niya. Daig ko pa talaga ang nanalo sa lotto.
"I love you Lance, ikaw ang buhay ko. Sana hindi magbabago ang pagmamahal mo sa akin," sabi ko pa kay Lance.
"Hoy, Phobe! Phoebe!" Niyugyog ni Lance ang aking balikat.
Bigla naman akong bumalik sa aking katinuan.
"L-lance, nandiyan kapa pala akala ko umalis kana?" nauutal kong sabi.
"Anong umalis? Nag-uusap lang tayo dito tapoa bigla kang pumikit at may panguso nguso kapang nalalaman? Nanaginip kaba habang gising?" tanong naman nito.
"Ah-eh wala may iniisip lang kasi ako tsaka medyo inaantok din ako kaya napapikit ang aking mga mata." Humikab ako sa kanyang harapan.
"Ah ganun ba! Sige, mauna na ako ha. Pero i want yo confirm something from you," sabi pa niya sa akin.
"A-ano 'yon?!" kinakabahan kong tanong. Baka itanong niya sa akin kung may gusto ako sa kanya. Jusko naman!
"From now on, pwedi bang friends na tayo?" sahi pa ni Lance sa akin.
Really huh? He's asking me to his friend? Makakatanggi ba ako sa gwapong ito? Natural pweding pwedi.
Tumango tango lang ako pagkatapos ay nagpaalam na siyang umalis.
Kaagad naman akong napangiti ng palihim ng makaalis na siya.
May narinig aking grupo ng kababaihan na papalapit sa akin at nagtatawanan.
"Pangit! Bakit ka nandito? Kinita mo si Lance at Haussen dito? Ang kapal talaga ng mukha mo!" sabi ng babaeng mas makapal pa ang make-up kaysa sa mukha ko.
"Akala mo magugustuhan ka ni baby Haussen? Ewww, asa ka!" sabat naman ng isa.
Kahit kaunting kaba ay wala aking naramdaman. Bakit? Kasi kahit anim sila kayang kaya ko silang patumbahin.
"Inaano ko ba kayo? Wala naman akong ginagawa sa inyo ah. Bakit ang init ng dugo niyo sa akin? Dahil ba sa pangit ako? Hindi naman porke't magaganda kayo ay may karapatan na kayong manlait!" sabi ko naman.
"I know your parents and i saw them selling a fish in tindahan like ewww. Ang mga isda niyo sira na!" sabi naman ng isa. "Pati kasi mga magulang ang papangit kaya pangit kadin," dagdag pa nito.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang sakit na marinig kong nilalait ng iba ang aking mga magulang. Kung ako lang sana ang laitin okay lang at makakaya ko pero kung sila nadudurog ang puso ko.
"Huwag niyo naman idamay ang mga magulang ko. Ano naman ngayon kung nagtitindi sila ng isda? Ginagawa nila iyon para matustusan ang pag-aaral ko tapos lalaitin at pagtatawanan niyo lang!" mangiyak ngiyak kong sabi.
"Uyy hala! Naiiyak na si pangit," sabi naman ng isa na kulay blue ang buhok.
Nagtawana naman ang kanyang mga kasamahan. Sobrang naiinis ako sa ginagawa nila ha.
Tumakbo ako paalis ng rooftop kung saan ako dinala ni Haussen. Binilisan ko ang pagtakbo para walang makapansin na umiiyak ako.
Dumiretso ako sa auditorium. Doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-iyak. Balang araw ipapakita ko sa kanila na itong Phoebe na kinukutya nila ay magiging isang sikat na Journalist.
Darating ang panahon na makakaraos kami sa aming kahirapan at ang mga tao naman ang titingala sa amin.
Tinanggal ko ang eyeglasses ko para punasan ang aking mga luha.
"Phoebe? Anong ginagawa mo dito?" Isang boses ang narinig ko sa aking likuran. Kilala ko kung sino iyon si Lance. Tumingin ako sa kanya nakasuot siya ng oang basketball na damit.
Pinilit kong magsalita ng maayos para hindi niya mahalatang umiiyak ako. "Ahh, wala gusto ko lang sana ng tahimik na place kaya napadpad ako dito," pagsisinungaling ko naman.
"Don't lie. I know you are crying. Why? Binully ka naman ba?" sunod-sunod pa nitong tanong.
"Iyon naman lagi ang nangyayari sa akin basta dito ako sa school Lance. Nasasanay na rin nga ako eh pero kasi dinamay nila ang mga magulang ko kaya ang sakit lang," mangiyak ngiyak kong sabi.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang muscle nito. Nagkadikit din ang aming katawan kaya naramdaman ko din ang kanyang abs. Grabi ang tigas, parang nakalimutan ko na kaagad na emosyonal ako dahil sa ginawa sa akin ng mga bruhanh babaeng iyon.
Hinaplos niya ang aking likod. "It's okay. Stop crying na, huwag mo nalang kasi pansinin o pakinggan ang mga nambubully sa iyo kasi masasaktan kalang," sabi ni Lance sa akin.
Biglang tumulo ang aking sipon at wala akong panyo. Pinunas ko ito sa damit ni Lance, nakita ko naman siya na parang nandiri sa ginawa ko pero hinayaan lang niya ako.
"Ganito nakang magpapractice kasi ako ng basketball dito ngayon, pwedi bang i cheer mo ako?" sabi nito sabay ngiti sa akin.
Nalulunod talaga ako sa kagwapohan ni Lance. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa aking isipan at tinitigan ko lang siya.
Maganda ang mata ni Lance, singkit at parang wala siyang maya kapag nakangiti.
"Phoebe!" tawag niya sa akin kay nahimasmasan naman ako.
"Huh?! S-sige echeer kita!" sabi ko naman at umiwas ng tingin.
Naglaro na siyang mag-isa ng basketball. Ang laki kasi ng auditurium na ito. May basketball court siya.
Sigaw ako ng sigaw sa pangalan ni Lance habang siya naman ay todo laro. Malaya akong makasigaw dahil kaming dalawa lang ang tao dito.
"Phoebe, para sa'yo!" tawag niya sakin sabay shoot ng bola.
Three points ang galing niya ringless pa.
Ako din naman eh, na shoot din ako. Nashoiy din niya ako sa puso.
"Ayos ba?!" tanong niya habang lumalakad papalapit sa akin.
"Oo naman ang galing mo walang mintis pero shoot lahat!" masaya ko naman na sabi sa kanya.
Pawis na pawis siya. Ang hot niya kapag pinapawis. Hindi kagaya ng iba na kapag may pawis ang dugyot.
Ang gwapo talaga ni Lance Montenegro. Hindi ko talaga maiwasan na hindi siya titigan kasi nakapa gwapo niya. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang damit sa aking harapan.
Napalunok ako ng laway pagkatapos ay umiwas ng tingin. "Phoebe, pwedi bang punasan mo ang pawis ko?" tanong niya sa akin.
"Hah? As in ako?" gulat na sabi ko sa kanya.
Tumango siya. "Huhmm... ayaw mo? Sige, okay lang," aniya sabay kuha ng towel sa loob nh kanyang bag.
Inagaw ko naman iyon sa kanya. I don't want yo mess this kind of opportunity, once in a lifetime lang ito no.
Dahan dahan kong inilapat sa kanyang pisngi ang towel. Putikkk parang sa teleserye lang ang dating naming dalawa.
Nakatitig si Lance sa akin. Medyo nahiya ako kasi ang lagkit ng titig niya iyon bang nakakatunaw.
"Lance, pwedi bang huwag mo akong tingnan ng ganyan?" sabi ko.
"Why?" Tumawa siya. "Hindi ka komportable?" dagdag pa nito habang tumatawa.
Tumango naman ako. "Nahihiya kasi ako," sabi ko.
Hindi na siya sumagot pa, patuloy lang ako sa pagpunas ng kanyang pawis hanggang sa...
May narinig akong pumapalakpak papalapit sa amin. "Amamzing! May bago kana palang yaya ngayon Lance?" sabi ni Haussen.
"Kaya nga Bro, magkano ang isasahod mo sa kanya Lance?" sabi ni Winter sabay tawa.
"Baka mura lang, kasi ang ganyang itsura hindi naman iyan binabayaran ng mahal eh," sabi naman ni Kevin.
Tumawa naman si Andrew ng napaka lakas.
"Guys, please huwag niyo namang pagtawanan si Phoebe. Nahihiya na ang tao sa ginagawa niyo oh!" saway ni Lance sa kanya.
"Lance, aalis na ako!" sabi ko. Lumakad na ako paaalis ng bigkang hinarangan ako ni Haussen.
"Saan ka pupunta, Nerd?" seryoso nitong sabi. "Sa tingin mo paalisin kita?!" dagdag pa niya.
"Haussen, hindi ba nag-usap na tayo? Paulit-ulit na naman ba? Ayaw ko ng gulo, okay? Iyong deal na sinasabi mo sa akin pag-iisipan ko muna. Bukas na bukas sasabihan kita kung ano ang desisyon ko," naiirita kong sabi.
Nakakinis naman kasi harang ng harang. Gwapo din naman si Haussen, pero ang sama ng ugali kaya hindi ko siya type. Si Lance package deal na nasa kanya na ang lahat at walang makakapantay sa kanya.
Hindi lang sumagot si Haussen sa sinabi ko at seryosong nakatitig lang sa akin.
Binangga ko siya para umalis siya sa dinadaanan pero pota ang tigas ng katawan niya talaga, napapaatras talaga ako.
Away na naman ata ang gusto nito eh, ayaw ko ng makipag-away baka ipatawag pa ng board ang mga magulang ko kawawa naman sila.
"Haussen, alis kana diyan! Bakit ba ano ba ang kailangan mo sa akin? Naiinis na ako sa'yo ha!" sabi ko sa galit na tono.
Si Winter, Kevin at Andrew naman ay hindi matigil tigil ang tawa. Ano ba ang funny dito?
"Phoebe, may regla ka? Ayan oh may tagos!" natatawang sabi ni Winter.
Kinapa ko ang aking pwet. May basa nga tsaka kulay pula ang basa. Putiikkk, ngayon pala ang dalaw ko. Nakakahiya kay Lance.
"Here's the jacket Phoebe!" sabi ni Lance.
Kailangan ko talaga ang jacket na iyon para matakpan ko ang regla ko na tumagos.
Umiinit na ang aking pisngi sa sobrang hiya. Dahan-dahan kong kinuha kay Lance ang jacket. Tinabig naman ni Haussen ang kamay ko at hinawakan ako sa beywang.
Nanlaki ang aking mata sa sobrang gulat. Linapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "Stay away from other man!" bulong ni Haussen sa akin.