"Ano na cuz,payag ka na ba? Grabe ka ha ilang balik ko na 'to sa'yo tapos ayaw mo pa rin?" pangungulit ko sa pinsan kong si Doni.
Halos araw-araw na ako pabalik-balik sa kanyang opisina para kumbinsihin siyang magpanggap bilang ahente namin dito sa kasong hawak namin ngayon pero ayaw pa rin niya.Tahimik at wala pa ring kibo gaya nong mga nakaraan,at gaya rin noon aalis akong walang makukuhang sagot ni ha,ni ho.
"Makaalis na nga! Si Davi na lang ang kukunin ko tiyak papayag agad yon di gaya mong kayhirap pakiusapan" turan ko bago tuluyang tumalikod.
"Don't you dare! spare him cuz,you know he's still young for this agent thing of yours" wika niya.
"Haaaay!! sa wakas nagsalita ka rin,kala ko napipi kana eh" pang-aalaska ko sa kanya.
"Oh?!.c'mon cuz.!.bakit ba kasi ako e madami ka namang agent?" usisa ko sa pinsan kong nagpapalakad ng isang agency.
"Kailangan kasi bagong mukha at bigtime na kagaya mo,ngayong araw sila magbubukas para maghanap ng mga bagong investors kaya pasok ka sa criteria na 'yon.Investor/agent ka dito cuz kaya ano,deal or no deal?" umpisa kong briefing sa kanya.
"Timing din ito para sayo bagong environment diba nga't kakasplit niyo lang ni Stacy ba yon o Sassy?" dagdag ko.
"Missy cuz,not Stacy or Sassy,.....Missy" pagtatama ni Doni sa akin.
"Okey! okey! okey! Missy na kung Missy pareho din yong may C sa hulihan" pambubuska ko sa kanya."So?".
"Deal!!!" sagot niya.
"Oh?!.thank God pumayag ka rin sa wakas.Well,...ang gawin mo lang is mag-invest.Sumabay sa agos at maging vigilant kung may kabulastugang nagaganap.May sa palos kasi ang matandang 'to eh di kami makahanap ng butas,masyadong malinis at yon ang nakapagtataka.Kokontakin kita para sa mga updates at saka.....hmmnn sabay naman tayo nagtraining kaya kumpyansa ako na kaya mo ipagtanggol ang sarili mo kung saka-sakali at magkaipitan" saad ko sa kanya.
"Yeah! yeah! yeah! kaya ko ang sarili ko pero paano ang perang iinvest ko,saan ko kukunin?" tanong ko sa agent kong pinsan.
"Naman e,!..kaya nga ikaw kinuha ko at sentimo lang yon sayo" sagot ko.
"Aba't....."
"Wuuuhhh!...relax cuz kung magtatagal ang pagsusurveillance mo eh babalik ang investment mo at kikita kang tiyak,okey?!" putol ko sa anumang sasabihin pa niya.
"Abay dapat lang! Alangan namang magsasayang ako ng milyones tapos di pala ako kikita,kapag nagkaganoon sisingilin talaga kita hanggang sa mabayaran mo ang kahuli-hulihang sentimong ininvest ko sa kasong yan kasama pati service fee" banat ko sa kanya.
"Oo na!.Oo na!Napakasigurista naman nito o.Maghanda kana at mamayang alas singko ang simula.Siya nga pala ito ang address" saad ko sabay abot ng kapirasong papel na kinasusulatan ng address.
"Tamang-tama may mahigit dalawang oras kapang natitira para maghanda at ihabilin itong kompanya.Mas maaga mas maigi nang magkaroon ka ng magandang pwesto para sa show.Dalhin mo rin ang kakailanganing pera at baka hanapan ka ng cash on hand mabuti na yong handa para iwas bulilyaso" dagdag kong briefing sa kanya.
"Areglado boss" turan niyang may patuya.
"Ikaw na ang bahala.Ano't anuman e tumawag ka ng malaman namin kung buhay kapa o patay na,'lam mo na" pabiro kong saad sa kanya.
"Tatawag ako,patay man o buhay kaya wala kang dapat ipag-alala" pabiro niya ring sagot.
"O siya,aalis na ako.Mag-ingat ka cuz" habilin ko at tuluyang nilisan ang kanyang opisina.
Pagkaalis ng pinsan kong si Dex ay pinatawag ko sa aking secretary ang nakababata kong kapatid na si Davi.Limang taon lang agwat namin sa isa't isa at siya rin ang nakatokang manager sa lahat ng operations ng kompanya namin.Sangang-dikit kami sa lahat ng bagay maliban sa isa,babae.He's a one woman-man,unlike me na papalit-palit ng babae kapag kasi tumatagal e iba na ang gusto at hindi pa ako handa sa commitment.Ayoko pang matali at mas lalong di ko pa nakikinita ang sarili kong itinali na habang-buhay.
"Huuuuh!!!" pagbubuntung-hininga ko.
Tama ang pinsan ko mas mabuti na rin ito,bagong environment at ng makaiwas na rin kay Missy na halos araw-araw akong kinukulit.
"O ano kuya,ba't mo ako pinatawag?" bungad ng bunso kong kapatid.
"Aalis ako,dating gawi.!.Out of town,unwind at saka indefinite" sagot ko sa kanya.
"Okey.!.When and where?" tanong niya.
"Exactly 3pm today.!.The place is restricted so as usual ikaw na bahala sa parents natin at sa kompanya" tugon ko sa kanya.
"And what about the girl named Missy?" tanong niyang nakakaloko.
"C'mon bro!!.We've been split already so don't bother her,she knows where she stands.And you, focus on the company when i'm not around " sagot ko.
"Do i have a choice here?" usisa niya.
And i said "NO.!.....you don't.!." Sabay tayo at iginiya ko siya paupo sa upuan ko.
"As of today,you'll be the acting CEO of this company.Don't call me,i'll call you.!." sabay talikod at umalis.Bumaba ako hanggang ground floor kung saan naghihintay na ang aking assistant sa sasakyan.
"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko pagpasok ko ng sasakyan.
"Yes sir,gaya po ng utos ninyo nakapagwithdraw na po ako" sagot niya.
"Good.!!. tayo na.!." utos ko sa kanya sabay abot ng address.