Star of the Night

573 Words
Isang linggo ang matuling lumipas,wala akong ginawa kundi ang kumain,matulog at ikutin ang buong silid.Nakababagot pero kahit anong pilit kong pakiusap na palabasin ako kahit papaano ay hindi sila pumayag maliban ngayong araw kung saan maaga pa lang ay sinundo na ako at hindi ko alam kung saan kami patutungo.Huminto kami sa isang silid,binuksan at itinulak ako papasok ng taong nagdala sa akin. "Ano ba!...bakit...." tanging nasambit ko. "Oh?!?..Look whose here.,the star of the night,good luck sa performance mo mamaya ha" saad ng isang mestisang babae na naputol sa pagmamake-up nong akoy pumasok. "Tama girl,galingan mo mamaya at ng makahakot tayo ng mas marami-raming investors" dagdag ng isang morena  na naglalagay ng blush on sa sarili. "Bakit? Ano ba ang dapat kong gagawin?" tanong ko sa kanila. "Wala namang gaanong gagawin kundi ang irampa ang mga sarili natin gamit ang mga nagagandahan at ngseseksihang mga damit na para bang  fashion show rin" sagot ng mestisa. "May iba rin na pinahuhubad ka,gora lang! Sa una lang naman nakakaalangan pero pag sanay kana naku jusko wala ng patumpik-tumpik pa hubad agad ng magkacustomer at magkadatung" bungisngis na saad ng isa sa kanila. "O ano,magmake-up kana at nang tayo ay makapag-rehearse sandali para sa performance natin maya-maya" dugtong ng mestisa. Umupo ako sa bakanteng upuan na may kaharap na salamin.Nagsimula akong buklatin ang mga make-up na nasa harapan ko upang masimulan ng maglagay ng mga ito sa aking mukha.Kukunti lamang ang aking nilagay kaya sandali lamang at tapos na ako di gaya sa kanila na singkakapal.Inantay ko silang matapos upang makapagsimula na kami. Hmmmn!.kailangan kong tibayan ang aking dibdib at sikmura.Kailangan kong galingan upang magkaroon ako ng pagkakataon na makalabas dito.Ayokong tumanda dito kaya lulunukin ko ang anumang kahihinatnan nito.Hindi dito matatapos ang lahat,kailangan kong makaalis sa kahit na anong paraan,kahit kapalit pa non ay ang aking puri.huhuhuhu.gusto kong umiyak sa aking naiisip.Ang nais ko sana'y ihandog lamang ito sa aking mapapangasawa pero mukhang di na mangyayari pa iyon.Ang tanong ngayon ay kung may maniniwala at tutulong sa akin?Dito na ba talaga kaya ang aking palad? "Huuyyy!.ba't nakatulala ka diyan? Kanina kapa namin tinatawag ah!" pukaw ng morenang babae sa aking pag-iisip "Ah e wa-wala,may iniisip lang ako" sagot ko. "Hay naku!!..wag kana mag-isip ng kung anu-ano at magpokus ka sa rehearsal natin.Lika na sa podiom at ng makapagsimula na tayo" turan niyang anyaya. Kami na lang pala ang naiwan at nagsiuna na ang iilan.Pagdating namin ay nagsisi-rampahan na silang lahat at nagkanya-kanya na ng puwesto at anggulo.Mayroong iniwang puwang sa pinakagitna na kung saan lahat sila ngumuso sa akin na para bang nais nilang ipabatid na doon ako pupwesto.Umakyat ako at inokupa ang pwesto sa gitna at nagsimula na kaming rumampa isa-isa sa saliw ng musika.Tumagal din ng halos tatlong oras ang rehearsal at sabay-sabay kaming nananghalian pagkatapos.Inabisuhan kami na magpahinga hanggang sa nakatakdang oras ng show,beauty rest kumbaga kaya bumalik kami sa kanya-kanya naming silid.Bitbit namin ang mga make-ups,headress at mga iba't ibang damit na aming gagamitin pagsapit ng alas singko ng hapon.Ang maganda rito ay kanya-kanya kami ng silid na kasimbolo rin ng aming mga tattoo. Hinalungkat ko ang mga damit na gagamitin at nagulat ako sa mga ito. "Hindi naman mga damit 'to eh!!!" nasambit ko. Mga underwear lamang ito at wala maski ni isang damit.Rarampa kaming lahat ng naka underwear lamang???? Huh!.kaya ko ba??? "huhuhuhuhu" tuluyan na akong napaiyak sa  sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD