Dagli-dagli akong sumakay sa tricycle at pinaharurot pauwi sa inuupahan naming bahay.Palinga-linga at madalas kung tingnan ang rearview mirror at baka may nakakilala sa akin at nakabuntot.
Oh?!! Anna...Anna ano ba itong nagawa mo,kaya pala kinilabutan ako nong magpapaalam ka eto pala ang mangyayari.
Dagli-dagli kong tinakbo ang bahay namin na halos magkandapa-dapa na ako sa sobrang pagmamadali.
"Si-si Anna...?" bungad kong sabi sa aking asawa.
"Anong si Anna? Ano bang nangyari ha at nagmamadali ka?" tanong ni Sonya.
"Ang kapatid ko,pa-patay na! si-si Anna patay na" sagot ko.
"Papanong? Di bat kakapunta lang dito kagabi at iniwan sa'tin tong bata?" wika niya.
"Ibinalita sa telebisyon kani-kanina lang,malaking gulo ang pinasok niya at sangkot ang batang ito" saad ko sabay turo sa batang karga niya.
"Sabi ko na nga ba eh!" litanya niya.
"Ang sabi sa balita'y kinidnap niya ang anak ng kanyang amo at ngayon nga ay pinaghahanap na ang batang 'to" turo ko sa sanggol na hawak niya.
"Ang mabuti pa'y isauli na natin itong bata at baka sakaling bigyan tayo ng pabuya ng mga magulang nito" suhestiyon niya.
"Buti sana kung ganoon,eh pano kung akalaing kasabwat tayo tiyak na makukulong tayo" saad ko.
"Aba't,! bakit tayo madadamay e wala naman tayong kinalaman doon ah! sabihin natin na iniwan sa atin ' tong bata" wika niya.
"Wala nga pero pag nalaman nilang kapatid ko si Anna baka paghinalaan tayo at idamay" saad ko.
"Ano bang gagawin natin?" dagdag ko.
"Aba! malay ko problema niyong magkapatid 'to labas ako dito" saad niya sabay abot ng sanggol sa akin at tumalilis.
"Huh!!!!.kahit kelan talaga ang babaeng 'to e laging inuuna ang sariling kapakanan lamang" sambot ko sa aking sarili.
"Ano bang gagawin ko sa 'yong bata ka ha?" kausap ko sa sanggol na karga-karga ko.
Nginitian lamang ako ng inosenteng sanggol na para bang gustong sabihin na gawin ko ang dapat.Gagawin ko nga ba.?
Ilang oras ang lumipas at napagdesisyunan kong isauli ang bata sa kanyang mga magulang.Inayos ko ang mga gamit at binalot ko siya ng mabuti para walang sinuman ang makahalata at makiusyoso habang kami ay nasa daan.
Habang naglalakad ako sa pasilyo ng police headquarters e dinig na dinig ko ang mga usap-usapan ng mga nakatambay na kapulisan kaya minabuti kong hinaan ang aking paglalakad ng makasagap na din ng balita.
"Alam mo pards,tiyak kong iniwan nong babae yong bata sa kasabwat niya para di siya mahirapang tumakas na dala-dala yong sanggol" saad nong pulis na medyo tabain.
"Tingin ko nga rin tol eh! Pero malas lang niya kasi may nakapatong na halaga sa ulo niya at yon ang nagtulak sa nobyo niya para isuplong siya kaya hayun timbog!" saad ng isa pang pulis.
"Ang loko,! ipinagkanulo ang nobya kaya yon pareho silang patay!,...halata namang magkasabwat sila eh,akala ba nila maloloko nila tayo sa mga drama nila?" turan nong isa pang pulis na may kaliitan sa kanilang tatlo.
Natigil ang paglalakad ko sa mga narinig at dahil doon ay..,
"Naku po,!.sorry ho bigla ho kasi kayong tumigil pasensiya po manong" hinging paumanhin ng babaeng pulis na di ko namalayang nakasunod sa akin.
"Pasensiya kana rin ma'am" saad ko sabay talikod at mabibilis ang mga hakbang pabalik sa nakaparada kong tricycle.
Buo ang desisyon ko ng paandarin ang motorsiklo,kukupkupin ko ang bata at tuluyang umalis at magpakalayu-layo sa lugar na ito.
"Mag-impake ka at aalis tayo ngayon din !" bungad kong utos kay Sonya na aking nadatnan pag-uwi.
"Saan tayo pupunta? Bakit pabigla-bigla ka naman?" tanong niya.
''Bilisan mo kung sasama ka o kung hindi naman e maiwan ka't kami'y aalis ng bata" turan ko sa kanya sabay sukbit ng bag at tumalikod paalis nang...
"Sandali,!!!..sasama ako" pigil niya sa amin.
Ibinalik ko ang tricycle at nagpahatid sa terminal ng bus papuntang norte kung saan kami isinilang na magkapatid.
Doon muna kami habang mainit pa ang balitang ito,babalik lamang kami ng dito pag limot na ng lahat.
"Huuuh!!!!.hindi na namin matandaan ng nanay mo kung saan at anong kalye yon,kaya wag kana mag-usisa pa at wala ka rin namang mapapala pa roon" sagot ko sa kanya sabay patay ng telepono.
"Patawad Samantha pero hindi mo pwedeng malaman ang totoo.Gaya ng kapatid ko,isasama ko rin sa hukay ang katotohanang iyon" wika ko sa aking sarili nang maalala ang nakalipas.