Flashback.!!.(pagdating)

777 Words
Isang gabi,pauwi kaming mag asawa noon na lasing at panalo sa sugal ng madatnan namin sa bahay ang kapatid kong babae na may kalong-kalong na sanggol.Matagal na akong walang balita sa kapatid kong ito kaya diko alam bakit bigla na lamang susulpot at may bitbit pang sanggol. "Anong meron? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Saan ka ba ngpupunta babae ka? Antagal ka namin hinanap pero hindi ka namin makita" sunud-sunod kong tanong sa kanya. "Iiwan ko sa inyo ang anak ko kuya,kayo na ang bahalang mag alaga sa kanya" saad niyang ni hindi man lang sinagot ang mga tanong ko. "Bakit saan ka pupunta?Bakit hindi ikaw mismo ang mag alaga sa bata?" usisa ko sa kanya. "Wag na maraming tanong kuya, ito kunin muna ang bata at kumpleto na ng gamit iyan" sabay abot sa bata pati ang bag nito. "Bakit mo kasi iiwan,saan ba ang ama nito?Ano ba talaga ang nangyari ha?" pagpupumilit kong tanong sa kanya. "Ang walang hiyang 'yon,iba ang pinili at pinakasalan sa kabila ng lahat nang ginawa ko sa kanya" sambulat niyang gigil na gigil. "Ano!?.hindi ka pinanagutan ng ama ng batang 'to?" tanong ko sa kanya. "Hayaan muna kuya basta sa inyo na iyang bata at eto kaunting pera para panggastos ninyo" saad niyang sabay abot sa sobre na nong aking tingnan ay medyo marami-rami ring lilibuhin. "Aalis na ako kuya,paalam.At kung ....." saad niyang napabuntung-hininga. "At kung ano? Ano bang gulo itong pinasok mong babae ka? Bakit parang kinikilabutan ako sa tono ng pagpapaalam mo ha?" dugtong ko sa kanya nong mapatigil siya. "Wala..,basta hindi tayo magkapatid o mas tamang sabihin hindi tayo magkakilala ng sa gayon ay walang problema,alis na 'ko" sabi niya sabay talikod at sumakay ng nakaparadang tricycle. Napatingin ako sa sanggol at doon ko napagtanto ang kasinungalingan ng kapatid ko,sapagkat kahit mumunting repleksiyon niya'y hindi ko makita sa sanggol.Magkalayung-magkalayo ang itsura nilang dalawa.Kaninong bata kaya ito at ano ang problemang pinasok ng kapatid ko. "Hindi pa ba tayo papasok" tanong ng asawa kong si Sonya na di ko namalayang nakatulog na sa pagkakasandal sa pinto sa sobrang kalasingan. Binuksan ko ang pinto gamit ang aking isang kamay at dumiritso agad ako sa kwarto upang ilapag ang bata at makapagpahinga. Binalikan ko si Sonya na kung saan nakabulagta na sa mahabang upuan sa sala kaya hinayaan ko na lamang at ngtungo ako pabalik sa kwarto. Napagdesisyunan kong kupkupin ang bata tutal nag-iwan naman ng malaki-laking halaga ang kapatid ko,sayang din ang pera kung tanggihan ko.Paniguradong mabibigla si Sonya sayo'ng bata ka,kausap ko sa sanggol na para bang nakakaintindi ang sanggol sa anumang sasabihin ko.At nakatulog akong katabi ang sanggol. "Hayop kang lalaki ka,kaninong anak 'yan? sa kabit mo ba ha?" pagsisigaw ng asawa ko kinaumagahan. "Ano'ng anak ng kabit ba 'yang pinagsasabi mo? Yan yong batang dala ng kapatid ko kagabi,..e paano mo maalala eh nakatulog ka na sa sobrang kalasingan" sagot ko. "Si Anna nagpunta rito?Bakit sa atin iniwan 'tong bata?Kanino ba 'to at saan niya napulot?" sunud-sunod niyang tanong. "Ang sabi'y anak niya raw,ewan ko ba doon" sagot ko. "Anong anak eh ang layo,di naman kamukha at saka kay gandang bata nito eh" saad niyang kinalong at pinagmasdan. Kayputing bata,mapupungay na mata, may mahahabang pilik at labing kay pula. "Kanino kaya ito ? Hindi ba sinabi ng kapatid mo?" dagdag niyang tanong. "Hindi eh.!.Kinabahan nga ako nong magpaalam at magbilin na hindi daw kami magkakilala,ewan ko ba sa babaeng 'yon.!" tugon ko. "Naku!.baka madamay tayo sa kagagahang pinaggagawa ng kapatid mo" turan niya. "Hindi naman siguro tsaka nag-iwan ng malaki-laking pera,sayang naman kung tanggihan ko kaya tinanggap ko kasama pati yang bata ng may maalagaan ka't pagkaabalahan" saad ko. "Aba't bastat may pera gora ako diyan" dagli niyang saad. "O,pano bahala kana sa bata at ako'y maghahanda na't lalarga" suhestiyon ko. "Ako ng bahala dito at mag almusal ka muna bago umalis" saad niya. Umi-ekstra ako sa pagpasada ng tricycle sa kumpare ko tatlong araw sa isang linggo para kahit papaano may pang gastos naman kami.Toka ko ngayong araw kaya heto nanonood ako ng telebisyon habang nag-aantay nang biglang ang ibinalita ay...... "Nabaril at napatay ang isang babae kasama ang hinihinalang nobyo nito habang papatakas sa mga nakahabulang pulis dahil umano sa pangingidnap ng anak ng kanyang mga amo.Napag-alamang si Marites,hindi niya tunay na pangalan e ninakaw sa hindi malamang dahilan ang sanggol at ngayon nga ay hinahanap na ito.Sa kung sino man ang may nalalaman sa kinaroroonan ng sanggol at nakakakilala sa babaeng ito ay maaari lamang na dumulog sa mga kinauukulan o di kaya'y tumawag sa mga numerong makikita sa inyong screen,maraming salamat po" pagbabalita ng pang-umagang host sa telebisyon. "Si si A-anna......."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD