Dinala ako sa isang silid na ginawang opisina sa ayos ng mga kagamitan.Nakaupo sa isang high chair ang isang matandang lalaki na sa wari ko ay mahigit seisenta na ang edad,puno ng alahas ang katawan,nakasuot ng itim na salamin at sumbrero.Kamukha niya ang mga sindikato at Yakuza na napapanood sa telebisyon na kung saan may tabako pang hinihitit,di naman nakasindi.Hindi ko maaninag ng lubusan ang kanyang mukha sapagkat halos takpan na ng malaking salamin ang mga ito.Ang tanging mapapansin mo lamang ay ang pilat sa kaliwang bahagi ng kanyang pisngi na nagbibigay impresyong DORM o mas kilala sa tawag na dirty old rich man.
"Alam mo na siguro kung bakit ka naririto?" pasimula niyang tanong.
"Wala akong utang sa inyo,bakit po ako ang ipinambabayad?" sagot ko.
"Ang utang ay utang,!.Kailangang bayaran sa kahit na anong paraan lalo na't napakalaking halaga niyon" litanya niya.
"Isa pa,yon ang gusto ng tatay tatayan mong hilaw, nang makabayad ka man lang daw sa pagpapalaki nila sayo" dugtong pa niya.
"Magbabayad po ako pero hindi sa ganitong paraan,pakawalan po ninyo ako parang awa niyo na po " pagsusumamo ko sa kanya.
"Pasensiya na iha pero tapos na ang palugit na ibinigay ko sa tatay mo kaya nga dinampot kana namin eh!" saad niya.
"Ang mabuti pay makiayon kana lang total wala ka ring choice,!.....Pag tatakas ka naman,aba!.hukay ang nag-aabang sayo" tatawa tawa niyang litanya.
"Papalayain po ba ninyo ako pag tapos ko ng bayaran ang lahat ng utang ng tatay ko?" pagbabasakali kong tanong.
"Laya!?.,walang halaga ang salitang yan dito iha,it's either makiayon ka or ililibing ka namin.ha ha ha ha ha ha,laya kana non.!" pananakot niyang utal.
Tuluyan na akong napaiyak sa kinasadlakan kong sitwasyon.Mula pagkabata puro pasakit ang tinatamasa ko sa kinalakihan kong mga magulang pero ito,...kalabisan na ang ipambayad ako.Ayoko na,.....gusto ko ng mamatay.
"Patayin niyo na lang ako..,." iyak kong sabi.
"Bakit naman kita papatayin eh kung pwede naman kitang pagkakitaan?" putol niyang sabi.
"Kaya maghanda ka dahil sa susunod na linggo tiyak,! maraming mahuhumaling at mag -aagawan sayo sa itsura mong yan" dagdag niyang wika.
"B-a -a -k-i-i-t? ,ano pong bi-na-ba-lak ninyo?" nauutal kong sambit.
"Ikaw ang magiging star of the night sa gabing yon.Wag na wag kang mag-inarte at sumabay ka na lang dahil ito na ang bago mong buhay at tahanan" sabi niya sabay tawang mala demonyo.
"Wag ka mag alala iha kapalit naman non ay magbubuhay prinsesa ka dito sa aking kweba,maging mabait ka lamang at wala tayong problema" dugtong niyang wika.
"O,kayo.!.alagaan at pakainin niyo ng maayos ito at ng mas maging kaakit-akit pa lalo pagdating ng mga bisita ko" ngisi niyang utos sa kanyang mga tauhan.
"Areglado boss,!." sambit ng isa sa mga tauhan niya.At iginiya na ako papunta sa pinto.Pumihit ako sabay tanong "sandali.!!,.gusto kong makausap ang tatay,pwede ba?"
"Hmmmnn?"...nag iisip niyang turan.
"Pakiusap kahit sandali lang may sasabihin lang ako sa kanya" pagmamakaawa ko sa matanda.
"Sige,pahiramin niyo ng telepono yan at ng makausap niya ang mahal niyang tatay" panunuya niyang tugon.
Dinala nila ako sa magiging silid ko,kasunod ang ilang tauhan na may bitbit na pagkain,damit at ilang personal hygiene na kakailanganin ko.Binigay ng isang tauhan ang kanyang telepono saakin upang gamitin na pantawag.Kinig ang mga kamay na tinanggap at idinayal ko ang numero ng....
"Hello,sino 'to?" asik niyang tanong.
"T-a-y.???." hikbi kong sagot.
"Sa- Samantha?!!" gulat niyang sambit.
"Bakit po itay,b-a-k-i-t?" tuluyan na akong napahagulgol.
"Patawad,wala na akong choice,sinisingil na ako at...... isipin mo nalang bayad kana sa pagpapalaki namin sayo" saad niya.
"Ni minsan ba hindi niyo ako itinuring na anak?.Hindi po ba ninyo ako minahal man lang,tay?" naiiyak kong sabi.
"Paano ka namin mamahalin eh hindi ka naman namin kadugo,tsaka.... napulot ka lang namin ng nanay mo sa daan" sambulat niya.
"Sa- saan tay?.Saan niyo ako banda napulot ng nanay?" urirat ko sa tatay.
"Sa....sa may.........