"Aaahhhh!! " Nagising ako sa sakit at hapdi na aking naramdaman sa aking palapulsuhan.Nakita ko ang isang mataba at puno ng tattoo na lalaking may iniuukit sa akin.
"Anong ginagawa mo,ha?" tanong ko.
"Huh!? hindi mo alam to? pagtataka niyang tanong."Bago mong identity tsaka passage mo dito" dagdag niya sabay mwestra sa paligid.
"Anong passage tsaka anong bagong identity ba yang pinagsasabi mo?" nagugulumihan kong tanong.
"Ang drama mo naman girl o-oh,itong tattoo'ng to sa pulso mo ang patunay na kasapi at pagmamay-ari ka ng kweba na ito" sabi niya sabay ipinakita sa akin ang tattoo'ng SC143 na inardunuhan ng isang pulang rosas para magmukhang pulseras sa kamay.
"Kweba,?..pagmamay-ari,?... nino,?" pautal utal kong tanong.
"Kweba,!.SEX CAVE,kweba ng mga Evah na magbibigay aliw kay Adhan"sagot niya pasosyal."Ano to!,.wala kang alam sa pinasok mo"? urirat niya ng mapansing tahimik lamang ako."Teka,.. teka, wag mong sabihin isa ka ring KV?" dagdag pa niya
"KV?" tulirong tanong ko.
"KV,.!.short for kidnap victim,duh" paglalahad niya kasabay ng paglalahad niya sa tunay niyang katauhan,isang gay tattoo artist.
"Tulungan mo a..."sambit ko.
"Hindi kita matutulungan,walang nakalalabas dito ng buhay" putol niya sa anumang sasabihin ko."Maraming bantay at saka nasa liblib na lugar tayo at worst we're hundred feet below the ground,so nagpaplano ka pa lang inililibing kana" dagdag niyang may kasamang pananakot.
Hindi ko alam kung totoo lahat ng sinabi niya pero magaan ang loob ko sa kanya,siguro kasi itsura pa lang niya kakatwa na.Kaya naikwento ko sa kanya na KV nga ako at kailangan ko ng tulong.Gusto kong tumakas at tapusin ang pag aaral ko.Ayoko rito,sa ganitong klase ng buhay kaya nga ako ngsusumikap para makaahon pero sa ganitong lugar pa din ako humantong.
"Pasensiya ka na Sam pero wala pang nakatakas ng buhay dito,lahat ng nagtangka ay puro bangkay na" pagbibigay impormasyon niya.
"Paanong ga-ga-win ko?" naiiyak kong turan.
"Ssshhh..." pagtatahan niya sabay hagod sa aking likod " bakit di mo nalang tanggapin ang lahat ng ito,at kapag nagkaroon ka ng pagkakataong makalabas ay doon mo subukang humingi ng tulong at tumakas" suhestiyon niya.
"Me nakakalabas dito,paano?" taka kong sambit.
"Iilan lamang pero yaong mga beterano na rito at wala ng intensiyong kumawala pa" usal niya."Taun-taon ngdadaos ng espesyal na party si boss para sa mga investors niya at para na rin mabighani ang iba na gusto pang mag-invest" dagdag pa niya.
"Hindi kita maintindihan" saad ko.
"Sa susunod na linggo,....doon.!.iyon ang pagkakataon para sa iyong balak" sabi niyang halos pabulong sapagkat may kumakatok sa pinto.
"O,ano? tapos na ba yan? bat ang tagal naman niyan,ha?" pambabaladra ng taong nasa pinto.
Binuksan niya ang pinto at "Ang sungit mo naman fafang" sabay yakap at tsantsing sa lalaki."Nagkukwentuhan lang naman ng kami eh.! o siya halika na at sinusundo kana " muwestra niya sa akin.
"Goodluck and baboosh girl..!.tandaan mong sabi ko" pabulong niyang pagtataboy na may kasamang kindat.
"Ano yon ha? anong sabi niya sa iyo,babae?" asik na tanong ng lalaki na nakarinig pala.
"Wala,!!.girls talk.!" dagli kong tugon upang di makahalata.