Episode 1: Unknown
“Beep…beep…” isang malakas na busina ng sasakyan ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakatulog.
Kinapa ko ang aking cellphone mula sa aking higaan at tinignan mula rito ang oras. Napabangon ako nang mabilis ng makitang ilang minuto na lang ay magsisimula na ang pang-umagang klase ko.
“Beep…beep…” ulit ng businang familiar na sa akin. I stood up and looked out the window where the loud sound was coming from.
“Don’t tell me, kagigising mo lang?” that’s Ali, one of my very close friends. In other word, Ali is my best friend.
“Don’t tell me, hindi ka naturuan ng tamang pagbati?” birong tanong ko naman sa kanya.
His eyebrows met each other, naguguluhan sa mga sinabi ko.
“Good morning, Ali.” maligayang bati ko sa kanya. “Good morning, Zab.” bati ko naman sa kanyang pinakamamahal na sasakyan.
He smiled. Binalingan niya ang kanyang motorsiklo at pinunasan ito na para bang mas masaya pa siyang binati ko si Zab kaysa sa binati ko siya.
“Gano’n ang tamang pagbati. Ginagamit natin ang salitang Good Morning sa pagbati tuwing umaga.” nakakalukong pagtuturo ko sa kanya. “Pwede rin namang Magandang Umaga kung gusto mo. It is up to you which one do you prefer to used.” dagdag ko.
He gave me a sarcastic smile. He frowned and said, “Faster. We’re getting late.”
“Don’t tell me, hindi ka rin naturuan kung paano bumati nang pabalik?” tanong ko ulit nang may nakakalukong ngiti.
“Kapag may bumati sayo ng Good Morning o Magandang Umaga, dapat mo ring ibalik ang bati sa kanila.” sunod kong turo sa kanya.
I was amused on how his expressions change every time I spoke.
He took a deep breath before exhaling it as if he was calming himself. He repeated it again but the redness on his face could not escape from the annoyance.
His expression could not stop me from smiling.
“Quuuuiiiiimmmm…” sigaw niyang may pagbabanta.
Imbis na matakot ako ay naging dahilan pa ito para humagalpak ako ng tawa.
“Sorry” sabi ko nang natatawa pa rin. “I’m coming.”
Nagmadali akong pumunta sa CR para maghilamos at magsipilyo ng ngipin. Mabuti na lang at naligo ako kagabi bago natulog kaya ayos lang na hindi ako maligo ngayon. Idadaan ko na lang ito sa pabango.
The smile never left my lips as I did my routines. Lalong-lalo na kapag naaalala ko ang pang-aasar ko sa kanya kanina. Kahit na alam kong isa lang itong simpleng biruan ng magkaibagan ay malaking bagay na para sa akin.
“I will treasure it for the rest of my life.” mahinang bulalas ko habang nagbibihis ng aking uniporme sa harap ng salamin.
I know that there is something wrong with me.
I don’t know what exactly it is.
I don’t even know where it started.
And I don’t want an answer for this.
Nakakatakot
Natatakot ako sa magiging epekto nito sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin.
May maganda ba itong epekto?
Or it will only give disappointment?
Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang tawag. Kinuha ko ito at nakita ang pangalan ni Ali. Ngumiti ako bago ito sinagot.
“Hello…” bati ko na agad niyang pinutol.
“I’LL GIVE YOU TEN SECONDS TO GET DOWN HERE. AND IF YOU’RE NOT HERE YET, I’LL LEAVE YOU.” may diing sabi niya.
“Sabi ko nga, bababa na ako.” sagot kong hindi ko alam kung umabot ba sa tainga niya dahil pinutol agad nito ang linya.
Kinuha ko agad ang sapatos at bag ko, at binitbit ito palabas ng aking kwarto.
Pagkababa ko ay nakita ko sa aming sala si papa na natutulog sa may sopa. Hindi ko na siya ginising at baka mas lalo pa kaming mahuli sa klase. Dumiretso na ako sa labas ng aming bahay kung saan naghihintay ang kanina pang inip na inip na si Ali.
“Kung hindi lang kita matalik na kaibigan, malamang kanina pa kita iniwan.” bungad niyang sabi habang inaabot sa akin ang isa pang helmet na dala niya.
Nginitian ko siya. “You’re welcome.” pabirong pasasalamat ko sa kanya.
Binatukan niya ako bago siya bumaling sa kanyang motorsiklo upang buhayin ito.
Sinusuot ko pa lang ang helmet na inabot niya sa akin ng walang anu-ano ay pinaharurot niya ang kanyang sasakyan ng hindi pa ako nakakasampa rito.
“Allliiiii… sandali…” sigaw ko sa kanya.
He stopped five meters away from where I was standing.
Lumingon siya sa kanyang likuran na walang sakay bago binaling ang tingin kung saan ako nakatayo.
“Quim, anong ginagawa mo diyan? Why are you still standing there?” nakakalukong tanong niya bago humagalpak ng tawa.
I gave him a deadly look, pero imbis na matakot ay mas lalo lang siyang natawa.
“Bilisan mo at mali-late na talaga tayo kapag hindi ka pa magsimulang maglakad diyan.” paalala niyang may multo pa rin ng ngiti sa kanyang labi.
I frowned at what he did. I glared at him as I walked fast towards him.
Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko siyang binigyan ng isang malakas na batok sa kanyang ulo.
“Aww!!” daing niya.
Umamba pa ako ng isa pang batok sa kanya pero mabilis itong nakailag.
“Bakit ako ang binabatukan mo?” tanong niya.
“Ah, sige, sabihin mo sa akin ngayon kung sino ang dapat kong batukan.” pakikisakay ko sa kanyang laro.
“Si Zab.” sabi niya sabay turo sa kanyang walang kamalay-malay na sasakyan.
“Siya ang may plano no’n.” pagpapatuloy niya. “Hindi ka raw kasi naligo kaya ayaw ka niyang pasakayin sa kanyang likuran. Kilala mo naman na si Zab diba? Ayaw niya sa mga maruruming tao dahil baka dumikit ang mga germs sa kanya.” natatawang paliwanag niya.
My eyebrows rise from what he said. Hindi ko inaakalang kaya niyang traydorin ang kanyang pinakamamahal na sasakyan.
I smiled maliciously. I raised my hand with my fingers closed to beat his beloved motorcycle.
“Teka. Wala namang ganyanan.” pagpipigil niyang sabi.
“Bakit?" tanong kong may nakakalukong ngiti. “Hindi ba’t sinabi mo na si Zab ang may pakana no'n?"
“Ito naman, hindi na mabi…..” sabi niyang naputol dahil ang kamay kong kanina pa nakataas ay dumapo sa kanyang ulong may suot na helmet.
“Faster, we’re getting late.” pagtutulad ko sa sinabi niya kanina ng mapansin kong gagantihan niya ako.
“Mamaya ka lang sa akin, Quim. Hindi pa ako tapos sayo.” pagbabanta niya habang binubuhay nito ang kanyang motorsiklo.
“Gano’n ba. Nakakatakot naman.” pagbibiro ko sa kanya.
Napangiti ako ng hindi na siya nagsalita. Kumapit ako sa kanyang balikat ng matulin niyang pinaharurot ang kanyang motorsiklo.
Nakahanap agad si Ali ng pwedeng pagparkingan pagkarating namin sa aming paaralan. Agad akong bumaba, tinanggal ang helmet na suot ko bago binigay sa kanya.
“Bye, mauuna na ako sayo.” pagpapaalam ko sa kanya bago tumakbo sa direksyon kung saan ang aming classroom.
“Wala man lang bang ‘Thank You’ diyan?” pahabol niyang tanong.
Lumingon ako sa kung saan ko siya iniwan, “You’re Welcome.” nakakalukong sagot ko.
Ngumiti ako bago ko siya tinalikuran. Pinagpatuloy ko ang aking pagtakbo hanggang sa makarating ako sa aming silid-aralan. Mabuti na lang at pagkaupo ko ay siya namang pagdating ng aming guro.
Ali and I are both in Senior High but we had different strands taken. I took Accountancy, Business and Management (ABM), while Ali took Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM).
Magsisimula na ang aming guro sa discussion ng naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone dahil sa isang text.
"Care to accompany me?"
"Why? Where are you?" I replied.
"I'm late because of you. My teacher doesn't let me in." reply niya.
Lumapad ang ngiti ko dahil sa kanyang sagot. I replied him with a funny emoji before I return my cellphone to my pocket.