Episode 4: Waiting

1657 Words
“Quim, are you okay?“ tanong ni William na isa sa mga kaklase at kaibigan ko. Tumango ako bago nagsalita, “I’m fine.” nakangiting sagot ko. “Are you sure? Namumutla ka.” sabi naman ni Alex na kaklase at kaibigan ko rin. I just nodded in response, pero hindi ako nilubayan ng kanilang mapanuring mga mata na parang hindi sila naniniwala sa sagot ko. I smiled widely to assured them that I’m fine. Sa totoo lang ay mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko kaninang umaga. Pinilit kong bumangon kahit na sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Naligo naman ako kaagad pagkarating ko sa bahay kagabi, pero dahil na rin siguro sa pagod, natuyaan ng pawis, at naulanan kaya ganito ang pakiramdam ko ngayon. Pagkabangon ko ay tinungo ng aking mga paa ang bintana kung saan matatanaw mula rito ang aming gate. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot nang makitang walang Ali na naghihintay sa akin sa labas. Wala akong nakita ni anino ng kanyang sasakyan. Umalis ako sa kinatatayuan ko at nagtungo na lang sa mesa kung saan nakapatong ang aking cellphone. Kinuha ko ito at binuksan ang messenger para tignan kung may reply ba siya. I messaged him last night. ‘Where are you?’ message sent. ‘Nakauwi ka na?’ message sent. Ilang minuto akong naghintay ng reply niya pero walang dumating hanggang ngayon. Ang nakakainis pa ay nakita kong nabasa niya ito. Naiinis kong binaba ang aking cellphone at nagtungo na lang sa CR para gawin ang aking mga routines bago pumasok sa paaralan. Uminom na lang ako ng gamot at pinilit ang sariling pumasok dahil na rin sa marami pa akong kailangang gawin at tapusin. “Hindi pa ba kayo nagugutom?” tanong ni William. Nandito kaming tatlo ngayon sa library. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay kaming tatlo ang magkakagrupo sa isang report. Napagdesisyonan naming pumunta na lang dito tutal ay wala naman ‘yong guro namin sa isang subject. “Let’s go. Let’s eat first. It’s already lunch time.” tugon naman ni Alex pagkatingin niya sa kanyang relo. Hindi ako nagsalita bagkus ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng librong hawak ko. Napatigil ako sa aking ginagawa nang walang anu-ano ay sinara ni Alex ang librong binabasa ko. Kinuha niya ito at nilagay sa bag ko. Pagkatapos niyang mailagay ay kinuha naman nito ang aking bag. “Let’s go.” sabi niya saka naunang naglakad bitbit ang aking bag. Tinapik ni William ang aking balikat bago sumunod kay Alex. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang din sa kanila. Nakarating kami sa food court na paboritong kainan ni Ali. “Quim…” Sabay-sabay kaming tatlo na bumaling sa pinagmulan ng boses. Si Sam pala ang tumawag sa akin. Sinenyasan niya akong lumapit sa table nila. Nginitian ko siya at tumango saka bamaling sa dalawang kasama ko. “Puntahan ko lang sila saglit.” paalam ko sa kanila na tinanguan naman nila. “Go ahead. We will order your food.” William said. “Thank you.” nakangiting sabi ko bago ko sila tinalikuran. “Quim… You’re here.” sabi ni Adam pagkalapit ko sa kanila. “Wala bang pagkain ngayon sa library kung kaya’t napadpad ka ngayon dito para kumain?” pabirong tanong ni James. Napangiti ako sa tanong niya. “Mayroon naman, kaya lang mahaba ang pila.” pakikisakay ko sa biro niya. Tumawa siya. “Mabuti ka pa at marunong kang sumakay sa biro ko.” sabi nito. “Hindi tulad ng isa diyan..” dagdag niya sabay sulyap sa seryosong si Ali. Bumaling ako kay Ali na seryosong kumakain. Wala akong nakitang bakas ng ngiti sa kanyang labi at mga mata. He acted like I wasn’t here. “Quim…” tawag ni William. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sila ni Alex dito sa kinaruruunan ko. “Here’s your food.” sabi ni Alex sabay abot ng pagkaing para sa akin. “Salamat” nakangiting sabi ko. I turned to Ali’s friends to say goodbye but Ali’s hawk-like eyes greeted me. Pero hindi ko alam kung tama ba iyong nakita ko o guni-guni ko lang dahil iniwas niya agad ang kanyang tingin nang tumama ito sa akin. Iniwas ko na lang din ang tingin ko sa kanya at binaling na lang ito sa mga kasama niya. “Maiwan na muna namin kayo dito, ha. Kakain lang kami doon sa kabilang table.” paalam ko sa kanila. “Okay. Eat well.” tugon ni Sam. Pero bago pa man kami makaalis ay nauna nang umalis si Ali ng walang paalam. Nagkatinginan ang kanyang mga kaibigan dahil sa pagtataka. “Anong nangyari do’n?” tanong ni Sam na ipinagkibit-balikat naman ng kanyang mga kaibigan. Napabaling naman ang attention ko sa taong tumatapik sa aking balikat. “Let’s go.” sabi ni Alex pagkalingon ko sa kanya. Tumango ako bago nagpaalam ng tuluyan sa mga kaibigan ni Ali. Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilan ang paglipad ng aking isip, habang ang dalawang kasama ko naman ay masayang nagkukwentuhan. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-assume dahil sa mga pinapakitang kilos ni Ali. “Quim…” Alex called while snapping his fingers in front of me. “ha!!!” mahinang bulalas ko. “Are you here with us?” tanong ni William. “You’re not listening.” dagdag nito. “Sorry.” nakangiting sabi ko. William sighed and shook his head. “I’ll asking if you are free this Saturday.” sabi ni Alex. “I’m sorry, pero may trabaho ako nang sabado.” sagot ko. “Why?” balik kong tanong sa kanila. Kahit sabado ay may trabaho ako. Doon lang din sa coffee shop pinapasukan ko pero ang duty ko nang gano’ng araw ay magsisimula ng alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon. “Kung gusto niyo at kung okey lang sa inyong dalawa, pwede nating gawin ang report sa bahay ngayong sabado.” mungkahi ni Alex. Nagkatinginan kami ni William. “What time does your duty end that day?” he asked. “Five o’clock.” maikling sagot ko. “Then, why don’t we just do it at night? Over night?" William suggested. “Okey lang ba, Alex?” baling niyang tanong kay Alex. He nodded in response. “Si Quim ang tanungin mo niyan kung okey lang sa kanya.” Pagkasabi niya no’n ay sabay silang dalawa na bumaling sa akin. They looked at me as they waiting for my answer. Nag-aalinlangan pa ako noong una pero umoo din lang ako dahil para naman ito sa report namin. Nahihiya kasi akong pumunta sa bahay nila dahil alam ko kung gaano kalayo ang agwat ng buhay ko sa buhay nila Alex at William. “Okay class, dismiss.” paalam ng aming guro. It is already four-thirty in the afternoon. At katatapos lang nang last subject namin para sa araw na ito. Niligpit ko muna ang aking mga gamit bago ako nagpaalam kanila Alex at William. “Mauuna na ako sa inyong dalawa.” sabi kong tinanguan naman nila. “Ingat.” pahabol na sabi ni Alex. Ngumiti ako bago ko sila tuluyang talikuran. Nagmadali akong lumabas ng aming school at naghanap agad ng masasakyan papunta sa pinapasukan kong coffee shop. Hindi naman ito gaanong malayo mula sa school kaya nakarating din ako agad. “kamusta? Nakapag-usap na ba kayo ni Ali?” tanong Maia nang nadatnan ko siya sa aming locker room. Umiling ako bilang sagot. “Gaano ba kalaki ang kasalanan mo at bakit hindi ka niya kinakausap?” tanong nito na kibit-balikat ang nakuhang sagot mula sa akin. Hindi na siya nagtanong pa at lumabas na lang kami upang pumunta sa aming designated area. “Are you okay?” tanong ni Noaoh nang napansin niya ang mga butil ng pawis sa aking noo. Ramdam ko ang mga ito at hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ako ng malamig gayung naka-on naman ang air-con ng shop. Tumango na lang ako at ngumiti pero hindi ata ito naniwala. “Magpahinga ka muna saglit kung pagod kana.” mungkahi niya. Umiling ako. “Okey lang ako.” I said to assure him that I’m fine. “At saka marami tayong costumer ngayon kaya hindi kita pwedeng iwan dito nang mag-isa.” dagdag ko. Marami kaming costumer ngayon dahil na rin siguro sa malamig ang panahon dahil sa ulan. Pagod na pagod kaming tatlo pagkatapos ng shift namin ngayong gabi. Walang imikang naganap habang nagliligpit at naglilinis kami ng mga gamit. Pagkatapos namin ayusin at masiguradong ayos na ang lahat ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa. At tulad kahapon ay hinatid ulit ako ni Noaoh sa aming bahay. Hindi naman umuulan nang hinatid niya ako pero ramdam ko pa rin ang lamig ng hanging sumasalubing sa amin. “Thank you, Noaoh.” sabi ko nang nakarating na kami. “Pangalawang beses na ito, ha.” sabi niya. “Sa susunod na ihatid ulit kita, hindi ko na tatanggapin ang thank you mo bilang bayad.” nakangiting dagdag nito. Napangiti ako sa sinabi niya. “Mahal na kaya ang gasolina ngayon.” pahabol niya. Tumawa ako. “Sige at sisimulan ko nang mag-iipon para may maipambayad ako sa mga utang ko sayo.” pagbibiro ko sa kanya. “Good.” he said as he pat my head. “Sige na, pumasok kana. May klase ka pa bukas diba.” sabi nito pagkabitaw niya sa aking ulo. Tumango ako bilang sagot. “Ingat.” sabi ko bago pumasok ng aming bahay. Pagkarating ko ng aking kwarto ay humiga agad ako sa aking kama. Inabot ko ang aking bag at kinuha mula rito ang aking cellphone. Binuksan ko ang messenger na hanggang ngayon ay wala pa ring reply si Ali. ‘Ali..’ message sent. I tried to massage him again. Kahit gusto ko nang magpahinga ay naghintay pa rin ako ng reply niya. Baka sakaling sumagot siya. Pero, nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD