Episode 10: Planned

2600 Words
Nagising ako nang may ngiti sa aking puso at labi. Hindi ko ipagkakailang naging mahimbing ang tulog ko kagabi. I feel secured in his arms. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas-osto na ng umaga. Binaling ko ang aking tingin sa katabi kong si Ali, pero napawi ang ngiti ko nang makitang wala na ito sa tabi ko. “Umuwi na kaya siya?” mahinang tanong ko pero maririnig pa rin naman ito ng taong makakarinig dahil sa sobrang tahimik na paligid. “I’m still here.” sagot na nagpagulat sa akin. I can hear and feel how my heart beat’s loud and fast. Hindi ko alam kung dahil iyon sa gulat ko o may iba pang dahilan. Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses, at doon nakita ko ang taong kanina lang ay hinahanap ko. Mukhang kakalabas niya lang galing bathroom dahil naabutan ko siyang pinupunasan nito ang kanyng basang buhok. Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan na walang saplot habang kapit na kapit naman sa kanyang baywang ang tuwalyang nakapulupot sa kanya. Sumunod ang tingin ko sa kanya nang magsimula itong maglakad papunta sa aking cabinet para kumuha ng damit. Hindi ito ang unang pagkakataon na natulog si Ali dito sa bahay, kaya naman may mga damit na ito dito. He is now wearing a black maong pants and a maroon shirt. Simple lang ang suot niya pero tingkad na tingkad pa rin ang kagwapuhan nito. “Did you slept well?” he asked. “Not so much.” sagot kong nakatingin pa rin sa kanya. Tumingin siya sa akin gamit ang kanyang nagtatanong na mga mata. “Makakatulog ka ba ng maayos kung ang katabi mo ay sobrang lakas kung humilik.” nakangiting sagot ko. “Is that so. Parehas pala tayong hindi nakatulog ng maayos kagabi.” sabi niya. “Why?” I asked. “Makakatulog ka ba ng maayos kung ang katabi mo ay ginawa kang unan.” he answered. “yong pakiramdam na hindi ka na makahinga dahil sa higpit ng yakap niya.” he continued. Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya. Nahiya ako sa sinabi niya. May part kasi doon na tugma sa pagkatao ko, pero hindi ko alam kung ginawa ko ba talaga iyon sa kanya. Ako kasi ‘yong tao na hindi makatulog kung walang unan sa magkabilang gilid ko. I have this kind of behaviour ever since I was a child. Ang unan ang palagi kong katabi sa tuwing natutulog ako. My mother died when she was giving birth of me. Kaya lumaki ako na tatay lang ang mayroon ako, pero hindi ko maramdaman na kasama ko siya. Kaya naman hindi ko naranasan ang matulog na katabi ang mga magulang ko. Ang unan ang naging pamilya ko. They comfort me every time I feel sad and hurt. Sila ang pumupunas sa mga luha ko sa tuwing umiiyak ako. I feel secured when they are in my side. Kaya naman gano’n na lang kaimportante sa akin ang unan. I still remember the first time Ali slept here. I put a pillow between us. Flashback... “Aren’t you comfortable sleeping next to me?” Ali asked. “No.” I replied. “Remove that pillow then.” utos niya sa akin. Dahan-dahan ko naman itong tinggal ayon sa gusto niya. End of flashback... Nagmadali akong pumunta sa bathroom dahil sa kahihiyan. Pagkasarado ko ng pinto ay siya namang paghagalpak nito ng tawa. “I fine with that sleeping behaviour of yours, Quim.” sigaw nito na may halong pang-aasar. Imbes na patulan ko pa siya ay nagsimula na lang akong maligo. Pagkaraan ng ilang minuto ay kumatok ito. “How long do you have to take a shower?” may pagkairitang tanong niya. “Hurry up, will you?” “I’m already done. Stop whining, will you.” kunot-noo kong sabi pagkabukas ko ng pintuan. “Get dress so we can eat our breakfast.” malumanay na sabi pero mababakas pa rin ang pagkairita sa boses niya. “Relax, okay. Ang aga-aga ang init ng ulo mo.” I stated that cause him to frowned. May nangalabit ba sa puyo nito at bigla na lang nagbago ang mood niya. Kanina lang ay nang-aasar pa siya at tumatawa ng malakas. “Bipolar.” I whispered. Pagkatapos kong magbihis ay umupo na rin ako kung saan niya inahin ang almusal naming dalawa. “Did you cooked?” I asked. “How can I cook if your refrigerator is empty?” patanong na sagot niya. . “Is that so.” walang kwentang sabi ko habang nagsasandok ako ng pakain. “Awww.....” daing ko nang walang anu-ano ay binatukan niya ako. “What?” kunot-noong tanong ko habang hinihimas ko ang parte ng ulo kong binatukan niya. “Is that so? Really? Iyan lang ang sasabihin mo pagkatapos mo akong pag-isipin kung nakakakain ka ba ng maayos at tama.” he exclaimed. Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ang kaninang kunot na noo ay napalitan ng ngiti. “Thank you, Ali.” Kahit hindi ko sabihin sa kanya kung bakit ako nagpapasalamat ay alam na niya kung para saan ‘yon. “I care for you, remember that.” he assured while he pat my head. He caress the part where he hit earlier like he was saying sorry. Nginitian ko siya bago tumango. Nginitian naman niya ako pabalik. Nagpatuloy kami sa aming agahan bago kami umalis ng bahay. “Where are we going?” tanong ko nang nasa daan na kami. “Uhmmm... Secret!” maikling sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa mga tanawin na nadadaanan namin. Mahigit isang oras din ang tinagal ng byahe namin,hanggang sa makarating kami dito sa isang beach resort. Hindi maitatago sa aking mukha kung gaano ako namangha sa ganda ng Manhut Beach Resort. Pagpasok mo pa lang makikita mo na kung gaano ito kaganda. The trees, the plants, and the grasses are suit to its landscape. Sa pagkamangha ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami ni Ali sa kanilang front desk. “Good morning, sir! Welcome to Manhut Beach Resort.” maligayang bati ng kanilang napakagandang receptionist. “How can I help you, sir?” tanong niya kay Ali. “I would like to check in, please.” Ali answered. “Do you have a reservation, sir?” sunod na tanong ng receptionist. “Yes, I’ve got my reservation for a double room. May name is Ali.” sagot ni Ali. Bumaling naman sa akin ang babae. “How about you, sir?” tanong nito sa akin. Napabaling ako kay Ali para maghanap ng maisasagot. Hindi pa man ako nakakahap ay nagsalita ito, “He’s with me.” sagot niya. The receptionist looked at me as if asking if Ali’s answer was true. Wala akong ibang naging sagot sa kanya kun’di ngiti. Hindi na siya nagtanong pa at bumaling na lang ito sa desktop na nasa harapan niya. “Let me see. A sea view room with one bed. Is it right?” “That’s right.” Ali said. Bukod sa mga tanong ay may hinanap din na mga dokumento ang kanilang receptionist, kaya inabot din kami ng ilang minuto bago matapos sa pag-check in. “You’re welcome. If you have any request, feel free to call us.” paalala ng receptionist nang sa wakas ay natapos na kami. Ngumiti si Ali sa kanya bago ito bumaling sa akin. “Let’s go.” Nauna sa paglalakad si Ali habang ako naman ay nakasunod sa kanya. Sumakay kami ng elevator dahil nasa second floor ang aming room. Nang nakarating na kami sa aming room ay dumiretso agad ako sa veranda ng aming kwarto. I closed my eyes when the pure and fresh ocean air met my skin. Ang sarap sa pakiramdam na para bang tinaboy nito ang mga negative energy na nakadikit sa akin. Dumilat ako at ang mga mata ko naman ang nagningning sa ganda ng view. The ambiences was so lovely. The sound of the waves crashing to the shore, the sound of the wind in the trees, the rustling of the leaves, and the sound of the birds humming are so relaxing for my ears. “Did you like it?” tanong ni Ali na nagpagulat sa akin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito. I nodded with a wide smile on my face. “Mabuti naman kung gano’n.” nakangiting sabi nito while he pat my head. “What’s wrong with you?” tanong nito nang bigla ko na lang hinawi ang kanyang kamay at tinignan ko ito ng masama. “Why didn’t you tell me right away that we were going here?” tanong ko sa kanya. “Edi sana nagising ako ng maaga para maaga rin tayong nakaalis at nakarating dito.” reklamo ko, dahil pasado alas-dies na nang makarating kami kanina dito. “Paano ko ito mai-enjoy ngayon?” I continued. Hindi siya nagsalita, bagkus ay binalik niya ulit ang kanyang kamay sa aking ulo and he pat it again. “Anong room number nila tito’t tita?” tanong ko nang maalala ko ang pamilya niya. “What are you talking about? They’re not here.” sagot nito na ikinagulat ko. “What do you mean? Today is Sunday, right? I’m sure that coming here is your family activity for today.” nagtatakang sabi ko. “It is, but my dad need to rest because he just came back early this morning from a three-day business trip, that’s why they didn’t plan any activity for today.” mahabang paliwanag niya. Ibig sabihin, kaming dalawa lang ang nandito. Did Ali plan all this? Tatanungin ko sana siya pero baka masaktan lang ako sa magiging sagot niya kaya huwag na lang. Ayaw kong mapalitan ng sakit ang saya na nararamdaman ko ngayon. “Kung tatayo lang gagawin mo, hindi mo talaga mai-enjoy ang pagpunta mo dito.” he commented. Pagkasabi niya no’n ay nauna na akong pumasok sa loob at sumunod naman siya. Dumiretso ito sa travel bag pack na dala niya kanina. May kinuha ito doon at binato sa akin. “Change your clothes with that.” he ordered. Pumasok ako sa CR para magpalit. Paglabas ko ay nakapalit na rin ito. Pareho na kami ngayong nakasuot ng rash guard. “Let’s go outside.” yaya niya sa akin na tinanguan ko naman. Pagkatapak namin sa buhanginan ay nagtungo kaagad kami sa nakahilera na mga jet ski. Kinausap ni Ali ang lalaking staff na naka-assigned dito para sa iilang impormasyon. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay bumaling si Ali sa akin. “Come with me.” he ordered. Sumunod na lang din ako sa kanila ng staff na kausap niya kanina hanggang sa makarating kami sa bahagi ng dagat kung saan hanggang baywang ang lalim ng tubig. “Did you already know how to ride this?” he asked referring to the jet ski. Sumampa muna siya bago nito inalok ang kanyang kamay sa akin. Nakasampa ako ng walang kahirap-hirap dahil sa tulong niya. “Hindi masyado.” sagot ko. “But Alex taught me the basics on how to ride this.” I added. “Then I’ll show you the hard one.” sabi nito na hindi ko masyadong nasundan dahil bigla na lang niyang pinatakbo ang jet ski ng walang sabi-sabi. Napahawak tuloy ako sa kanyang baywang ng wala sa oras. “Ali, you’re so fast. Drive slowly.” I snapped. “Hold on tight, Quim. I don’t want you to fall.” he snapped back. Hindi na ako nagsalita pa dahil parang wala rin namang balak makinig sa akin ang lalaking ito. Mahigit dalawang oras din tinagal namin sa pagsakay ng jet ski. Katulad ni Alex ay tinuruan din ako ni Ali ng mga bagay na alam niya tungkol dito. Kumain muna kami ng tanghalian bago kami nagtapatuloy sa susunod naming activity. Our next activity is Island Hopping. Hindi ko pa ito nasusubukan kaya excited na ako para dito. Sumakay kami ng isang bangka kasama ang iba pang turista na nandito ngayon sa resort na ito. Our Island Hopping experienced last around 5 hours. The tour includes snacks, mineral water, admission fees to the islands, guide, and snorkelling gear. Ali introduces me to snorkelling. Kinakabahan ako noong una, but Ali never left me. Mas nakikinig pa nga ako sa mga tinuturo ni Ali kaysa sa guide na kasama namin. Snorkel with Ali was so good. It was so lovely. Samahan pa ito ng mga isdang lumalangoy, na para bang nakikisaya rin sa aming dalawa. Para sa akin, ito ang pinakamsayang activity sa aming island hopping. Palubong na ang araw nang nakabalik kami sa resort. Ali and I went straight to our room to shower and get dressed. Nasa loob ng bathroom si Ali nang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang tawag. Lumabas ako sa veranda bago ko ito sinagot. “Hello! What are you doing?” it was Alex. “Nothing. I’m just resting.” nakangiting sagot ko. “Then, can you come and join us?” he asked. “Sorry. I can’t.” I answered. “You’re rejecting us now, huh.” “No. That’s not what I mean.” “Who’s that?” napabaling ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses. It was Ali. Hindi ko namalayang tapos na pala itong maligo. Hindi ko siya sinagot. Bumaling ako sa kausap kong nasa kabilang linya. “Sorry, Alex, but I can’t really come this time.” sabi ko. “Fine. But, promise me to come next time.” he demanded. “Okay. I’ll promise.” sabi ko. “I need to go, bye.” I added before I ended the call. Bumalik ako sa loob ng kwarto at naabutan kong nagpupunas ng kanyang buhok si Ali. “That was Alex, right?” tanong niya na tanging tango lang ang nabigay kong sagot. Hindi na siya nagtanong pa, but the awkwardness filled our room. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan ay nagyaya itong bumababa para mag-dinner. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa resort’s ground that transform into a magical place with warm and dreamy lighting. Ali ordered milk tea for both of us. It was so relaxing in here, kahit na wala kaming ginawa ni Ali kun’di ang magkwentuhan. Nothing beats the feeling of having a quality time with the people you love by the sea and jamming to your favorite songs. Pagkalipas ng ilang oras ay nagyaya na itong bumalik sa room namin. We did our own routines before we go to bed. We lie down in bed facing each other, but there is some distance between us. Walang umiimik sa aming dalawa. We stared at each other like we’re observing the movement of one another. Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Ali. “How was our trip for today? Did you enjoyed?” he asked using his husky voice. Hindi ko siya sinagot. He frowned that cause me to smile. Mabilis akong lumapit sa kanya. I wrapped my arm around his waist. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. I’m so happy to the point that I don’t care what he says about what I did. “Thank you, Ali.” I giggled. I really enjoyed not only for this trip but also I really enjoyed spending time with Ali. Hindi siya nagsalita. Naramdaman ko na lang ang kanyang bisig na pumulupot sa akin. He hugged me back. Even if I don’t ask, I know that he planned for this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD