Episode 9: I miss you

2518 Words
“Good afternoon, sir. Welcome to the...” natigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko. “What is your order, sir?” magalang na tanong nang makabawi ako galing sa pagkabigla. “The same as what I always ordered here.” he answered. “I’m sorry, but, we don’t have that kind of coffee here, sir.” pambabara ko sa kanya. Lumapit sa akin si Maia at siniko ako. “Umayos ka. He’s our costumer.” pabulong niyang sabi sa akin. Hindi ko namalayang nakabalik na pala siya galing lunch break. Tumingin ako sa kanya. “Ako na nga diyan.” pananaboy niya sa akin. Pinagbigyan ko siya sa kanyang gusto kaya naman siya na ngayon ang nasa counter to take orders. Wala ngayon si Noah kaya kaming dalawa lang ni Maia ang tumao ngayon sa shop. Si Maia ang nasa counter habang ako naman ang taga gawa ng kape. “Hot chocolate and croissant for Ali.” malakas na anunsyo ko para iparating sa aming costumer na ready na ang kanilang order. Inulit ko ulit ang pag-anunsyo nang ilang sigundo na ay wala pa ring tumatayo upang kunin ang kanilang order. Naka-tatlong tawag na ako nang lumapit si Maia. “I’m sorry.” sabi nito na ipinagtaka ko naman. “I forgot to tell you that he wants you to deliver his order to his table.” dagdag nito na nagpainis lalo sa akin. “Alam mo naman kung saan ang paborito niyang pwesto, diba.” dagdag niya sabay tapik nito sa aking balikat bago ito bumalik sa kanyang pwesto kanina. I sighed as I closed my eyes to calm my self. Kinuha ko ang tray kung saan nakalagay ang order ni Ali before I walked to his usual table. “Here’s you order, sir.” sabi ko nang makarating ako sa kanyang pwesto. Kahit na naiinis at may halong kunting kaba ay dahan-dahan kong nilapag ang kanyang pagkain sa kanyang mesa. “Excuse me.” paalam ko pagkatapos kong mailapag lahat. Tatalikuran ko na sana siya but he suddenly grab my wrist. “Wait...” he said. “Is there anything you want, sir?” I asked Umiling siya. “Nothing. I just want you to set down para samahan akong kumain.” he answered. “I’m sorry, sir, but I am busy right now.” I lied to reject his request, kahit na ang totoo ay hindi naman kami masyadong busy sa oras na ito dahil kaunti pa lang ang costumer na pumupunta. “Can you drop the ‘sir’.” sabi nito na may halong magkairita ang boses. “I’m sorry, but you are our costumer. I can’t drop the ‘sir’ that easily.” paliwanag ko. He clenched his jaw. I can see how irritated he is. He close his eyes to calm his self. “Kung wala na po kayong sasabihin sir, then I’ll excuse my self.” sabi ko sabay kawala sa kanyang pagkakahawak. Nang pabalik ako sa aking pwesto ay sinalubong ako ni Maia gamit ang kanyang nagtatanong na mga mata. Nginitian ko naman siya bilang sagot at para iparating sa kanya na okay lang ako. Alam niya kasi kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi naman ito mabigat na problema kung iisipin natin pero ramdam ko pa rin kung paano mag-alala si Maia, kaya laking pasasalamat ko nang nakilala at naging kaibigan ko siya. Hindi naman na siya nagtanong pa, bagkus ay tinuon na lang namin ang aming sarili sa aming trabaho. Maggagabi na nang dumami ang costumer namin, kaya naman sobra ang pagod namin hanggang sa matapos ang shift naming dalawa ni Maia. “Let’s go. Sabay ka na sa amin. Ihahatid ka namin ni Ran.” alok ni Maia sa akin. “Hindi na.” pagtanggi ko sa alok niya. “Okay lang ako. Maghahanap na lang ako ng masasakyan ko pauwi.” “Pero, Quim....” putol na sabi niya. “Maia, alam kong pagod ka rin. Mapapalayo pa kayo ni Ran kung ihahatid niyo pa ako.” saad ko. Magkaiba kasi ang direksyon ng bahay ko sa bahay niya. “At tyaka, kanina ka pa hinihintay si Ran.. Baka naiinip na ‘yan at nagugutom sa kakahintay sayo. Sige ka, baka magsawa ‘yan.” sabi ko na may halong pananakot. Natawa siya sa sinabi ko. “Are you sure?” she asked. I nodded and smiled as my answer. She then gave me a warm hug before she walked towards her boyfriend. I watched how the car move away from me. Nang nawala ito sa paningin ko ay umupo ako sa may three step stair ng cafe. Inunat ko ang aking mga paa saka ko ito dahan-dahang menasahe mula sa aking hita pababa. Pagkaraan ng ilang minuto, habang minamasahe ko ang aking paa ay bigla na lang may nag-squat sa aking harapan. Mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang aking ulo upang tignan kung sino ang taong nasa harap ko. I was stunned when I saw Ali in front of me. Dahil sa pagkabigla ay natigil ako sa aking ginagawa. Saglit na nagtama ang mga mata namin bago ito yumuko at itinuon ang kanyang mga mata sa aking nakaunat na mga paa. Bumalik ang aking ulirat dahil kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang hawakan ni Ali ang aking hita at sinimulan niya itong masahiin pababa kagaya ng ginagawa ko kanina. Sinubukan kong iiwas ang aking mga paa mula sa kanyang kamay pero pinigilan niya ito. “Why are you still here?” I asked. “Where is your ‘sir’ go? I’m your costumer earlier, remember.” he said mockingly. “How many bottles of beer did you drunk? I can smell it from here.” “It’s just one beer.” he answered, pero duda ako na isa lang ang nainom nito. Tumigil siya sa pagmasahe, tumayo siya at walang anu-ano’y umupo ito sa tabi ko. “You should go home. You’re drunk.” “I’m not drunk.” sabi nito sabay patong ng kanyang ulo sa aking balikat. Sinubukan kong tanggalin ang kanyang ulo sa aking balikat gamit ang aking kanang kamay pero pinigilan niya ito. “Let’s stay like this for a while, please.” he said in husky voice. We stayed in that position. Ilang minutong katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa. Sa sobrang lapit niya sa akin, I can say that, the scent from his perfume and his shampoo, smell so good on him. It’s so manly. Hindi siya masakit sa ilong. Nabasag ang katahimikan nang magsalita ito. “I’m sorry.” he said huskily. It sent shiver down my spine. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng gano’n. Hindi ko alam kung bakit may epekto ang salitang ‘yon sa akin. I close my eyes to calm my self. I let a long sigh before I open my eyes and speak. “Sorry for what?” “Sorry for what I’ve done this past week.” pag-aamin niya. “Can you tell me what happened this past week, then.” He lift his head from my shoulder before he speak. “Let’s go.” pag-iiba niya ng usapan. “Ali...” pigil ko sa kanya nang sinubukan niyang tumayo. He sighed deeply. “I can’t tell you.” “Why?” tanong na mas lalong nagpakaba sa akin. “Because I don’t have an answer, yet.” he answered calmly. “Answer from what?” “Nothing.” sagot niyang mas lalong nagpainis sa akin. “You’re dating someone, right?” tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang ko para tanungin siya ng deretsahan. Natatakot tuloy ako sa magiging sagot niya. “Where did you get that information? Wala akong nililigawan.” he answered in irritating tone. “Paano mo nasabing may nililigawan ako, eh, ikaw ang parati kong kasama.” dagdag niya. Nagkasalubong ang mga mata namin. We stared at each other for how many seconds. Ako ang unang umiwas ng tingin because of embarrassment. Nakuha ko lang naman ang tanong na ‘yon sa status post niya noong nakaraang linggo na, ‘Can I have that smile when you’re with me too’. “Malay ko ba.” sabi ko sa mahinang boses. “Baka pinapalayo ka niya sa akin dahil ako ang parati mong kasama. Baka nawawalan ka na ng oras sa kanya kaya gano’n.” mahabang litanya ko. Ilang sandaling naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Mariin akong napapikit nang na-realized ko kung ano ang nasabi ko. Nang dumilat ako ay dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Naabutan ko siyang pinipigilan nito ang pagtawa. “What’s funny?” naiinis kong sabi. “Iba ka rin mag-isip, eh, no.” nakangising sabi niya. “Hindi po kasi ako tanga para isipin na iniiwasan mo ako nang walang dahilan.” sabi ko na nagpatahimik sa kanya. “No. It’s not what I mean.” “Then, what?” I paused. “Pagkatapos mo akong hindi pansinin at walang paramdam ng isang linggo, bigla-bigla ka na lang susulpot na parang wala lang.” I burst out. Hindi siya makapagsalita. Tinititigan niya lang ako gamit ang malulungkot niyang mga mata. “Tapos yayayain mo akong samahan kang kumakain, samantalang nitong nakaraang linggo lang aalis ka na lang bigla sa table niyo na parang ayaw mo akong makisalo sa inyo.” I continued. Umiling siya. “No. I didn’t mean that. I know it’s my fault and I’m sorry. You’re not stupid, okay.” sabi nito sa malamyos na boses. “I’m sorry if I can’t say everything right now but, I promise to tell you everything when I confirm it my self, and when the right time has come.” sabi niya habang nakatitig ito sa akin. “When?” tanong ko. “Kapag nabaliw na ako sa kakaisip.” dagdag ko. “Okay lang na mabaliw ka nang dahil sa akin. Huwag lang dahil sa iba.” nakangiting sabi niya sabay kindat. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nakaramdam ng kiliti sa sinabi niya. “Awwww...” daing niya pero nakangiti ito nang batukan ko siya. “Let’s go. I want to go home.” sabi ko saka tumayo. “Wait for me here. Kukunin ko lang si Zab.” sabi niya na tinanguan ko naman. May malapit kasing bar mula dito sa pinapasukan kong Cafe. Doon siguro siya pumunta kanina nang natapos niyang kainin ang in-order niya. Ilang minuto ang nakalipas ay nakabalik na ito kasama si Zab. Lumapit ako sa kanilang dalawa. “I miss you too, Zab.” sabi ko sa walang kamalay-malay na motor bike ni Ali. Tumawa si Ali sa inasal ko. “Paano mo nasabing na-miss ka ni Zab?” nakangiting tanong ni Ali. “Eh, kaninang kinuha ko siya ayaw niyang sumama sa akin nang sinabi kong hinihintay mo kami.” I frowned at what he said. I heard him chuckled while he pat my head. Hindi ko na lang siya pinatulan at sumampa na lang ako sa likod niya. Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti habang tinatahak namin ang daan patungo sa aming bahay. Masaya ako na kahit papaano ay nagkaayos na kami ni Ali. Kahit na hindi ko nakuha ang sagot na gusto ko mula sa kanya ay malaking bagay na sa akin na nakasama at nakausap ko siya ngayon. “Can I stay here tonight?” tanong niya pagkababa ko kay Zab. “Hindi pwede. Baka hanapin ka nila tito at tita.” sagot ko. “Please!” pagmamakaawa niya. “You know how angry my dad would be if he found out I drank.” dagdag niya. Alam ko iyon. Mabait si tito pero hindi uubra sa kanya ang mga kalukuhan na alam niyang makakasama sayo. “Fine.” payag ko sa kanya. “But, you need to inform your parents about this.” dagdag ko na ikinatuwa niya. “Roger that.” nakangiting sabi niya saka nito hinubad ang kanyang suot na helmet at nauna nang naglakad papasok sa aming bahay. Kagaya ng dati, wala na naman akong naabutan na tao sa bahay. “Take a shower first before you go to sleep.” paalala ko sa kanya nang pagkarating namin sa aking kwarto ay dumiretso ito sa aking kama. “Susunod ako pagkatapos mo.” sabi niya bago ito humiga. Hindi na ako nakipagtalo pa. Kinuha ko na lang ang aking tuwalya at pumasok na lang sa bathroom ng aking kwarto. Ilang minuto rin ang tinagal ko para maligo. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Ali na nakapikit na ang kanyang mga mata. “I’m done. It’s your turn.” sabi ko pero wala akong natanggap na tugon mula sa kanya. Umupo ako sa may gilid ng kama. Pinupunasan ko ang aking basang buhok nang biglang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang tawag. “Hello, tita. Good evening po.” bati ko nang sinagot ko ito. “Hello, anak. Good evening. How are you?” tanong nang nasa kabilang linya. “Maayos naman po.” sagot ko. “Napatawag po kayo, tita?” tanong ko naman. “Are you with Ali?” tita asked. “Opo tita. Nandito po siya sa bahay ngayon.” I answered. “Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo na dito siya matutulog ngayon?” “He texted me a while ago but I need to confirm it that’s why I called you.” sagot naman ni tita. “Oh, sige na. I’m going to end this call para makapagpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka galing trabaho.” Ngumiti ako bago nagsalita. “Sige po, tita. Good night.” “Good night, iho. Ikaw na bahala sa kaibigan mo, ha.” sabi niya bago nito pinutol ang linya. Bumaling ako sa nakatulog na atang si Ali. Sinubukan ko siyang gisingin para makaligo o makapagbihis man lang pero hindi ako nagtagumpay. Hinayaan ko na lang siya sa gano’ng suot niya na white t-shirt at jogger pants. Matapos kong mapatuyo ang aking buhok gamit ang hair dryer ay humiga na rin ako sa tabi ni Ali. “Good night, Ali.” mahinang sabi ko bago ko siya tinalikuran. Wala pang isang minuto ay gumalaw ito. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero nasagot ang tanong kong iyon nang ang isang kamay niya ay pumulupot sa akin. Nagulat at kinabahan ako sa ginawa niya. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero hindi ako nagtagumpay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko, dahil sa lakas ng t***k ng puso ko, hindi ako magdadalawang isip na naririnig ito ni Ali sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. “I miss you too.” he said in husky voice. Ang kaninang pinapakalma kong puso ay mas lalong tumibok ng malakas at mabilis. Kung ang puso ko ay parang tuwang-tuwa sa narinig, ang isip ko naman ay puno ng takot. Hindi ko tuloy alam kung normal ba 'yong pakiramdam na iyon. Ayaw kong mag-assume lalo na't alam kong nakainom siya, pero sana para sa akin ang katagang binitiwan niya kanina. ‘I miss you too, Ali.’ salitang naghari sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD