Episode 8: Can I?

2232 Words
“Whooooo!” masayang sigaw ni William habang nakasakay ito sa jet ski, na pinapatakbo naman ni Alex ng napakabilis. Alas-dies na kami nagising kanina dahil madaling araw na kami nakatulog. Kahit na sina William at Alex lang naman ang naglaro sa aming tatlo kagabi ay pati ako late na rin nakatulog dahil sa ingay nila. “What time is it?” tanong ni William habang kinukusot nito ang kanyang kanang mata nang ginising ito ni Alex. “It’s already ten o’clock in the morning.” Alex answered. “Get up so we can eat breakfast.” Pagkasabi niya no’n ay bumangon na rin ako. Inayos ko muna ang aking pinaghigaan bago ako pumasok sa comfort room to do my things. Pagkalabas ko ay sumunod naman si William. "How was your sleep?" tanong nito sa akin. "Maayos naman." tanging nasagot ko. Nakakahiya naman kasing sabihin na napuyat ako dahil sa inyo. "That's good then." balik na sabi niya. Sakto naman ang paglabas ni William mula sa CR. “Let’s go.” anyaya ni Alex pagkalabas ni William. Lumabas kami sa kwarto na nakasunod sa naunang si Alex. Pero imbis na sa dining area niya kami dalhin ay dinala niya kami sa kanilang balcony. I was amazed by the view in front of me, the calm blue sea and their very beautiful garden. “Let’s eat.” Alex said as we settled down. Habang kumakain kami ay walang anu-anong nagtanong si William. “May importante ka bang gagawin mamaya pagkauwi mo, Quim?” Saglit muna akong nag-isip bago sumagot. “Wala naman. Why?” “That’s good then.” sagot niyang hindi ko nakuha. Bumaling naman siya kay Alex na busy sa kanyang pagkain. Hindi ito nagsalita agad, sa halip ay tinitigan niya si Alex gamit ang kanyang kumikinang na mga mata. Dahan-dahang sumulyap si Alex nang napansin nito na may nakatitig sa kanya. “What’s with that face?” gulat na tanong niya nang nakita nito ang mukha ni William na para bang may umilaw na bumilya sa kanyang ulo. “You’re not listening.” pag-uumpisa niya. “Quim is asking if pwede ba kaming magtampisaw muna doon bago umuwi?” sabi niya sabay nguso nito sa dagat. Nabigla ako sa sinabi niya. Napaubo ako dahil sa narinig ko. Gamit ang kaliwang kamay ay tinakpan ko ang bibig ko habang ang kanang kamay ko naman ay sinusuntok ang aking dibdib. Bumara ata sa aking lalamunan ang mga salitang bintawan niya dahilan upang ako ay mahirapan lunukin ang pagkain nasa aking bibig. “Hey! Are you okay?” tanong ni Alex habang inaabot nito ang isang baso ng tubig. Tumango ako saka inabot ang basong hawak niya. Pagkaabot ko ay siya namang pagdapo nito sa ulo ni William na busy sa kanyang pagkain, na para bang inosente siya sa nangyari. “What’s that for?” reklamo niya habang hinihimas nito ang parte ng kanyang ulo na binatukan ni Alex. “Can’t you see? Quim is just excited to swim.” Babatukan ulit sana siya ni Alex pero mabilis itong nakaiwas. “Alex, stop it..” saway ko dito. “Liam, bilisan mong kumain para makapag-swimming ka na doon.” baling kong sabi kay William sabay nguso ko sa dagat. William laughed at what I said. Napangiti na lang din ako habang si Alex ay napailing nang nakangiti. Nakaupo ako sa may buhangin habang pinapanuod ko silang masayang nakasakay sa mabilis na jet ski. Mahigit kalahating oras na rin kami nandito simula kanina at ang pagsakay nga sa jet ski ang una nilang ginawa. “Quim, ikaw naman.” sigaw ni William habang papalapit ito sa akin. “I don’t like it. Kayo na lang.” sigaw kong pabalik. Ayaw ko itong subukan dahil natatakot ako. Totoong gustong-gusto ang dagat lalo na ang view nito pero takot ako sa mga activities kagaya nito. “Huwag mong sabihing uupo ka lang dito hanggang sa matapos tayo.” sabi nito pagkalapit niya sa akin. Dinampot nito ang isang tuwalya na nasa aking tabi. “What’s wrong with that?” tanong ko habang pinagmamasdan ko siyang nagpupunas ng kanyang buhok. “I feel relax in this way.” sabi ko sabay iwas ng tingin ko sa kanya nang nagtama ang mga mata namin. “Come on. Try it. It’s fun.” pangungumbinsi niya. “Come on, Quim. Try it. I promise, hindi ko bibilisan.” sigaw ni Alex para kumbinsihin ako. “Don’t be afraid. The water will catch you if you fall.” sigunda ni William na hindi ko alam kung nakatulong ba iyon sa akin. Napailing at napangisi na lang ako sa sinabi niya. “Fine.” sabi ko saka biglang tumayo. Napangisi naman si William sa naging desisyon ko. Dahan-dahan akong naglakad para lumapit sa nakangiting si Alex. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung tama ba itong naging desisyon ko. “Don’t be afraid. I’m here.” sabi ni Alex nang nakalapit ako sa kanya. “Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi mo kung ganyang ngiti ang ipinapakita mo sa akin.” diretsahang sabi ko sa kanya. “Why? I’m serious. I will never let you fall.” “Awww!” isang batok ang ginawad ko sa kanya. Ano bang nakain nitong lalaking ito at bakit ganito ito bumitaw ng mga salita. Nahawa na ata ito sa kabulastugan ni William. Or, sadyang hindi ko pa talaga sila lubos na kilala. “Waaiiitttt!” malakas na sabi ko nang bigla niya na lang itong pinatakbo ng wala man lang signal mula sa kanya. “Hold tight, Quim. I can’t catch you if you fall but the water does.” sabi niyang may halong pang-aasar. Gusto ko siya batukan pero hindi ko magawa, dahil ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa magkabilaang balikat niya. Totoong nakakatakot noong una lalo na at bigla niya itong pinatakbo na hindi ko alam kung saan ako hahawak. Pero noong nakuha ko na ang momentum ko ay maganda rin pala ang ganitong activity. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko na para bang malaya akong nakakalutang sa tubig. Isang oras din ang tinagal namin ni Alex sa pagsakay sa jet ski. Bukod kasi sa pagsakay dito, ay tinuruan niya din ako kung paano ito gamitin at patakbuhin. “Hey, are you two yet not done? Gutom na ako.” sigaw na reklamo ni William sa amin. Sa kasalukuyan ay nasa tubig ito at mag-isang lumalangoy. Nagkatinginan kami ni Alex sa sinabi niya. “Let’s go. Let’s eat first.” Alex said. Tumango naman ako bilang sagot. Bumaba ako sa jet ski sa tulong ni Alex. “Mauna ka na. Iaayos ko lang ito.” Alex said referring to the jet ski. I nodded as my answer. Naglakad ako patungo kung nasaan si William. Nang nakalapit ako sa kanya ay ang kanyang malisyosong mga mata at ngiti ang sumalubong sa akin. “Wh-what.” bulol kong tanong sa kanya. Pagkasabi ko no’n ay napalitan ng pagkadismaya ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Liar.” maikli pero nagpalito sa akin na sabi niya. “What are you talking about.” I asked. “You said you’re afraid but the truth is you enjoyed it.” he answered “That’s true. Natatakot ako no’ng una but I realized that it’s fun that’s why I enjoyed it.” paliwanag ko. He smirked at what I said. Napailing na lang ako sa inasal niya. What’s wrong with this man? Kinabahan tuloy ako bigla. Is he smell something in me? Hindi na kami bumalik sa dagat pagkatapos naming kumain. Siguro ay dahil na rin sa pagod kaya napagdesisyonan na lang naming umuwi sa aming kanya-kanyang bahay at doon magpahinga. Hinatid kami ni Alex hanggang sa kanilang gate. “Bago kayo tumuloy, I want to remind Quim something.” Alex said. “What is it?” I asked curiously. Ngumiti siya bago sumagot. “If William drive so fast, just do this to him.” sabi niya bago bumaling sa katabi kong si William. Tinaas nito ang kaliwang kamay niyo at agad ito dumapo sa ulo ni William na walang kalabanlaban. “Awwww...” daing ni William habang hawak nito ang parte ng kanyang ulo kung saan binatukan ni Alex. “What’s that for?” tanong nito na may halong pagkainis. “Sorry.” nakangiting paghingi ni Alex ng paumanhin. “I’m just showing Quim what he can do to you when you drive so fast.” pagpapaliwanag nito. “Talagang sa akin mo sinabi ‘yan, ha.” pag-uumpisa ni William. “Dahil ang pagkakaalam ko, mas mabilis kang magpatakbo kaysa sa akin.” may diin na dagdag niya. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga katagang binitiwan ni William. It’s a signal for me to do something. “Awwww...” daing nilang dalawa nang walang anu-ano ay dumapo ang magkabilaang kamay ko sa kanya-kanya nilang ulo. Sabay nilang hinimas ito habang naningkit ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. “What?” nakangiting tanong ko. “You know that I am a fast learner, right. You both drive so fast, kaya ginawa ko lang kung ano ang tinuro sa akin ni Alex kanina. Am I wrong?” paliwanag ko habang humahakbang palayo sa kanilang dalawa. Dahil sa paraan ng pagtitig nila sa akin ay parang nakagawa ako ng malaking kasalanan. “You’re wrong.” William said while walking towards me. “Huwag kang lumayo.” pakiusap nito na may halong pagbabanta. Kinabahan ako ng bigla ko na lang marinig ang pag-aaway ng kanyang mga buto sa kanyang mga daliri. “Come here. I’ll teach you the correct one.” sabi niya saka tumakbo palapit sa akin. Hindi ako nagdalawang isip na takbuhan siya hanggang sa makabalik ako kung saan kami nakatayo kanina. “Huwag mong sabihin na gagawin mo akong panangga mo.” sabi ni Alex nang tumayo ako sa likod niya. “If you don’t want our friendship to be over, ibigay mo sa akin si Quim.” pabirong banta ni William kay Alex. “I won’t give him to you as long as I’m here.” pakikisakay naman ni Alex. “Ah, gano’n. Pinagkakaisahan niyo ako, ha.” sabi ni nito bago niya kami nisugod ni Alex. Para kaming mga bata na nag-aasaran sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at walang ibang tao na nakakakita sa kung anong pinaggagawa naming tatlo. Mabuti na lang at may kalakihan ang katawan ang ginawa kong panangga. Hindi ko siya binitawan kahit na magkanda luwag-luwag na ang kanyang damit dahil sa paghila ko at wala naman akong narinig na reklamo galing sa kanya. Nang nakaramdam ng pagod si William ay dahan-dahan itong umupo sa may gilid ng kalsada. Pinaypayan nito ang kanyamg sarili gamit ang kanyang kanang kamay. Saka ko lang din binitiwan ang damit ni Alex nang mapansin kong wala na siyang energy para sumugod. Dahan-dahan din akong umupo, isang dipa mula sa pinag-upuan ni William para siguradong hindi niya ako basta-basta mababatukan. “Medium size lang ‘tong t-shirt ko kanina, ha. Bakit naging large?” kunot-noong tanong ni Alex pero mababakas pa rin ang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. “Wala ba kayong plantsa, Alex?” tanong ni William. “Hinahabol ng plantsa ‘yang damit mo.” dagdag nito sabay tingin sa akin saka humalakhak. Inirapan ko siya na naging dahilan ng pagtawa niya ng mas malakas. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa harap namin. Doon ko lang napagtanto na hindi lang lumuwag ang damit niya, kun’di kusot-kusot pa ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko kanina. Nagkatinginan kaming dalawa. “Sorry!” nahihiya pero nakangiting sabi ko. Ginantihan niya ako ng ngiti sabay sabing, “It’s okay.” Saglit na naghari ang katahimikan sa aming tatlo. Nabasag lang ito nang magsalita si William. “Let’s go.” pag-anyaya niya sa akin. Tumango ako saka kami tumayo. Tuluyan na nga kaming nagpaalam kay Alex. “Drive safely.” pahabol niyang paalala na tinanguan naman ni William. “Goodbye, Quim.” paalam ni William sa akin pagkababa ko sa kanyang sasakyan. “Sabihin mo lang kung kailan mo gustong bumalik sa bahay nila Alex at wiiling akong samahan kita." dagdag nito sabay kindat. “Hindi na ako babalik doon kung ikaw lang naman ang makakasama ko.” bawi kong biro sa kanya, pero sa totoo lang ay kinakabahan ako sa mga binibitawan niyang mga salita. Tahimik akong pumasok sa bahay dahil ang akala ko ay may tao akong madadatnan pero wala. Napabuntong-hininga na lang ako knowing where my father is at this time. Umakyat na lang ako sa aking kwarto at humilata. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bag and I log-in on my social media accounts. I stop scrolling when I received a notification. I click the bell button and I saw a post where I was tagged. It was from William’s post two hours ago. It is a selfie picture where William showed his beautiful smile in front of the camera while me and Alex were taken candidly staring at each other while laughing. If I am not mistaken, base on the picture, it is when I fell down from the jet ski while Alex was teaching me. Napangiti ako sa post na iyon. I left that post and I continue scrolling. I stop mid-way when I saw a status post from Ali. It says that, Can I have that Smile when You’re with Me too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD