“Alex, there’s an enemy behind you.” narinig kong sabi ni William kay Alex.
“Putang-ina” malutong na mura naman nito.
I was just at the front door of Alex’s house when I heard their loud voice, na sa tingin ko ay dahil sa laro.
Pinagbuksan nga pala ako ng gate kanina nang isang naka-unipormeng babae na sa tansya ko ay nasa 30’s ang edad at sa tingin ko ay isa sa mga katulong nila.
“Good afternoon, sir.” nakangiting bati niya sa akin pagkabukas niya ng gate. “Kayo po ba si sir Quim?” magalang na tanong niya.
Ngumiti ako bago sumagot. “Good afternoon din ate. Opo, ako nga po si Quim.”
Tumango siya. “Pasok po kayo sir.” sabi niya sabay tagilid at huwestra ng kamay niya sa loob. Pumasok naman ako at hinintay siyang maisara nito ang gate. “Sunod po kayo sa akin, sir. Nasa living room po sila sir Alex at William.”
Ngumiti at tumango ako sa sinabi niya. Kahit na nahihiya ay sumunod na lang ako kay manang.
Dahan-dahan akong pumasok sa modernong bahay nila Alex. Malayong mas malaki at mas malawak ito kaysa sa bahay namin. When I entered, I was greeted by their beautiful modern staircase with black metal backbone, wood steps and glass railings in front of a stunning two storey glass wall.
I didn’t realized that I had stopped walking as I observed their house. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang kanilang eleven crystal spheres chandelier, that shines because of the sunlight that penetrates the glass wall of the house. The interior design of their house are suit to its shade, a detailed white interior with gray and brass accents.
I was busy examining the modern house when someone spoke.
“Oh! You’re here.” sabi ni William na ikinagulat ko. Bumaling ako sa kung saan nanggaling ang boses.
Tama nga ang hinala ko kanina. Ang dalawang pares na mga mata ay nakatuon sa kanya-kanya nilang cellphone, habang ang kanilang mga darili ay mabilis na gumagalaw.
Naglakad ako patungo sa kung saan sila nakaupo. Nang nakalapit ako ay mabilisang sulyap ang ginawad ni William sa akin bago nito binalik ang kanyang mga mata sa kanyang hawak.
“Saglit lang Quim, ha. Tapusin lang namin ni William itong laro.” Alex said without taking his eyes off his cellphone.
Tumango ako kahit hindi sila nakatingin sa akin. “Okay.” maikling naisatinig ko bago ako umupo sa kanilang malambot na sofa.
Mahigit isang oras ko rin sila hinintay na matapos sa paglalaro. While I was waiting for them to finish their game, my eyes continued to wander around the house.
“We win!” malakas na sabi ni William na ikinagulat ko. Napatayo pa siya sa tuwa dahil sa naging resulta ng laro nila.
I heard Alex’s giggle because of William’s reaction. Napangiti na lang din ako at napailing dahil sa parehas na kadahilanan.
“Ang hihina naman ng mga kalaban natin.” mayabang na saad niya.
“Mahina nga ba talaga, o nakatsamba lang kayong dalawa.” pagbibiro ko sa kanila.
Ang dalawang pares na mga mata ay sabay na tumingin sa akin. Ang kaninang malapad na mga ngiti ay biglang napalitan ng pagkainis. Napatulala sila sinabi ko na para bang hindi sila makapaniwala na nasabi ko iyon.
Tumawa ako dahil sa reaksyon nila.
William quickly picked up the cushion on the sofa and he immediately threw it at me.
“Panira ka rin ng moment Quim, eh.” naiinis na sabi niya.
I laughed which annoyed them even more. “I’m kidding.” pambabawi ko na hindi tumalab.
“Tama na nga ‘yan. Let’s just go upstairs.” saway naman ni Alex.
Nauna nang naglakad si William na may pahid pa rin ng pagkainis.
Napangiti na lang ako at napailing sa parang batang inasal nito.
“Manang…” tawag ni Alex sa katulong nila at agad namang may lumapit sa kanya.
“Ano po ‘yon, sir? “ tanong ng babaeng nagbukas sa akin ng gate kanina.
“Kayo nang bahala dito, ha. Tawagin niyo na lang kami mamaya kung nakahanda na ang dinner.” utos niya rito.
“Okay po, sir.” tugon naman ni manang. “Excuse me.” paalam nito na tinanguan naman ni Alex.
Bumaling sa akin si Alex nang nakaalis na sa harap namin si manang. “Let’s go.”
Tumango ako bilang sagot. Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako.
Sa bawat hakbang ko sa kanilang hagdan ay mas gumaganda ang tanawing nakikita ko mula sa kanilang glass wall. I stopped walking as I reached the middle of the staircase. I was stunned because I didn’t expect this kind of scenery. The beauty of the sea as the sky change from orange to a shades of pink, to a dark navy blue. I saw how the sun perfectly set at the edge of the sea that cause it to be calmed.
“You like sea?” tanong ni Alex na nagpabalik sa aking ulirat.
Bumaling ako sa kanya at nakitang nasa taas na pala siya at nakadungaw sa akin.
Ngumiti muna ako bago sumagot. “Not really. But I like this kind of scenery.”
“You are the opposite of me.” sabi niyang nagpagulo sa akin.
“What do you mean?” I asked.
“I like seas but I don’t like it when the sun set on it.” he answered.
“Why? Hindi ka ba nagagandahan?"
“It is indeed beautiful in our eyes, but the meaning of it didn’t.”
“What meaning?” naguguluhang tanong ko.
“For me, sunset is the sign that in every lightness follows a darkness.” makabuluhang sabi nito.
“But we learn from that darkness. It makes us strong. And, there’s a star and a moon that will be your light in every darkness.” mahinahong pahayag ko.
“But not all darkness has stars and moon.” may point na sabi niya. “And sometimes, stars is not enough to light you.” he continued.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung saan ako pupulot ng isasagot ko na para bang may mga tanong sa sinabi niya. But I feel like his words has a deep meaning on it, and I saw it through his eyes.
“Both of you have a point, but we won’t given points if that’s what we talk about. Hindi iyan ang binigay na topic ni Mrs. Tangonan.” sabat ni William. Napabaling kami pareho ni Alex sa nagsalita. Nakasandal ito sa railings, with his arms folded across his chest. Hindi namin namalayang bumalik pala ito at nakinig sa usapan naming dalawa ni Alex. “Don’t tell me, you both change our topic without me?” tanong niya.
“No.” sabay naming sagot ni Alex sabay iling.
“Let’s go then, if you don’t want our grades to be our darkness.” sabi nito saka naglakad.
Nagkatingin kami ni Alex bago parehas na napangiti. Sumulyap muna ako ng isang beses sa labas bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Hinintay ako ni Alex na makarating sa taas bago ito nagsimulang naglakad. Narating namin ang isang pintuan at binuksan naman agad ito ni Alex. The manly scent stings my nose as I entered the room.
My two eyeballs roam around to the room we entered. Malawak itong kwartong pinasukan namin, kasing lawak ito ng sala namin sa bahay. It’s interior design is not far from the interior design in their living room.
As my eyes wander around the room, my eyes dart at the big picture of a man above the headrest of a queen size bed. As I mesmerized the picture, I realized that it was Alex. He is wearing a tuxedo that suits to his beautiful features.
“That picture took when I was sixteen.” walang anu-anong saad ni Alex.
Binawi ko agad ang tingin ko sa picture nang narinig ko ang sinabi niya. I feel embarrassed. Hindi agad ako nakapagsalita sa kahihiyan.
“Let’s start?” William said nang naramdaman ang katahimikan.
Tumango ako bilang sagot. Lumapit ako sa mesa kung nasaan siya, at sumunod naman si Alex.
Nasa kalagitnaan na kami sa paggawa ng aming report nang may kumatok.
“Pasok.” sigaw ni Alex. Bumukas ang pinto at niluwal nito si manang.
“Sir, nakahanda na po ang hapunan.” sabi ni manang kay Alex.
“Okay. Salamat, manang.” Alex said. “Susunod na po kami.”
Tumango si manang bago niya kami tinalikuran.
Bumaling naman si Alex sa amin ni William. “Let’s go. Let’s eat first.”
“Let’s go. Gutom na rin ako, eh. Let’s continue this later.” sigunda naman ni William, at nauna na nga itong tumayo at lumabas ng kwarto. Napangiti at napailing na lang kami ni Alex dahil sa kanya. Hindi nagtagal at sumunod na rin kami ni Alex. Naabutan na namin si Wiliam na nakaupo sa harap ng isang malaking parihabang dining table kung saan nakahain ang mga masasarap na mga pagkain.
“Let’s eat.” sabi ni Alex pagkaupo niya.
Sa rami ng mga pagkaing nakahain ay hindi ko alam kung ano ang kukunin at kakainin ko.
“Just eat, don’t be shy.” Alex said.
“That’s right. Hindi ka mabubusog kung mahihiya ka.” William said.
I just smiled at what they both said.
While eating, we talked about different things that made us get to know each other even more. Hindi ko mapigilang mag-isip at mainggit sa kung anong mayroon sa dalawang tao na kasama ko ngayon sa paraang ng pagkukwento nila tungkol sa kanilang buhay.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik agad kami sa silid para ipagpatuloy ang ginagawa naming report. Mabuti na lang at hindi nagpasaway itong dalawang kasama ko at pagkatapos ng apat na oras ay natapos din kami. I’m thankful because these two guy somehow know how to cooperate.
When we finalized it, ay nagligpit na rin kami, naligo, at naghanda para matulog. Pero parehas ata kaming tatlo na hindi makatulog, kaya naman inaya ni William si Alex na maglaro muna sa kanilang cellphone.
“Game.” pangsang-ayon ni Alex sa mungkahi ni William.
Habang naglalaro ang dalawa ay tumayo naman ako mula sa aking higaan at naglakad palabas ng kwarto. Napadpad ang aking mga paa sa dalampasigan. The dark blue sea is so calm. The moon and the stars are so bright and beautiful that relaxed my mind.
I was wearing a white t-shirt and black short, kaya naman napayakap na lang ako sa aking katawan nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Wala akong dalang jacket dahil hindi ko naman alam na malapit pala ang bahay nila Alex sa dagat.
Lumapit ako sa isang wooden beach chair para umupo. Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko ito at napangiti nang makita ko ang pangalan ng tumatawag.
“Hey! miss me?” pabiro kong bati sa kanya.
I heard him chuckled from the other line. “Not really.” sagot niyang nagpakurot ng kunti sa aking dibdib.
“Bakit napatawag ka kung gano’n?” I asked.
“Why? Am I not allowed to call you?” balik niyang tanong sa akin.
“No. That’s not what I mean, Ali.” I answered.
Ali sighed. “How are you?” tanong niya gamit ang kanyang malumanay na boses.
“I’m fine.” nakangiting sagot ko. “And you?”
“Quim..” biglang may tumawag sa akin mula sa likuran. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang pigura ni Alex na naglalakad papalapit sa akin.
“Who’s that?” tanong ng kausap ko sa kabilang linya.
“That was Alex.” I answered.
“Why are you with him? Where are you?” sunod-sunod na tanong niya.
“Nandito ako ngayon sa bahay nila Alex. May tinapos kaming report na ipapasa namin next week.” paliwanag ko.
“Let’s go inside. Hindi ka ba nilalamig? It’s cold in here.” sabi ni Alex. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya.
Tinanguan ko siya bago ko binalikan ang kausap kong si Ali. “Ummm… I need to go.”
“Okay.” maikling sabi niya bago nito pinutol ang linya.