CHAPTER 5
Kinabukasan, maaga akong nagising. Ewan ko ba, kahit pilit kong i-distract ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-iisip tungkol sa pagsali sa HFO, bumabalik pa rin ako kay Kuya Gideon. Lalo na’t narinig ko kagabi ang boses nila ni Lea mula sa sala. Masaya. Maingay. May halakhak.
Pero ngayon, tahimik na muli ang bahay. Bumaba ako para magtimpla ng kape. Nandoon na si Kuya sa kusina, nakasuot ng gray na hoodie at pajama pants, buhok niya nakatali sa likod—messy bun style. Ugh.
“Good morning,” bati niya, habang naglalagay ng mantikilya sa toasted bread.
“Morning,” sagot ko, pilit iniwas ang tingin sa buhok niya. Bakit ba kasi ang hot niya kahit ganyan lang ang ayos?
“Ininitan na kita ng kape,” sabi niya, sabay abot ng mug.
“Thanks,” bulong ko, sabay kuha ng tasa. Napalunok ako nang magdikit ang daliri namin. Sandali lang naman... pero sapat na para bumilis ang t***k ng puso ko.
“May lakad ka ba today?” tanong niya habang umuupo sa mesa.
“Wala. Maglilinis siguro ng kwarto. Baka magbasa.”
“Sounds chill. Gusto mo mamaya, mag-movie tayo? Parang ang tagal na natin hindi nagba-bonding.”
Muntik ko nang mabitawan ang tasa.
“Ha? Tayo?”
“Yeah, bakit? Baka busy ka?”
Hindi. Hindi ako busy. Ang problema lang, baka mas lalo akong mahulog.
“Sige, okay. Anong movie?”
“Bahala ka. Ikaw mamili,” sagot niya, sabay ngiti.
That smile. That damn smile. Parang gusto ko siyang suntukin. At halikan. Ewan!
Nagkulong ako sa kwarto buong umaga, kunwari abala sa paglilinis pero sa totoo lang, kinikilig ako habang nai-stress. Gusto kong sumigaw. Bakit ba kasi ganito?!
Bandang hapon, kumatok siya sa pinto ko.
“Ready ka na?”
Pagbukas ko, napasinghap ako. Naka-black shirt siya, fit na fit, at hawak ang bowl ng popcorn.
“Punta ka na sa kwarto ko. Nakaset up na yung laptop sa projector.”
“Doon?”
“Mas malaki yung screen ko, ‘di ba?”
Tumango ako. Lakas loob kong tinago ang ngiti.
Pagdating sa kwarto niya, ang bango. May faint na scent ng sandalwood at mint. Paborito kong amoy niya.
Umupo ako sa gilid ng kama habang inaayos niya ang projector. Nakatuwad siya bahagya, kaya kita ko ang defined muscles ng likod niya kahit sa simpleng shirt. Napalunok ako. Arziel, huwag kang lalandi. Kapag nadulas ka, tapos ka.
“Okay, ready na!” sigaw niya. Tumabi siya sa akin. Dumikit ang balikat niya sa braso ko. Napapitlag ako ng bahagya.
“Lamig ‘no?” tanong niya.
“Ha? Uh, oo.”
Naglagay siya ng throw blanket sa ibabaw naming dalawa.
Oh no. Oh no. OH NO.
Habang nanonood kami, pilit kong pinapako ang tingin sa screen. Pero ang totoo, mas nakatingin ako sa gilid—sa mukha niya, sa pilikmata niyang humahampas sa ilalim ng mata niya tuwing kumukurap. Sa ngiti niyang bigla na lang lalabas kapag may nakakatawang eksena. Sa braso niyang kanina pa bahagyang nakadikit sa’kin.
At kapag natatawa siya, nauuga kami pareho sa kama. At hindi ko na alam kung dahil ba ‘yon sa pelikula o sa puso kong hindi na mapakali.
Sa kalagitnaan ng movie, bigla siyang nagsalita. “Arz?”
“Hmm?”
“Salamat. Sa laging pag-aalaga sa’kin. Kahit makulit ako minsan.”
Ngumiti ako. “Kahit minsan? Araw-araw ka kaya.”
Tumawa siya. “Pero seryoso… hindi ko alam anong gagawin ko kung wala ka.”
Napalingon ako. At nang magtagpo ang mga mata namin, parang lumambot ang lahat.
Sandali lang 'yon. Pero sapat na para mas lalo akong mahulog.
At hindi ko na alam kung paano pa ako babangon.
Sa ilalim ng malambot na kumot at mahinang ilaw ng projector, halos malimutan ko na kung anong pelikula ang pinapanood namin. Tahimik kaming dalawa. Ramdam ko ang init ng braso ni Kuya Gideon sa tabi ko, ang mabagal niyang paghinga, at ang bigla-bigla niyang pagsulyap sa akin na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
Nang matapos ang pelikula, nanatili pa rin kaming nakaupo. Pareho yatang walang gustong tumayo o sirain ang katahimikang bumalot sa amin. Bigla siyang nagsalita.
“Arz… may gusto sana akong sabihin sa’yo.”
Tumigil ang paghinga ko. Ito na ba?
Tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya, parang pinag-iisipan kung itutuloy niya o hindi.
“Anong… gusto mong sabihin?” mahina kong tanong.
“Gusto ko lang—”
“Gideon?”
Pareho kaming napatigil. Mula sa pintuan, narinig namin ang boses ni Lea. Tumayo siya’t kumatok muli.
Tok tok tok. “Open na ‘to ha, sabi mo welcome ako anytime.”
Agad akong napatayo, parang tinakasan ng dugo ang mukha ko. Nagmadali akong alisin ang kumot sa katawan at inayos ang sarili.
Si Kuya Gideon naman, mabilis na inayos ang laptop at projector. Parang nabura ang kahit anong intimate moment naming dalawa.
Pagpasok ni Lea, agad siyang ngumiti. “Oh, andito ka pala, Arziel?”
“Uh, oo, nanood lang kami ng movie,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses.
Napatingin siya kay Gideon, saka ngumiti. “That’s cute. Siblings bonding, I like that.”
Pero may kung anong tono sa boses niya. Yung parang sinasabi niyang, “Alam ko ang iniisip mo.”
“Magdadala sana ako ng protein bars. Galing ako sa shop. Nagyaya kasi si Coach ng maagang training session bukas. Sama ka, Gideon?”
“Pwede. Text mo lang ako,” sagot niya, pero hindi siya nakatingin kay Lea—nakatitig siya sa akin.
Nagmadali akong lumabas. Hindi ko na kaya. Ang biglaang pagputol sa sandali naming dalawa, ang presensya ni Lea, at ang mga tanong sa isip ko—lahat ‘yon parang sumabog sa dibdib ko.
Pagbalik ko sa kwarto, dumiretso ako sa kama at nagtaklob ng unan. Bakit laging may sumisingit? At bakit hindi niya na lang diretsahang sabihin kung ano 'yong gusto niyang sabihin?
Tumunog ang phone ko. Si Gideon.
[Kuya Gideon: Sorry. Kanina... gusto ko sanang sabihin na mahalaga ka sa akin. Pero di ko natuloy.]
Napatitig ako sa mensahe. Mahalaga… bilang kapatid? Kaibigan? O higit pa?
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Pero isang bagay ang sigurado:
Sa puso kong pilit tinuturuan ng katatagan, si Gideon pa rin ang dahilan ng bawat t***k nito.
Nakatitig ako sa screen ng cellphone ko habang paulit-ulit binabasa ang mensahe ni Kuya Gideon. “Mahalaga ka sa akin.” Paulit-ulit. Parang musika. Parang pangakong hindi sigurado kung kailan tutuparin.
Ngunit kahit malinaw na bitin, sapat na ‘yon para muling mabuhay ang pag-asang pilit kong nilulunod sa katahimikan.