CHAPTER 29 ARZIEL POV Kinabukasan, ginising ako ng malamig na hangin mula sa bukas na bintana. Ang liwanag ng araw ay banayad lang—tila marahang gumigising sa kalikasan at sa puso ko. Napapikit ako saglit, nilasap ang katahimikan ng umaga. Sa unang pagkakataon sa napakatagal na panahon, nagising ako na walang kaba, walang pangamba. Wala si Lea. Walang lihim na dapat itago. Nandito lang ako… kasama si Gideon. Paglingon ko, nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakatalikod habang sinusuot ang kanyang t-shirt. Nakalugay ang buhok niya, at tila nag-iinit pa ang balat sa ilalim ng araw na unti-unting sumisilip mula sa bintana. “Ang aga mong gumising,” bulong ko habang iniunat ang mga braso ko at lumapit sa kanya mula sa likod, niyakap ko siya. “Hindi kita ginising. Ang payapa ng mukha

