CHAPTER 11 ARZIEL'S POV Pagkarating namin sa lugar, bumungad agad ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng tubig na bumubulusok mula sa talon. Hindi ito kalakihan, pero sapat na para maging tahimik na escape mula sa gulo ng bayan—at ng gulo ng puso ko. “Ang ganda pa rin dito,” ani Gideon habang bumaba siya ng sasakyan. “Na-miss ko ‘to.” Tumango ako. “Parang walang nagbago, ‘no? Kahit ilang taon na.” Bumaba rin ako, sabay kuha ng cellphone para kumuha ng litrato. Umakyat kami sa bahagyang mataas na bahagi ng lugar, kung saan may maliit na viewing deck na gawa sa kahoy. Doon kita ang buong talon, may bahagyang bahaghari pa nga sa ibaba dahil sa tama ng sikat ng araw sa patak ng tubig. Tahimik kaming naupo sa bangkong kahoy. Si Gideon, nakasandal, nakapikit ang isang mata habang p

