CHAPTER 26 ARZIEL'S POV Hindi ko mapigilang ngumiti habang inaayos ang mga damit ko sa ibabaw ng kama. Isa-isa kong tinitiklop ang mga best outfits ko—yung mga komportableng isusuot pero maganda sa picture, bagay sa puting buhangin at asul na dagat. Isang sundress, dalawang crop top, tatlong pairs ng shorts, at siyempre, ‘yung bikini kong hindi ko pa nasusuot. Natawa ako sa sarili ko habang pinagdudugtong-dugtong ang mga outfit na para bang isang buong editorial shoot ang balak ko. Pero hindi lang ‘to bakasyon. Para sa akin, ito ang unang pagkakataon na kami lang dalawa ni Gideon. Walang istorbo. Walang biglaang tawag ni Lea. Walang kailangan itago. Isang gabi lang mula ngayon, makakalayo na kami sa gulo ng mundong pinipilit kaming paghiwalayin. Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang p

