INVITATION

1056 Words

CHAPTER 35 ARZIEL'S POV Pagkarating namin sa Maynila, agad naming naramdaman ang malaking agwat mula sa katahimikan at kalayaan ng isla. Ingay ng mga sasakyan, amoy ng lungsod, at init ng kalsada—lahat ng ito ay paalala na tapos na ang tahimik naming sandali. Pero kahit ganon, masaya pa rin ako. Kasama ko pa rin si Gideon. Sa kabila ng lahat, kahit isang araw pa lang ulit sa realidad, gusto ko pa ring sulitin ang bawat oras naming magkasama. Pagdating namin sa bahay, sabay naming binuhat ang mga bag papasok. Napuno ang maliit naming sala ng mga souvenir, damit, at kung anu-ano pang alaala ng ilang araw na para bang ibang mundo ang pinuntahan namin. Nang mailagay na ang lahat sa kani-kanilang sulok, napaupo ako sa sofa habang si Gideon ay binuksan ang bintana para pahanginan ang bahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD