Kinulam ng Sariling Tiyahin (part 2)

4328 Words
Sa last part nong part 1 na nagkaroon ako ng sleep paralysis, Grabe di talaga ako mapakali nong mag umaga na Hindi ako nakatulog masyado kaya nong umaga na yon ikenwento ko sa mga kapatid at sa mama ng asawa yong nangyari sa akin at tungkol doon sa sinabi nong matanda na naging c kamatayan na yong puso daw puno ng dugo at puno ng galit. natakot sila sa sinabi ko dahil baka may ibig sabihin talaga yun. Nong araw na yon din may pinapunta silang manghihilot dahil baka na napasma lang c kuya elyong, Nag iinoman kami sa labas non kasama mga bayaw at bilas ko. habang nag iinoman kami naririnig namin ang usapan nila sa sala yong manghihilot at c mama at yong partner ko. Natakot yong manghihilot kasi wala daw talagang pulso c kuya elyong kakaiba daw ito at hindi pa siya nakakaranas na may hinilot na walang pulso kaya sabi niya hindi ito napasma. Nong araw ding yon dinala nila c kuya elyong sa Hospital, naiiwan kami magbabayaw sa bahay kasi nga nag iinoman kami. Nong gabing yon ok na ok syempre ang tulog ko kasi walang maingay. Pagka umaga umuwi sila kuya elyong galing Hospital kasi sabi ng Doctor Wala daw itong sakit Ok lahat ang resulta X-ray ,CT scan. kaya inuwi nila ito. Tanghali non ako yong nagbabantay kay kuya elyong napaka demanding gusto niya lagi pinapaypayan kahit kaharap na niya yong ElectricFan. syempre may sakit iniintindi ko, Hindi niya maintindihan yong nararamdaman niya at mainit yong pakiramdam. hinipo ko yong mga kamay niya Ang lamig at pati boung katawan niya Kaya sabi ko ang lamig ng katawan mo kuya pero mainit yong pakiramdam niya. Tiningnan ko siya at napansin ko may naboboung dugo sa mga mata niya. Dugo talaga para bang may sugat yong puti sa mata niya tinanong ko na siya kung may nakikita ba niya ako kasi na sense ko na Parang Hindi niya ako nakikita. Sumagot siya Wala na daw siyang nakikita at tinanong niya ako na Gabi na ba. Sinabi ko tanghali pa kuya, Kinakabahan na ako at bigla kong nakita yong kaluluwa ni kuya na nasa pintoan nakatayo at nakatitig sa amin. ibig Sabihin Hindi na si kuya ang nasa katawan nito. Kinabahan ako kaya nag paalam ako kay kuya na lalabas dahil magyoyosi ako Tumango lang si kuya elyong, Bago ako lumabas sinabi ko sa partner ko na siya muna mag bantay, nasa kusina kasi siya nong time na yun. Lumabas ako yong kaluluwa ni kuya sinusundan ako para bang alam ko na ang pakay niya gusto niya akong kausapin. Umiiwas ako sa kaluluwa ni kuya elyong dahil kapag may nakakita sa akin na kinakausap ko yong kaluluwa baka mapagkamalan pa akong Baliw. Nasa tabi ako ng Daan non nag yoyosi at yong kaluluwa ni kuya elyong biglang nawala kaya bumalik ako sa bahay. Nakita ko c kuya elyong na pinapaupo ng partner ko sa may sofa dahil gusto niya daw manood ng tv. Mahina na ito kahit sa paglalakad dapat alalayan talaga para hindi bumagsak, kahit pag upo at pagpahiga alalay din kasi dederetso siya nauuntog yong ulo niya. Tumabi ako sa kanya para manood din ng TV, Bigla niya kinuha yong kamay ko at sinabing Tulongan ko daw siya. nakita yon ng partner ko at bigla ko iniba yong usapan sinagot ko si kuya na Gusto ba niya mag Cr o naiihi ba siya. Tumango ito at yon inalalayan ko siya umihi syempre habang umiihi siya nakaakbay ako sa kanya kasi di pwede bitawan o iwanan c kuya elyong babagsak siya. Kapag dumudumi siya kahit nahihiya siya wala siyang magagawa kundi magpatulong talaga, c buddy ang lagi tumutulong sa kanya kapag kailangan niya mag CR. [fastForward] Nasa Labas kami lahat noon nagkkwentohan pati c kuya elyong kailangan namin siya ilabas kasi lalo siyang manghihina kapag nasa folding bed lang lagi naka higa. Yong mata niya Dugo na talaga ang makikita, Habang nagkkwentohan kami lahat non bigla nalang Dumura ng Dugo si kuya elyong. Napansin namin panay tanong niya sa amin kung Gabi na ba wala daw siyang nakikita (na naman). Tinawagan na nila ang ama ni kuya elyong sa Ozamis kasi lagi sinasabi ni kuya elyong na uuwi na lang daw siya kasi nag aalala siya sa mga alaga niyang mga baboy. Sabi ng ama ni kuya elyong na bukas na bukas bbyahe siya para kunin c kuya elyong at e uuwi na lang sa ozamis. nakita namin ang tuwa mukha ni kuya elyong nong marinig niya sa celphone ang boses ng kanyang ama. Pagka Umaga nagulat kami kumakanta c kuya elyong na nakahiga sa folding bed, Yong kinakanta niya yong Kanta na pang mesa sa simbahan. Bigla niya sinabi sa amin na Marami na daw tao nag aantay sa kanya sa simbahan at sinabi pa niya na Huwag na huwag daw namin siya iwan hanggang sa huli. kaya sinabi ko sa kanila na naghahabilin na c kuya elyong at alam kong hindi na niya kaya pa ang lumaban sa kulam sa kanya kasi minuminuto na siyang dumudura ng Dugo. yong pangpunas niya sa bibig puro dugo na at malansa yong amoy. Napansin ko nong araw na yon na may malaking paru-paru na sinlaki talaga ng Plato kulay Brown na may Puti na stripe yong Pakpak. Bigla sinabi ni kuya elyong na Sinusundo na siya ng ina niya (Patay na yong mama niya) Kaya Tumindig lahat balahibo nong mga nakarinig, kaya sabi ko Huwag ka muna sumama kuya elyong Parating na ang papa mo nasa Bus pa lang sila, Tumawag kasi papa niya non na nasa bus na daw sila. Siniguro ko na Huwag muna siyang Sumama sa kung sino man yong nakikita niya na sumusundo sa kanya na sabi niya mama niya daw. Nagdasal ako sa may altar ng kwarto at nagsindi ng kandila Naramdaman ko ang presensiya ng kaluluwa na umaaligid sa paligid ng bahay. nag Amoy Bulaklak ng patay ang paligid at Na amoy din yon ng lahat naririnig ko sila mula sa sala. Matapos ko magdasal pag labas ko ng kwarto Nakaharap si kuya elyong sa akin. At sinabi niya na salamat, Hindi ko alam para saan yong salamat niya kaya sinagot ko nalang siya ng ngiti. Lumabas ako at nag yosi at saktong pagdating ang ama ni kuya elyong na tawagin nalang natin sa pangalang Angkol Teo. nagmano ako kay ankol teo at sabi ko kanina ka pa hinihintay ni kuya elyong. Pagpasok kaagad ni angkol teo niyakap niya kaagad si kuya elyong Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag aalala. Sino ba naman kasi ang ama na matutuwa na makita ang nahihirapan at lumalaban sa isang malalang karamdaman. Galit c angkol Teo ng malaman niya na Kinulam ng Sariling tiyahin c kuya elyong Sinusumpa daw niya na gaganti siya. nakarelate at naiintindihan ko si angkol teo sa kalagayan niya kasi minsan na din nangyari sa akin yun. 7pm ng Gabing yun Nagyaya si buddy na makipag inoman sa amin ni angkol teo, Hindi ako sumali sa inoman sila lang kasama bilas ko na si Moi (asawa niya kapatid ng partner ko at ni buddy). Hindi ako sumali kasi masama pakiramdam ko para akong lalagnatin na sumisikip yong dibdib ko kaya humiga lang ako sa sofa habang nakikinig sa mga kwentohan nila. binibiro pa nila ako non na e inom ko lang daw para mawala yong naramadaman ko, (mga pandamay moves). Hindi ko na napansin nakatulog na pala ako sa kakapakinig ng mga kwentohan nila, 9pm Biglang nagsisigawan ang lahat sa sala nagpanic lahat kaya ako Napabangon kaagad sa ingay nila nakita ko sa sulok umiiyak na si mama, nagsisigaw ang asawa ko sa pangalan ni kuya elyong at napansin ko na kinakarga ni buddy si kuya elyong si angkol teo naman Hawak niya ang kamay ni kuya elyong na pinipisil-pisil, at yong si moi kinagat niya ang hinlalaki sa paa ni kuya elyong. Nangisay na kasi si kuya elyong naka nganga ang bibig naka dilat ang mga mata kaya lumapit ako kaagad para tumulong pero Huli na Umihi si kuya elyong sa short niya at tumigil na ang paghinga. Nag iiyakan sila lahat, naiiyak na ako pero napansin ko ang isang naka itim na nakatayo sa pinto, Siya yong matanda na napanaginipan ko. parang nakaloko na nakangisi ito Akala niya matatakot ako sa hitsura niya kaya sabi ko Panalo na kayo kinuha niyo na si kuya elyong Umalis ka na bago pa ako magalit Sabay turo ko sa kanya, Nilingon ng lahat kung Sino yong tinuro ko pero ako lang nakakakita, lumabas yong matandang nakaitim at sinundan ko siya, Habang abala ang lahat sa bankay ni kuya elyong abala ako sa matandang nakaitim. Nakita ko ang kaluluwa ni kuya elyong na nakakadena ang mga kamay at paa na hinihila nong matandang nakaitim. kaya agad na akong pumikit at nagdasal ng latin sabay turo ko sa matandang nakaitim Binitawan niya yong kadena na hawak niya at binalikan ako. Hindi panaginip to kaya Hindi niya ako kayang saktan at yong ginamit kong latin ay Sinumpa ko siya. Galit na galit ang matanda Gusto niya akong lapitan para saktan pero hindi siya makalapit at dumating yong nilalang na alaga ni papa mabilis ang pangyayari pero kitang kita ko paano siya kinagat nong alaga ni papa. Kaya naglaho ito pero nabigo akong tulongan si kuya elyong at tuloyan siyang nakuha nong matanda. Yong nilalang na alaga ni papa Nasa bubong ng bahay kaya pumasok na ulit ako sa bahay. Walang natutulog boung gabing yon ang katawan ni kuya elyong ay tinabonan ng kumot. P A R T 3 Dahil nga Pumanaw na si Kuya elyong Dahil sa Kulam Nong pagka umaga nito Saktong nangagampanya na ang mga kandidato sa darating na election, Kaya Hiniling namin dun sa kandidato na tumatakbong pagka Mayor na kung pwde ipa hatid ang bangkay ni kuya elyong papuntang ozamis, Tinulongan naman kami nong Tumatakbong mayor at pinahatid nga ito gamit yong Multicab ng barangay at sila na rin ang nagbigay ng kabaong kay kuya elyong. Nong araw ding iyon umalis c mama kasi pupuntahan daw niya yong 'Manambalay' (Mangagamot), Pagka uwi ni mama Sinabi niya sa amin na mamayang gabi sasamahan daw namin yong Mangagamot at doon lang daw namin ito hihintayin sa may cementeryo ng barangay Li*****. Syempre mga matatakotin ang mga bayaw ko kaya napagpasyahan nila na bago pumunta ay mag iinoman muna para may lakas daw sila ng loob. Kampante lang ako kasi Hindi na ako takot na pumupunta sa cementeryo kahit gabi. 2pm nag simula na ang inoman at napag usapan namin na bukas pupunta kami sa Ozamis at ang maoUnang bumiyahe ay ako, Partner ko at ang Asawa ni buddy na c karla (hindi niya totoong pangalan). Habang nag iinoman at nagkkwentohan kami nagtatakotan sila para mamaya sa pagpunta doon sa Cementeryo. Kaya sinabi ko na Walang pang nababalita na may pinatay na ang mga kaluluwa o Multo at isa pa natatakot ang mga yan sa totoong tao. Sinabi ko lang yun para hindi sila masyado matakot. 7pm Agad na kami Sumakay ng Motor at pinuntahan na namin ang Cementeryo kung saan nag aantay yong Mangagamot, Medyo malayo din kasi ang cementeryo na yun kasi kailangan pa namin dumaan ng Tatlong Barangay. Malapit lang din kasi ito sa bahay ng mangagamot kaya doon niya pinili ang Gagawin niya. Pagdating namin doon Andun na ang Mangagamot na tawagin nalang natin sa Tatay. May Hawak siyang Picture na c mama daw ang nagbigay kay tatay non at tatlong kandila. Yong Picture na yon ay Ang Tiyahin ni Kuya Elyong na siyang nagpakulam sa kanya, may picture c mama kasi magkapatid nga sila. Lima kaming pumunta doon c buddy, erwin, tina, moi at ako. c tatay ang pang anim. Habang papasok na kami sa Gate nong cementeryo Lumapit yong bantay sa amin (Caretaker) Kinausap siya ni tatay magkaibigan pala sila, kaya yun pinahintulotan na kaming pumasok. Pinapaalalahanan kami ni tatay na bawal mag ingay o mag salita kaya tumango lang kami. Habang tinatahak namin ang mga daan ay napapansin ko na ang mga presensiya ng mga nilalang na nanirahan sa cementeryo Andun yong Isang Baby na nakapatong sa isang Puntod na akala ko statuwa ng isang anghel ngunit nong madaanan namin ay gumalaw at nakakatakot yong hitsura niya ilaw lang kasi ng mga celphone ang gamit namin. Ako at c tatay lang ang nakakakita kasi yong bawat tingnan ko ay yun din ang tinitingnan ni tatay, at yong mga kasama namin na mga bayaw at bilas ko? mga palamuti lang sila. nakakatawa nga hitsura nila kasi hawakhawak talaga sila ng kamay c tina Yong damit talaga ng asawa niyang c erwin ang hinawakan niya kaya naiinis c erwin kasi kahit inaakbayan na niya ito eh doon pa talaga sa damit niya nakahawak. Si tatay ang nauuna at nasa likod lang niya ako at kasunod ko na ang mga bayaw at bilas ko. Hindi sumama ang partner ko kasi sobrang matatakotin yon. Habang naglalakad kami nag type ako sa celphone ko na marami na akong nakikita sa paligid may White lady na Nakatayo sa ilalim ng malaking puno ng gemelina, Mga Kaluluwang ibat iba ang mga Hitsura at pinabasa ko ito sa mga kasamahan ko. Lalo tuloy silang natakot (Ang bad ko sa time na yun). nong marating namin ang malaking Cross na may pinturang itim napansin ko kaagad na may mga sako sa ibaba ng malaking Cross, Sinimulan na ni tatay yong mga ritwal niya at Latin din yon kaso magkaiba pero naiintindihan ko. Tahimik lang kami minamasdan bawat ginagawa ni tatay. yong mga kaluluwa sa paligid aligagang aligaga, Padaan daan sila na lumulutang sa harap namin. Tiningnan ko mga kasama ko At napansin ko may katabi si buddy na isang Lalaki na nakabarong. Kaya pinikit ko mga mata ko at ginamit ko ang latin ko para itaboy ang mga kaluluwang lumalapit sa amin. Tiningnan ako ni tatay pero patuloy pa rin siya sa ritwal niya. nawala yong lalaking nakabarong na tumabi kay buddy. yong mga kaluluwa dumistancia na rin. kampanti lang ako kasi ayoko magpakita na natatakot ako, Habang nagdadasal c tatay yong picture na hawak niya hinipan niya ito at may kinuha siya doon sa loob ng isang sako na nasa baba ng malaking Cross. Mga buto at Bungo ng tao pala laman noon. nakatingin lang kami kay tatay hawak niya dalawang bungo at inuntog niya ang dalawang bungo ng Walong beses, tapos yong picture ipinasok niya sa butas ng mata nong bungo, inilagay niya ito sa isang itim na plastic garbage bag. at ibinalik uli sa loob ng sako, Habang patuloy c tatay sa ritwal niya may napapansin akong parang may nakayakap sa malaking Cross, Maitim at mahaba ang Buhok. Nagulat ako sa nakita ko dahil yong matandang babae na nagiging c kamatayan ang nakikita kong nakayakap sa malaking Cross. Nakatingin siya kay tatay na galit na galit, Lumapit siya sa harap ni tatay at parang aakmang sasampalin pero c tatay hindi nagpatinag patuloy lang siya at tinulongan ko si tatay at ginamit ko na ang latin ko, at sa akin na siya nakatingin na parang tatangkain na rin niyang lapitan Ngunit parang nalilito siya kaya tumalon ito palayo. Tiningnan ako ni tatay, At nakita niya yong ginawa ko, Walang malay ang mga bayaw at bilas ko sa mga nangyayari kasi wala naman silang ability na makaramdam o makakita. Nong natapos na ni tatay ang ginagawa niya tahimik naming nilisan ang lugar at nong makalabas na kami sa Gate, may ibinulong c tatay sa akin. "Kaila biya ko nimo" (kilala kita), ngumiti lang ako kay tatay kinamayan niya ako at sinabing "pareho ta Latin ang gamit" kaya sinagot ko siya "Latin Whisperer ang tawag sa akong gamit tay C Saint **** ang akong Devotion" Tumango c tatay alam niyang may mga tinatago ako kahit di ko na sabihin alam niya yon. Umuwi kami at pagdating sa bahay ikwenento ko sa kanila ang mga pangyayari na hindi nila nakikita nong sa cementeryo at halatang takot na takot sila at sinabi ng partner ko "mao wala ko ni kuyog sa inyo kay hadlokan kay ko" (kaya hindi ako sumama sa inyo kasi sobra akong matatakotin) Tinawanan ko lang sila sa mga Hitsura nila na natutulala. Pagkabukas nong Umaga Nag handa na kami tatlo nina Karla, Yong partner ko, at ako para bumiyahe papuntang Ozamis sa bahay nila kuya elyong. P A R T 4 Kasalukuyan kami nong bumibyahe papuntang Ozamis kaming Tatlo nina karla, Partner ko at ako. Pagdating namin sa Mucas (pier) Sumakay kami sa Bards (barko) para makatawid kami papuntang Ozamis. Habang nasa bards kami Naka idlip ako at napanaginipan ko ang isang Matandang ermetanyo, Unang Beses ko pa lang yun napanaginipan na matanda kaya Hindi ko siya kilala. Sinabi niya lang sa akin na "Mag iingat ka sa Lugar na pinupuntahan mo, Marami kang Makakasagupa na mga Disipulo ng Demonyo.." (Bisaya pagkakasabi ng matanda pero Tinagalog ko na agad) kaya Tinanong ko siya kung Sino siya at bakit niya ako binabalaan. Sinabi lang niya na siya daw yong lagi kong tinatawag sa twing akoy napapahamak, kaya nakilala ko na kaagad siya. Hindi ko na sasabihin kung sino siya basta siya yung nababangit ko sa kapag nagdadasal ako ng Latin. ilalarawan ko lang siya para maimagine niyo yong hitsura niya. Soot niya ay parang RainCoat makapal na tela na gawa sa Balat ng Hayop. Puti yong Balbas, Matangos ang ilong, Maamo ang Mukha, Puti din yong Buhok na mahaba hanggang balikat, may hawak siyang Baston na kahoy na may mga nakaUkit na Letra na mga Latin. Nagising ako kasi Ginising ako ng partner ko Nakadaong na daw ang Bards kaya ready to baba na daw kami. Pagdating namin doon sa Ozamis city Sumakay ulit kami nong Motor papuntang Bundok dun part pa rin ng Ozamis, Hindi ko na sasabihin ang exact name ng Lugar na yon. Nakarating kami doon sa bahay nila kuya elyong na nag aagaw na ang liwanag at dilim, PaGabi na kasi yon. Pagbaba namin napansin namin ang mga tao sa loob ng bahay at ang naka burol na c kuya elyong. May Lumapit sa amin na isang Lasing na lalaki, Feeling Close at sinabi ba naman na may mga artistang dumating. Inabot pa niya yong kamay niya na gustong makipag kamay sa akin. Pero bago ko pa siya makamayan agad akong hinila ni angkol teo na nasa pintuan pala non naka Upo kaya yun na deadma ko yong lasing at yong partner ko at c karla ay nagmano sa mga kamag anak nila. Andun din sa sala yong Tiyahin nila na sinasabing kumulam kay kuya elyong, pinansin pa nga niya kami at nagmano din ako sa tiyahin nila. Halatang Plastikan ang Pagpansin ng partner ko sa tiyahin nila at nakikita ko yun. Habang nag uusap kami ni angkol teo Sinabi niya kaagad na mag iingat kami sa mga taong Makakasalamuha namin dahil may mga 'mamikpikay' sa lugar nila (tatapikin ka at magkakasakit ka na) ibinulong sa akin ni angkol teo ang mga 'mamikpikay' na nasa paligid. pinapunta kami sa kusina ni angkol teo at doon binigyan kami ng tig tatatlong piraso na Sili at ibinalot niya ito sa candy wraper. ilagay lang daw ito sa bulsa namin at huwag na huwag iwawala kasi pangontra 'mamikpikay daw yong Sili, Kapag Tinapik ka ng mga mamikpikay ay babalik sa kanila ang dalang sakit at maaanghangan sila. [fastForward] 8pm ng magsimula na ang padasal para sa patay at napansin namin na isa sa mga bumabasa sa padasal ay mismong tiyahin nila na Umanoy kumulam kay kuya elyong. Nong matapos na ang padasal unti Unti na dumadami ang nakikilamay at may umagaw sa akin ng attention Lima ka tao na Tatlong Babae at Dalawang Lalaki na mga edad 30 pataas cguro. Kakaiba mga hitsura nila at Nakatutok sila na nakatingin sa aming tatlo nina karla at partner ko na nakaupo non sa sala. Sinabi ko kaagad sa partner ko ang napapansin ko Tungkol sa mga Wierdo na nasa Labas ng Pinto. Natakot sila kasi Nakatitig talaga sila sa amin Walang Emotion ang mukha nila at hindi kumukurap ang mga mata. Hinayaan ko na lang din dahil baka bago lang talaga kami sa paningin nila. Nag paalam ako saglit sa mga kasama ko na lalabas para Mag yosi muna at Doon ako dumaan sa likod na pinto sa may kusina. Madilim at may mga niyog at andun din yong mga alagang Baboy ni kuya elyong May bangin din doon na sobrang tarik talaga nakakatakot mahulog don malamang durog ka talaga pag nagkataon. May Puno doon ng Pomelo na may Upuan na nakalagay umupo ako dun at doon ako nag yosi. di naman siya masyado madilim kasi nababanaag ito ng Ilaw na nakalagay doon sa harap ng bahay kung saan maraming nakikilamay na nag lalaro ng Baraha. Nakatingin ako sa mga bituin nong mga oras na yun at dinadama ko ang lamig ng hangin, Habang nagyoyosi ako. Ngunit may napansin ako sa hindi kalayuan na isang Babae, Nakahubot Hubad at pagapang na lumalapit doon sa mga naglalaro ng baraha kaya Tinitignan ko lang siya hanggang sa makalapit na ito sa mga naglalaro ng baraha. Hindi nila ito napapansin, Nakatayo lang ito nanonood sa kanila pero yong mga limang wierdo nakikita nila kasi tinitignan din kasi nila at nanatili pa rin sila don sa pwesto nila na nakaharap sa pinto. Yong babaeng Hubot Hubad Tingin ko parang Baliw kasi pa lingon lingon siya sa paligid at nagulat ako nong napansin niya ako na nag iisa sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kong magpapanic ba ako o mananatiling kalmado. pero dahan dahan itong Naglakad palapit sa akin na para bang nag slow motion. kinuha ko ang Celphone ko sa bulsa para e on ang FlashLight nito pero BadTrip 0% at nag Shut down. Kaya lumingon ako dun ulit sa kinaroroonan ng babaeng hubot hubad, Ngunit nawala ito. Saan na napunta yon sabi ko sa sarili ko. At hindi ko talaga makakalimotan ang sumunod na eksena. Dahil nakaramdam ako ng hangin na galing sa isang tao na humihinga sa likod ng tenga ko, Pag lingon ko... Bulaga...!! Ang babaeng naka hubot hubad nasa likoran ko na pala, Nakangiti at ang itim ng ngipin niya at ang langsa ng amoy. Kaya napaatras ako Dahan dahan nabitawan ko ang yosi ko tiningnan niya yong nahulog na yosi at tinalon niya. Hindi siya Normal ang lakas at ang bilis niyang tumalon para siyang palaka, iwan ko ba bakit di ko masambit ang Dasal kong latin para bang pinangunahan na ako ng takot o sadyang naonahan ako ng itim na mahika ng babaeng hubot hubad. Kaya agad na tumakbo at pumasok sa kusina, Tinanong ako ni angkol teo kung anung nangyari sa akin bakit daw tila takot na takot ako, Lumapit na rin sila karla at ang partner ko sa akin pati na yong mga kapatid ni kuya elyong. Sinabi ko na may nakita akong hubot hubad na babae sa likod ng bahay at nakakatakot yong hitsura. "imposible matagal ng patay si Cora, nabaliw yon mula nong Maghiwalay sila ni elyong dahil ayaw ni elyong na mag asawa pa sa kanya, Na depress at Hindi na kumakain c Cora hanggang sa nabaliw ito at nag hubad na ng boung Sout niya. bali balita pa na ni r**e daw yun ng mga lasingero dito kaya tumalon sa bangin at nagkalasog lasog yong katawan sa ibaba mga malalaking bato ang nasa ibaba ng bangin na malapit na sa ilog." kwento ni Angkol Teo, Nanlamig ako sa kwento ni angkol teo at maging ang partner ko napahigpit na ang kapit sa akin si karla nakayakap sa partner ko. Habang nag uusap kami sa kusina ay may napansin ako sa may bintana rin sa kusina may naninilip at kinabahan ako nong makita ko uli ang mukha nong baliw na si cora. itinuro ko ito pero hindi nila nakikita hanggang sa umalis at nawala na. boung gabing yun hindi na ako lumabas nasa sala na ako. di bale na itong mga wierdo people na nasa labas lang ng pinto ang kaharap ko atleast hindi sila naka n***d. 1am naglalaro kami ng baraha tatlo nina karla at partner ko, nang biglang may Feeling Close na lalaki na naman ang lumapit sa amin at nakipag kwentohan, Bestfriend daw siya ni kuya elyong kaya ayon nakipagkwentohan sina karen at ang partner ko sa kanya, Deadma lang ako kasi nakikiramdam lang ako sa paligid. May kinuha yong lalaki sa bulsa niya at binigay niya ito sa amin mga Candy pala. pero hindi ako kumain sila lang karla at partner ko lang. ilang minuto lang ang lumipas tawa ng tawa ang dalawa sina karla at ang partner ko bawat salita nong ungas na lalaki Tawa sila ng tawa. ang Corny kaya ng mga joke niya..!! Nakaramdam na ako ng kakaiba at ako lang ang hindi natatawa sa mga sinasabi niya. kaya tiningnan ko siya ng masama na para bang winaWarningan ko na siya. Ngunit nakatunog yong ungas at sabi niya "May tao talaga na hindi daw natatablan ng San Dabid" Tawa ng tawa ang mga kasama ko hindi nila alam na hawak sila sa itim na mahika ng ungas na ito kaya bago pa siya makapanghasik lalo ng lagim at tuloyan niyang mabihag ang mga babaeng kasama ko, Pasimple akong nagdasal at hinipan ko ang aking mga palad at kunwari natawa ako sa kanya at nakipag High five ako. Buti nalang at Nakipag High five siya dahil kung hindi babatokan ko na talaga siya. at dahil doon lumabas at umalis yong lalaki sumama yata ang loob niya at yong mga kasama ko na sina karla at partner ko Nangawit daw ang kanilang panga Muntik ko na silang e high five din. Tinatanong ko sila bakit ba tawa sila ng tawa e hindi naman nakakatawa yong lalaking yon. Hindi din daw nila mapigilan tumawa kaya sabi ko magpahinga na kami, marami naman bantay sa lamay ni kuya elyong kaya nagpaalam kami kina angkol teo na matutulog muna kami sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD