Kinulam ng Sariling Tiyahin (PART 5)

2711 Words
Habang nagpapahinga na kami sa kwarto ng kapatid ni kuya elyong, Agad nakatulog ang dalawa kong kasama dala ng pagod sa pagbyahi. ako naman nakaidlip lang saglit ng biglang nag iingay ang mga tao na naglalaro ng baraha sa labas. ayaw ko lumabas para alamin kung anu yong ingay na naririnig ko pero parang nagkakagulo at nagsisigawan ang mga kalalakihan. Pumikit lang ako dahil gusto ko talaga makatulog, pagod na pagod din kasi katawan ko. Ngunit parang may sadyang galaw ang sarili kong katawan, Bukas ang aking kaisipan pero yong katawan ko hindi ko na controlado, Bumangon ito ng kusa at naglakad palabas ng kawarto hanggang sa nakalabas na rin ako ng bahay. Kitang kita ko ang pinagkakagulohan ng mga naglalamay, Isang Malaking itim na aso na bumalabog sa kanilang paglalaro ng baraha. yong mga lamisa nabuwal maging ang mga upoan. napansin ko ang dalawang tao na nakagat ng malaking itim na aso. inaalalayan sila ng mga taga doon, at pinapasok sa loob ng sala. Andun ang pinsan ng partner ko na si epe, taga doon lang din siya. tinanong ko kung sino yong mga nakagat ng malaking aso. Hindi niya daw ito kilala at dayu lang daw yun para maglaro lang daw ng baraha (nag sugal inshort). yong malaking itim na aso pinagtutulongan ng apat na aso nila kuya elyong, isa laban sa apat na aso. pero malaki talaga yong itim na aso at napansin kong may kakaiba talaga sa asong yon. lumabas si angkol teo at kumuha ng pamalo at pinagpapalo yong maitim na aso. Lumalaban at ang Tapang nito yong mga alagang aso nila kuya elyong bahag na ang mga buntot at takot na takot na nasa sulok na, may mga sugat na rin ang mga ito at napilay na yong iba. pinagtutulongan na nila angkol teo at mga tao sa paligid ang malaking aso para itaboy ito pero hindi ito natitinag. sinabuyan na rin nila ito ng mainit na tubig ngunit ayaw talaga umalis. Lumingon ako sa likoran ko at yong Limang wierdo people andun pa rin naka upo nanonood para bang walang nangyayaring kagulohan. bigla ko nalang nautosan si epe na ikuha ako ng isang basong tubig at agad agad kumuha c epe. pagka bigay ni epe sa akin kunwari iinom ako at si epe nakisali na sa pagtaboy nong malaking aso. Dinasalan ko na ng latin yong tubig sa baso at isinaboy ko don sa malaking aso. Nasaktan yong malaking aso na tila ba tinamaan siya ng malakas na hampas at nagtatakbo na nag iiyak palayo. alam ko nagulat si angkol teo sa ginawa ko at bumalik na siya sa loob at yong mga tao inayos yong mga natumbang mga lamisa at upoan. kaya tumulong na rin ako, Bigla nalang nakaramdam ako ng takot at heto na naman nakaramdam ako ng sariling pagalaw ng aking mga katawan. Abala na ang mga tao sa paligid sa paglalaro kaya pabalik na sana ako sa loob ng bahay ng Tumayo yong Limang Wierdo at Hinarang ako sa pintuan. Nakatitig lang at ayaw talaga nila akong padaanin kahit nag excuse na ako para dumaan. naisip ko na doon na sa likod dadaan pero yong katawan ko ayaw at parang nanghahamon pa sa limang wierdo na nakaharang. Tinapik ako ng isang Babae sa aking balikat at naka ngisi lang. pero bigla siya naubo yong ubo na parang hinika nakatitig lang ako sa kanila. yong lalaki kasama nila may sinasabi na hindi ko maintindihan, Sobalin yong lingwahi nila ( sobalin tribe alam ng mga Taga Ozamis o Taga Pagadian, Zamboanga ang Tungkol sa mga Sobalin). Bago pa man siya matapos sa sinasabi niya Yong kamay ko bigla may kinuha sa aking bulsa, isang Yosi na naka sindi na at sinimulan kong hithitin at ibinuga ko yong usok sa sakanila, agad agad silang nagsitabi at umupo. nakakapagtaka yong yosi nakasindi galing sa aking bulsa imposible pero hindi ako napaso kung nasa bulsa ko talaga ito. pero Hindi ko na masyado inisip yon dahil pagpasok ko yong dalawang lalaki kaagad na nakagat ng aso ang hinanap ko. May hinala na ako dahil nawala sila sa sala kaya agad na akong pumasok sa kwarto. Gulat ako at sobrang galit sa aking naabotan yong mga lalaking nakagat nasa ibabaw na ng kama kung saan naka higa ang partner ko at si karla. nakaluhod yong dalawang lalaki sa paanan ng mga kasama ko. Ngunit nagulat din sila at napatayo para silang natakot sa nakita nila sa akin at nag iba yong anyo nila. Si Cora at yong matandang mangkukulam ang lumitaw sa kanilang pagbabagong anyo. Pero tila takot na takot sila sa nakita nila sa akin, Tumakas sila derederetso na dumaan sa maliit na siwang ng bintana. iba talaga ang nagagawa ng mga diablo, nakakapanlinlang ang kanilang kakayahan. Pero teka bakit sila takot na takot yon yong naisip ko ng mga oras na yon napaupo ako sa gilid ng kama na kinahihigaan ng mga kasama ko. Tulog na tulog talaga sila halatang pagod at di nila alam ang nangyayari. napatingin ako sa yosi na hawak ko, Hindi ito ang usual na yosi na ginagamit ko isang boung Tabako na nirolyo na may insenso ang laman. Saan galing to bat sa bulsa ko nakuha, isang malaking palaisipan sa akin yun. kaya imbes na mag isip ako ay pinatay ko na ang naka sinding tabako. at nagdasal na gabayan kami sa pagtulog, humiga ako at ibinalik ko yong tabako sa bulsa ko. Salamat sa aking gabay at maayos na ang pagtulog ko. 9am nagising ako at lumabas sa kwarto, nasa sala si angkol teo may kausap na kamag anak niya tumingin siya sa akin at ngumiti, ako naman deretso na sa labas at umupo sa monoblock na upuan na may lamisa. maya maya pa lumabas si angkol teo na may dala dalang tasa ng kape at ibinigay sa akin at umupo. Nagkwentohan kami at bigla niya sinabi sa akin na may kakaiba sa akin. natawa ako sa sinabi niya at tinanong ko siya bakit niya nasabi yon, "Naalala ko nong gabi na namatay si Elyong, may tinuturo ka sa may pintoan at lumabas ka non, alam kong may nakita ka kaya sinundan mo palabas. Tungkol kay Cora Bakit mo siya nakikita at yong kagabi kung paano mo pinaalis ang malaking aso." (bisaya pagkasabi non pero tinagalog ko na) ito ang mga sinabi sa akin ni angkol teo. Bago pa man ako makasagot ay gumising na pala sina karla at partner ko. Umupo na rin sila sa harap namin, tumayo c angkol teo para ikuha ng kape ang mga kasama ko at pagbalik niya may tinapay na rin siyang dala. [fastForward] Hapon na noon ng Dumating sina buddy at ang boung pamilya ng partner ko. Syempre tuwang tuwa ako kasi Kompleto ang pamilya ng partner ko. at syempre rin may dalang baon na Tuba (lambanog) si buddy, Lasingero talaga tong c bayaw kasi. Agad namin sinimulan ang inoman nasa sala lang kami kung saan sa harap namin nkaburol si kuya elyong. Marami kami nag iinoman non kasi nga masarap yong tuba. ako at yong partner ko, si buddy at si karla , si Moi, at yong pinsan nila na si epe, kapatid ni kuya elyong na si kuya Pads, at c angkol Teo. Dalawang Galon kasi ang dinalang tuba nina buddy kaya marami kami nag iinoman. Dumating din yong Tiyahin nila na umanoy nagpakulam kay kuya elyong, Yong kwentohan namin biglang naudlot at natahimik lahat. Ngunit andun din kasi c mama ( ina ng partner ko) nag usap sila kasi magkapatid naman sila, Walang Tension kasi marunong magtago ng nararamdaman c mama. umalis palabas c angkol teo at sinabing papakainin niya muna ang mga alagang baboy. kami patuloy pa rin sa inuman, Ngunit kinabahan ako bigla paglingon ko sa tiyahin nila katabi nito yong Matandang mangkukulam. Kinusot ko mga mata ko baka namamalikmata lang pero hindi ito guni guni o malikmata lang, Totoo talaga ang nakikita ko. Kinakausap pala ako ni moi noon pero tulala lang ako, kaya hinampas ako ng partner ko at yun sinabi ko na nahihilo ako (aliby ko lang yun, ako pa e matagal ako malasing). Biglang Tumayo yong mangkukulam at papalapit siya sa kabaong ni kuya elyong kaya kinapa ko kaagad ang tabako na nasa bulsa ko nakakapagtaka na naman nakasindi na naman ito nakita yon ng lahat. Biniro pa ako ni buddy kailan pa daw ako natutong mag magic, Ngumiti lang ako at kitang kita ko sa kanila ang pagkagulat lalo na ng partner ko. pero mas una niya napansin na hindi ito ang yosi ko, Para daw akong matanda na tabako ang ginagamit at tinanong niya saan ko nakuha ang tabako. sinabi ko lang na nakita ko sa kwarto tsaka kinuha ko, ayun sinumulan ko ng gamitin ito at binuga ko yong usok sa mangkukulam na papalapit sa kabaong, bigla siya tumalikod at agad lumabas ng bahay ng nagmamadali. Lumingon pa siya sa amin na para bang sinasabi niya na Humanda ako. Naubo pa nga ako nong ikalawang puff ko sa tabako ang Tapang talaga ng lasa at iba ang amoy ng usok, Amoy insenso talaga. kaya yon pinagalitan pa ako ng partner ko ang sakit daw sa ilong. Kaya pinatay ko ulit yong tabako at ibinalik sa bulsa ko. gusto pa nga ng partner ko itapon daw at bumili nalang ng yosi talaga sa tindahan. inilabas ko yong totoong yosi na nasa bulsa ko rin at yon sinabi niya may yosi naman pala ako eh bakit yong tabako pa daw. Nong maubos na ang Tuba na iniinom namin biglang sinabi ng tiyahin nila na pumunta daw kami sa bahay nila kasi may tindahan sila kumuha daw kami dun ng dalawang kaha ng beer nong una nag aalangan kami bukod sa gabi na eh syempre mahilig siya magpakulam baka mabiktima pa kami. pero binulong ko sa kanila malabong mahaloan ang beer kasi malalaman natin yan sa pamamagitan ng takip (tansan). P A R T 6 Kinulam ng Sariling Tiyahin Final part... ito na ang pagpapatuloy ng Kwento... Nakulangan sina buddy sa ininom namin nong gabing yun, kaya ng Sabihin ng Tiyahin nila na pumunta lang kami sa bahay nila (may tindahan) para kumuha ng dalawang kaha ng beer. Kahit nag aalangan pero sinunod nalang namin para hindi rin halata sa tiyahin nila na alam namin na siya ang dahilan ng pagkamatay kuya elyong. Sama-Sama kaming lahat na umalis non, yong tiyahin nila nagpa iwan lang kasi sila yong magdadasal sa lamay ni kuya elyong. Masaya kaming naglalakad sa daan nong gabing yun, hindi naman masyadong madilim kasi maliwanag yong buwan at yong mga celphone nila buddy at ni karla at moi ang ginamit na flashlight. Mahigit kumulang mga 100 meters lang naman ang distancia nong bahay ng tiyahin nila. Nong makarating na kami sa bahay ng tiyahin nila yon napansin ko kaagad yong silong ng bahay nila, sina buddy at partner ko ang pumasok at kumausap sa asawa ng tiyahin nila. si moi at karla nasa hagdanan lang naka upo, ako tinitingnan ko yong silong ng bahay. madilim kaya di ko masyado makita ang ilalim kaya hiniram ko saglit yong Celphone ni moi at inilawan ko yong silong ng bahay, napansin kong may lupa doon na parang may hinukay at inilibing, Kaya lumapit ako doon. Hindi ako napansin ni moi at karla kasi nag uusap sila nong time na yun, nong makalapit na ako nakakita ako ng kahoy kaya kinuha ko ito at ginamit kong pangkalkal doon sa lupa na parang may ibinaon. Naririnig ko pa sila Buddy at partner ko na kinakausap pa nila ang asawa ng tiyahin nila habang nag lalagay sa kaha ng beer. binilisan kong kalkalin ito ng may nahukay nga ako. isang Garapon ng mayonaise at yong takip pinulupotan ng goma. Sinipat sipat ko yong laman nito gamit ang flashlight ng celphone, Nag taka na ako dahil nakikita ko ang laman nito ay parang usok. maputing usok. binalik ko kaagad ang lupang kinalkal ko pero hindi ko na ibinalik yong garapon. umalis ako sa ilalim at doon ako dumaan sa kabilang side para hindi ako makita nina karla at moi na nag uusap pa rin sa hagdan. ibinato ko yong garapon sa puno ng mangga sa hindi kalayoan ng bahay. nabasag ito. nakita ko yong usok na nag paikot ikot hanggang sa naging hugis tao. nagulat ako dahil kaluluwa ni kuya elyong ang laman ng garapon. naka ngiti ito na tila ba nagpapasalamat at naglaho. Narinig ko na lang na tinatawag ng partner ko ang aking pangalan kaya tumakbo na ako pabalik sa kanila. tinanong nila saan ako nangaling sabi ko umihi lang saglit. Dala dala na ni moi at buddy ang dalawang kaha ng beer, naka agaw sa akin ng pansin yong katapat na bahay, wala itong ilaw na kuryente at lampara lang ang gamit. at nkita ko yong matandang mangkukulam doon nakatingin sa amin. ang iingay kasi ng mga kasama ko nagtatawanan. Yon nga bahay ng mangkukulam at katapat lang pala ng bahay ng tiyahin. Patuloy lang kami sa paglalakad pabalik sa bahay nina kuya elyong ang kulit pa nga ni buddy kasi tinatakot niya ang asawa niyang si karla. Habang naglalakad kami may napansin na ako sa di kalayuan na nag aabang, si Cora at may mga kasama siyang Limang malalaking itim na aso. Nakita ng mga kasama ko ang mga aso pero hindi nila nakikita c Cora. Umaalulong yong mga asong kasama niya. Kaya napatigil kaming lahat sabi ni moi kumuha daw kami ng malalaking bato at c buddy sabi niya hahampasin daw niya ng bote kapag sinugod kami. mahigpit na ang hawak ng partner ko sa akin halatang takot at lalo na si karla parang gusto na niyang kargahin siya ni buddy Nanginginig sa takot. Kinuha ko ang tabako pero hindi ito nakasindi kaya kinuha ko ang lighter ko at sinindihan ko ito. walang silbi Open area kasi mahangin pa, Bigla na naman may sariling galaw ang katawan ko at kumuha ng isang bote ng beer. patakbo na ang mga Malalaking aso papunta sa amin at handa na silang umataki. Pinabuksan ko kay buddy ang Beer gamit ang ngipin niya. sinaway pa ako ng partner ko "Nasisiraan ka na ng bait mag iinoman kayo lalapain na tayo ng mga Aso" sabi niya sabay batok pa. Nainis ako doon pero sabi ko Huwag kayong Tumakbo at walang gagalaw, nagdasal ako ng latin at hinipan ang bibig ng bote ng beer. pero teka c buddy binato niya yong mga aso tinamaan yong isa, kaya sinigawan ko na sila na walang mambabato. Habang inaalog alog ko yong bote ng beer na nakatakip yong hinlalaking daliri ko sa bibig ng bote. nong makalapit na ang mga aso ay agad ko na sila pinatamaan sa talsik ng beer. Kitang kita ng mga kasama ko yong ginawa ko at napaatras ang mga aso na umiiyak na nasasaktan, at yong mga buntot nila pumulopot sa kanilang paa. Sabi ni buddy sayang yong beer inihian ko nalang daw sana. Ang kulit talaga ni buddy nagbiro pa talaga sa sitwasion na yon. Mahigpit pa rin ang kapit ng partner ko sa braso parang na trauma siya non, hindi na siya nagsasalita. Yong c Cora walang nagawa dinaanan lang namin siya na nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa amin. kaya tiningnan ko lang din siya na Sabi ko sa isip Subukan mo lang saktan mga kasama ko may kalalagyan ka. Nong makarating kami sa bahay ni kuya elyong nagdadasal na yong nasa loob at Andun na naman yong limang wierdo people pero may napansin ako sa kanila basang basa sila, hindi naman umuulan pero yong basa halatang nasaboyan sila ng tubig. Nagpatuloy na kami ng inuman sa likod at sumabay naman sina epe at kuya pads. Nong matapos na kaming mag inoman, lasing na lasing kami mga 4am na yata kami natapos non. At pagka umaga naghahanda kami nagpalit ng masosoot at naka puti kami lahat. Libing na kasi yun ni kuya elyong... Kahit medyo hilong hilo pa ako noon alam kong malalagay na sa tahimik si kuya elyong, nagpakita siya sa huling pagkakataon na naka akbay sa ama niyang si ankol teo habang nasa cementeryo. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya. at yong limang wierdong people at c Cora At yong Mangkukulam, Hindi ko na nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD