Chapter 3>>"Pagsubok na NakakaTakot"

2257 Words
P A R T 1 "Pagsubok na NakakaTakot" Bago ko simulan ang kwento ,1 Ang mababasa ninyong kwento Ay Hango sa Totoong Pangyari at Walang Halong lokohan, Hindi ito imbento lang, At NakakaTakot talaga na kamuntik ng may Mapahamak.. Nangyari ito noong Nakaraang Taon lang (2016). Gabi non Habang Tulog kaming lahat Nagising c Buddy at si partner ko Dahil Sumakit daw ang Tyan ng mama nila at Tinulongan nila, Ako tulog na Tulog hindi ko alam ang mga pangyayari. Hindi na kasi nila ako ginising, Base ito sa salaysay ni buddy at partner ko. Bigla daw ako Bumangon na nakapikit ang mga mata at naglakad papuntang pintoan at binuksan at lumabas. Tinawag pa daw ako ng Mama nila na noon ay namimilipit pa rin sa sakit sa tiyan. Hindi ko daw pinansin at tuloy tuloy lang daw ako sa paglabas. Sabi ni partner baka naiihi lang ako, pero nagtaka na sila dahil mga mahigit 30minutes hindi pa daw ako bumalik sa loob. kaya inutusan na ni partner si buddy na tingnan kung asan ako. Nagulat daw si buddy kasi nasa harap daw ako ng Chapel na malapit lang sa bahay nila. Naka Luhod daw ako at ang isang kamay ko ay nakahawak sa lupa at ang isang kamay ko ay nasa dibdib. Para daw akong nagdadasal ng taimtim dahil wala daw boses na narinig si buddy. Bumalik siya sa loob para sabihin kay partner ang nakita niya. nag aalala ang mama nila sa akin kaya sinabi nito na kunin daw ako at ibalik sa loob, kaya nagsama na si buddy at ang partner ko para kunin ako dun sa harap ng Chapel. Natakot sila sa kanilang nakita dahil May nakatingin daw sa kanila sa may bubong doon sa chapel isang nilalang na Alam nila kung anu ito...(sigbin) at mas lalo silang Natakot at nanindig ang balahibo sa nasaksihan nila. Naka dipa na aking kamay na parang si kristo na naka pako sa cross, Nakalutang ang aking mga paa at tancha nila nasa 3feet na daw ang paglutang ko. Hindi nakayanan lumapit ng partner ko sa akin dahil sa sobrang takot at si buddy na ang lumapit pinilit daw akong gisingin ni buddy at unti unti daw akong bumababa sa pagkaka lutang, nong naka apak na daw ang aking mga paa sa lupa ay agad na daw akong inakbayan at inalalayan paglakad pa balik sa bahay. at ang nilalang na nakita nila ay lumipad at naglaho. Nong umagang yon Agad nila sinabi ang nangyari at nagtanong sila sa akin. Anu at paano daw nangyari sa akin yun? Ang naalala ko lang kasi Yong Matandang ermetanyo na dati ko ng na ikwento sa nakaraang kwento ko (kinulam ng Sariling Tiyahin) siya yong Tumawag sa akin at ang naalala ko lang na sinabi niya May mission daw ako dahil nagsimula na daw ang Gumalaw ang mga kampon ng dilim, at kailangan ko ng isang tutulong sa akin para mapigilan sila. At may binasbasan niya ako gamit yong baston niyang may naka ukit na mga latin. Pagkatapos non Dumating ang isang lalaki na hindi ko masyado makita ang mukha pero sa hugis ng pangangatawan parang kilala ko siya. Sabi nong matanda siya yong napili na tutulong sa akin kasi nasa dugo daw nito ang dating tagapaglingkod sa kanya bago pa mapunta sa akin. Sinabi ko ito lahat sa kanila Si buddy tulala lang, yong partner ko kinilabutan at ang mama nila Malalim ang iniisip. Pagkatanghali non nakita ko si buddy Patawid ng Highway ng biglang may Bus na bumulaga sa harap niya at nakita ng mga tao na nasa paligid ang pangyayari napasigaw ang mga tao na nasagasaan daw Tumakbo ako kaagad, Kinabahan ako na maiyak iyak ang mata ko habang nagsisigaw sa pangalan ni buddy Lumabas din non si mama, ang partner ko at sina moi at ang asawa ni buddy na si karla. lahat kinabahan. Pero Nong makita ko si Buddy Hindi siya napano walang galos at ngumiti ngiti pa ang loko nasa tabi na siya ng daan. Ang "oO.A niyo Tumawid lang ako Kung makasigaw parang mWawasak na ang mundo." pabirong sabi niya. alam kong alam ni buddy na nasapol siya nong bus dahil napahinto talaga ang bus nong lumampas na ito kay buddy. Halata ko sa mukha ni buddy na nagulat siya don sa nangyari. Kaya sinamahan ko na siya papuntang bukid non kasi kukuha siya ng mga kahoy na pangatong. Habang naglalakad kami halata ko pa rin na natakot pa si buddy kaya nagsalita na ako. "Nagsimula na ang pagsubok mo buddy, Hindi mo matatangihan yan at hindi mo rin matatakasan mas lalo ka pang mapapahamak." Hindi ko tinatakot si buddy pinapaalalahanan ko lang. Kaya sinabi ko na ang lahat lahat, Yong mga pangyayari sa Kumulam sa ama nila na May gantihang nangyari at pati yong sa Ozamis kina Kuya elyong. Habang nasa bukid na kami Grabi ang Tahimik at walang mga bahay don kahit isa. Malalaki ang mga puno may mga puno ng mga prutas, mangga, Saging, Santol, StarApple, at durian. Umagaw sa akin ng attention ang naninirahang mga kakaibang elemento sa mga puno Tinitingnan lang nila kami kilala na yata si buddy kasi palagi si buddy don, Sa bukid na yon din kasi ang hanapbuhay ni buddy Isa kasi siyang manangutay (Kumukuha ng Lambanog o Tuba) Doon din nagtatanim ng mais ang pamilya nila para gawing bigas. Habang tinutulongan ko si buddy sa pagkuha ng mga Kahoy na pangatong May napansin akong Mga 9 ka tao na nakatayo na pabilog mga naka soot sila ng itim na Robe na may hood hawak hawak sila ng kamay at parang nagdadasal Kinabahan ako at sinabi ko kay buddy. Sabi niya ngayon lang daw niya nakita mga yun, Kaya Binilisan na namin ang aming pangangahoy. PaUwi na kami non Sinabi ko kaagad kay buddy na kailangan niyang gawin yong ginawa ko dati na pagsubok. Kung naaalala niyo noong una kong kwento sinabi kong may mga ginawa pa akong hindi ko na inilagay sa kwento, Dito sa kwento na ito malalaman niyo kung paano ko nakamit ang kakayahang makakita, Nabuksan ang aking sinasabi nilang Third Eye. Si Buddy ay dadaan sa matindi, Dilikado, At nakakakilabot na pagsubok. Syempre aalalayan ko siya. Part 2 P A R T 2 "Pagsubok na NakakaTakot" Tinanong ako ni buddy kung anong Pagsubok ang Haharapin niya. "Kailangan mong Harapin ang Takot mo, Gagawin Mo ito Ng 9 na biyernes (friday) at dapat walang palya, alas 9 Sa Simbahan o kahit sa Chapel basta Sagradong Lugar. At kapag ginawa mo na ito bawal ka uminom o kahit anong bisyo Dahil isa itong Sagradong Ritwal, Kailangan wala kang iisipin, Problema, s*x, o kung anu pa man Kailangan bou ang loob mong gagawin ito. paalala ko lang sayo Buddy kahit anong makita mo o maramdaman mo Huwag na Huwag kang magpapadala kung matatakot ka Fucos ka lang Sa sisindihan mong Kandila sa Altar Dapat ang paningin mo ay nasa Nakasinding kandila lang Huwag kang lilingon at huwag kang pipikit, May mga aagaw sayo ng Attention at madidistract ka, Pero hayaaan mo lang Hindi ka nila masasaktan sinusubukan ka lang nila. Ang tinutukoy ko ay ang Magpaparamdam na kaluluwang Hindi pa natatahimik. Sasabay sila sa pag aakala nilang Matutulongan sila. Tandaan mo lang na ang kaluluwang pumanaw na ay ugali din andun yong mga masama at andun din ang mga mababait. Yong mga masasama sila talaga yong magdidistract sa gagawin mo lalapitan ka nila. Pero hindi ka naman kayang saktan, Sasabat ka sa dasal na Latin na ibibigkas ko. At pag natapos natin Dirediretso na tayo lalabas, Walang Magsasalita Tahimik natin lilisanin ang loob at dapat nakahanda ang Pausok natin sa labas na lalagyan natin ng kamanyan o ensenso para Hindi tayo nila susundan pag uwi, buddy kaya mo to kinaya ko nga dati na ang gabay ko lang ay kaluluwa lang ng papa mo." Pagkasabi ko nito kay buddy, Namotla siya at nanginig parang Ayaw niya na gawin. "Kailangan ko ba talaga gawin ang kahibangan, sinasabi mo pa lang Para na akong Tinatangalan ng Hininga Di ba pwedeng proxy na lang si Moi.." Sagot sa akin ni buddy na parang dinaan na lang sa biro, Gusto ba naman idamay si Moi. "Di ba sabi ko Hindi mo matatakasan to, Mapapahamak ka Malalagay ka sa alanganin. Permanente na ito buddy hanggang sa huli natin dito sa mundo Ipapasa rin natin ito sa kahit sinong Gustohin natin pamilya kaibigan basta sa tingin natin ay karapatdapat, Tandaan mo lang ito buddy, Na sa Oras na itoy nasimulan kahit isang beses lang Hindi ka na pwedeng Humindi Dahil panunumpa mo na ang unang Ritwal. Gabay natin ang diyos sa Gagawin natin, Diablo at kasamaan ang kalaban natin." Paalala ko buddy. "Para tayong Ghost Fighter nito Ikaw si eugene at ako si alfred kung ganon." Pabiro na sinabi ni buddy na alam kong Tactica nalang niya yun para labanan ang takot niya. "Umiral na naman pagka Kinkoy mo, Wala tayong kapangyarihan niyan Magkakaroon lang tayo ng Abay na Tiyak magpaparamdam sayo sa tuwing may Mga disipulo ng kadiliman. Makakita ka na ng mga Elemento at mararamdaman mo sila kahit nasaan ka, kaya ko nasabing wala tayong kapangyarihan dahil tatablan tayo ng sakit, at kahit Kulam. Hindi rin natin Pwede gamotin ang ating sarili. Kaya ibayong pag iingat , Magtulongan tayo buddy. Dahil kaya lang natin sila pigilan at labanan gamit lang ang Dasal na itinuro ng ama mo." pagkasabi ko non kay buddy, Tumayo siya at sinabing "Sige sa darating na biyernes Gagawin natin yan, pero grabi Wala talagang Alak at s*x kapag ginawa ang ritwal ritwal na yan? Nakakapanghinayang baka magtaka si karla." Tumatawang sinasabi ni buddy sa akin, Napa iling ako sa sinabi niya. Balasubas talaga tong si buddy kasi. [FastForwarD] Dumating ang Araw ng Biyernes at Hapon pa lang non nag uusap na kami ni buddy sa aming paghanda, Panay tanong niya sa akin na parang nagdadalawang isip na siya kung itutuloy pa ba namin o hindi. Naputol lang ang usapan namin kasi lumapit sa amin sina moi at ang partner ko. [FastForward again] 8pm pa lang Lumabas na kami ng bahay ni buddy nagpaalam kami sa pamilya niya na Pupunta kami sa pinsan nila may hihiramin lang (alibi lang namin baka magtaka sila) Pagdating namin sa Chapel agad kong hinanda ang paUsok na may kamanyan (parang insenso) Pero hindi ko pa sinindihan. Kapag ganitong oras na kasi Tulog na ang mga tao sa purok nila o kaya nasa loob na lang ng bahay Wala ng lumalabas. Balik tayo sa kwento, Pumasok na kami sa loob ng Chapel at hinintay ang oras na mag alas nwebe. nakiramdam muna ako sa paligid, tanging kuliglig lang ng gabi ang maririnig at malamig na hangin at tanging ilaw ng poste sa highway ang liwanag na nababanaag sa loob ng chapel. Muli kong pina aalalahanan si buddy gaya nong sinabi ko. Hingang malalim lang ang Tugon niya, Sinabi ko na magtiwala ka sa sarili mo at sa akin Hindi ko hahayaan mapahamak ka dahil lagot ako kay partner. Nong sinimulan na ni buddy ang pagsindi ng kandila Fucos lang siya na nakatitig sa apoy nasa likod lang niya ako nakatayo kami pareho sa harap ng altar ng chapel. Tumalikod na ako at naka harap na sa pintuan ng chapel bali nag back to back kami ni buddy. Sinimulan ko na magdasal ng latin, sumasabat din si buddy. Mayamaya pa Lumakas ang hangin parang matotoklap ang bubong ng chapel at yong mga puno sa labas parang mabubuwal. Pero yong kandila kahit hindi ako nakaharap alam kong hindi yon Basta basta mamatay kahit hipan mo pa. Patuloy kami sa ritwal at mga 5minutes lang, Nagsimula ng magsiDatingan ang mga Kaluluwang hindi pa natatahimik. Unang pumasok isang lalaking naka barong na hiwa sa leeg at sumunod ang isang matandang babae na kuba. May mga batang nagtatakbo na sa paligid, Napalunok ako ng sariling laway sa mga natonghayan ko dinanas ko na kasi dati Heto na naman. Ramdam ko ang panginginig ni buddy dahil nakasandal kami pareho sa likod. Dumami ng dumami ang mga kaluluwa sa paligid may babaeng maganda na nakangiti lumapit talaga sa akin Face to face, At sa kay buddy Yong Salbahing Lalaki na may mga tatoo may Mga butas ang katawan niya Akala ko tatakbo na si buddy non eh Talagang didikit kasi yong mukha nila sa mukha namin. buti nalang si buddy sinunod niya yong mga sinabi ko na fucos lang sa kandila ang tingin hayaan ang mga magdidistract na kaluluwa hanggang dyan lang naman sila tatakotin ka para matigil at mapahamak ka at pagminalas mamamatay ka at magiging isa ka na sa kanila. Tinapos namin ni buddy ang nakakilabot na gabi pagkatapos niyang manumpa at tinabihan ko si buddy at sininyasan ko siyang Patayin ang kandila sa pamamagitan ng daliri yong hintuturo at hinlalaki iipitin ang pabilo ng kandila para mapatay yong apoy. ginawa niya at Tahimik kaming lumabas Yong mga kaluluwa gusto kaming hahawakan at sinusundan kami ng tingin, may bata na babae nakahawak sa akin Tingin ko sakit kinamatay non kasi wala siyang sugat. Nong nasa labas na kami sinindihan ko ang pausok namin at pinausokan ang aming sarili at patuloy na naglakad palayo sa chapel. Hindi na sumunod yong mga kaluluwa, Basta wag mo lang lilingunin. Pagka uwi namin kinatok namin ang pintuan at pumasok na sa loob. tsaka pa kami nagsalita ulit ni buddy. Bakas sa Hitsura niya ang takot at si partner na nag lalaro ng clash of clan hindi pa natutulog, lumabas si karla sa kwarto at sinabihan si buddy na matulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD