Chapter 3: SHALANI IS CONFUSED WHY SHE IS CALLED SUNSHINE!

457 Words
FAST FORWARD SHALANI'S POV. Nakarating na kami sa bahay. Nakita ko si Cassie at si Kuya Jack sa labas ng bahay nila. Nag-wave lang ako sa kanila at pumasok na, dahil nakakatakot na talaga si Kuya. Iniwan ko si Kuya sa labas at kinausap niya si Kuya jack. 'Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Bahala na sila.' Pagpasok ko sa bahay, si Nanay ang agad kong nakita. Sino pa ba ang makikita ko? Siya lang naman ang naroon sa bahay. Lumapit ako kay Nanay at bumati. 'Di ko alam kung ano ang nagawa ko, 'di na naman maipinta ang mukha niya. "Nay? Kaninang umaga pa po kayo ganyan sa akin. May problema po ba?" tanong ko kay Nanay, pero 'di niya ako sinagot. Nagtataka talaga ako. Hay, 'di ko na lang inisip 'yun. Pumasok na ako sa kwarto ko. 'Di na rin ako naghapunan, dahil nawalan na rin ako ng gana. Matutulog na sana ako nang bigla kong naisip si Kuya Jack at si Kuya Kallix. "Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" 'Di talaga ako makatulog kakaisip sa kanila. Kaya nag-cellphone na lang ako. Nabigla ako nang nag-text sa akin si Cassie. Lumabas daw ako saglit. Kaya nga lumabas ako, pero buti na lang 'di ako nakita ni Nanay at Kuya. FAST FORWARD "Buti naman nakapunta ka, Sunshine," sabi sa akin ni Cassie. 'Naguguluhan talaga ako sa magkakapatid na ito. Bakit Sunshine ang tawag nila sa akin?' "Cassie, bakit Sunshine po ang tawag niyo sa akin ng kuya mo?" tanong ko sa kanya, at nabigla naman ako sa sagot niya. "Kasi simula nung lumipat kayo dito, bigla na lang nagbago si Kuya Jack. Alam mo bang ikaw ang dahilan nun? Kaya nga Sunshine ang tawag namin sa iyo, dahil ikaw lang ang nag-iisang sunshine sa buhay ni Kuya. At dahil sa iyo, nagbago na si Kuya," sagot sa akin ni Cassie na ikinabigla ko. "Talaga po? Nakakatuwa talaga si Kuya jack. Bakit kaya ganun siya sa akin? Hay, kalimutan na lang natin. Na pala, bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko sa kanya. "Kasi muntik na mag-away ang kuya mo at ang kuya ko kanina," sagot ni Cassie na ikakabigla ko. "Ha? Bakit naman? Ano bang pinag-usapan nila kanina?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Tungkol sa inyo ni Kuya. Totoo bang magkasama kayo sa library kahapon?" tanong ni Cassie. Ito na nga ang sinasabi ko. Bakit ba kasi hilig na makialam ni Kuya sa akin? Naiinis talaga ako." Lahat ng nangyari kahapon, aking ibinahagi kay Cassie kaya naintindihan naman niya ako. Pumasok na ako sa bahay namin at pumasok na din siya kasi hating-gabi na talaga. 'Iwan ko ba bakit sa labas kami nag-usap. Pwede naman sa phone.' To be continued.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD