SHALANI'S POV.
FAST FORWARD
"Bakit ka lumabas kagabi?" tanong sa akin ni Kuya.
"Ha? Lumabas ba ako?" sagot ko naman sa kanya.
"Pwede ba, wag ka nang magsinungaling. Sinundan kita," sabi niya.
'Di ko napansin na sinundan niya pala ako kagabi.'
"Patawad, Kuya. Nag-uusap lang kami ni Cassie," pahingi ko ng tawad sa kanya.
"Simula ngayon, wag ka nang lumapit kay Cassie, lalo na kay jack," sabi niya na ikakabigla ko naman.
"Bakit ba ganyan kayo sa akin, Kuya? Sila lang yung kaibigan ko," sigaw ko sa kanya.
"Ayaw ko lang mapahamak ka," sabi niya.
"Mapahamak? Bakit naman?" sunod-sunod na tanong ko.
"Balang araw, maintindihan mo din ang sinasabi ko," sabi niya.
"Kuya naman, Grade 10 na ako. Siguradong maintindihan ko," pangungulit ko sa kanya.
"Tumigil ka, maligo ka na dun.bilisan mo, may exam pa ako," sigaw niya nagalit tuloy.
Sa totoo lang, naguguluhan ako sa sinabi ni Kuya. Para bang natakot siya na baka ma-inlove ako kay Kuya jack. Why not, di ba? 'hindi naman siya mahirap mahalin. Napakabait niyang tao kaya malabong di ko siya magugustuhan. Hay, tama na nga, maligo ka na, self.
FAST FORWARD
"Nay, alis na po kami," paalam ni Kuya kay Nanay.
"Cge, ingatan mo ang kapatid mo, anak," sagot naman ni Nanay.
'Ingatan? Ang gulo na talaga. Okay lang naman ako sa school ah. Omg, paano kung nalaman ni Nanay na binubully ako sa school kahapon? Nako, sigurado talaga sinabi yun ni Kuya.'
"Opo, Nay, ingatan ko po itong pasaway mong anak," sagot ni Kuya kay Nanay.
"Grabi ka, Kuya. Pasaway talaga," sabi ko naman kay Kuya.
"Bakit? Ano ba sa tingin mo? Di ba pasaway ka rin? 'Di ka marunong magtanggol sa sarili. Halika na."sabi niya na ikakasama ng loob ko.
'Tama nga ako, nalaman ni Kuya na binubully ako sa school. Nasaktan ako sa sinabi niya. Grabi naman, parang 'di niya ako kapatid. Nasa school na pala kami. Hinatid pa talaga ako ni Kuya sa room at yun nga, nagsisigawan ang mga kaklase ko. Siguro, na-popogian sila sa kuya ko.'
"Pasok na. Huy, ikaw wag pasaway at matuto kang ipagtanggol ang sarili mo," saad ni Kuya.
"Masusunod po, Kuya," sagot ko naman.
'Hayts, para talaga akong bata. Nakakahiya, Grade 10 na ako, hinatid pa talaga ako sa room. Nakakahiya 'yun. Halos lahat ng mga kaklase ko tinanong ako kung anong sss account ni Kuya. Napaisip tuloy ako, ano kaya ang sss account ni Kuya? Kapatid nga kami, pero 'hindi ko talaga alam kung ano ang sss account niya.'
"Mga kaklase ko, pasensya na talaga, 'di ko alam eh. Try niyo lang search sa sss yung name niya, baka yun lang ang sss account niya," sagot ko sa kanila at yun nga, nagsimula na sila maghanap sa sss account ni Kuya.
"Shalani, I found your brother's f*******: account," Shanaya said.
'OMG, pati si Shanaya, hinanap din ang sss account ni Kuya. Ganun ba talaga siya kaguwapo? Hindi ko alam, pero mas gwapo si Kuya Jack sa kanya.'
"Talaga, cutie? Cge, stalk niyo, guys. Hali kayo, nahanap ni Shanaya ang sss account ng Kuya ko," agad naman tumakbo ang mga kaklase ko para tingnan.
"Your brother is so sweet to you, Shalani. Look at his profile and his bio," Shanaya added.
Ngayon ko palang naisip na may larawan pala kami nung mga bata pa kami ni Kuya. At yun yung nilagay niya sa profile. Kakainis, humanda siya sa akin pag-uwi. Sobrang sweet talaga namin ni Kuya noon, pero habang lumaki kami, nagbago na ang lahat. Tingnan mo nga naman yung bio, jejemon talaga.
"Look at the bio, guys. (The only brother of Shalani)." Shanaya said..
Yung isa kong kaklase bigla na lang sumigaw, parang kinilig. Kaya tinanong ko siya kung anong nangyari.
"Ayos ka lang, Marie?"
"Tingnan mo, in-accept na ako ng Kuya mo. Ang galing, diba? Friends na kami ng Kuya mo, yey," sagot ni Marie sa akin.
"Hay naku! Makaalis na nga."
"Where are you going, Shalani? Can I come with you?" Shanaya asked.
"Sa library lang ako. Tara po."
To be continued........